"Alam mo mag-iisang buwan ka nang nakabuntot sa lalakeng yun, ano naman mapapala mo kakahabol don?" nakataas kilay na reklamo ni Nyphele.
"I know you're curious about new things, walang takot sa kung ano. Pero galing yun sa demon race." Dagdad niya pa. "Curiosity can lead you to danger minsan."
Nyphele is talking about the soon to be crowned prince ng demon race. Prince Lyford Kedron, the famous demon prince.
Bukod sa maganda ang mukha niya, he also has this attractive expressionless face pag naglalakad siya. Sino ba ang hindi magka-interes sa ganon diba?
Marami ang naghahabol sa sikat na demonyong yon, pero who would have thought na ako lang ang naging successful sa paghahabol sakanya.
Not only he noticed me, he also give me a different expression pag nakikita niya ako. Sadly, ang ekspresyon na yon is 'annoyance'. Pero at least iba na ang tingin niya sakin diba?
"Ano ka ba, you're overthinking things! Hindi ka ba interesadong malaman kung bakit puti ang pakpak niya instead of black?" nakangiting tanong ko.
Hindi lang ako interesado sa personality and appearance niya. He's famous for having such a graceful white wings na parang anghel.
"He's from the demon race yet he has white wings, di naman siguro dangerous malaman kung bakit ganon diba?" I winked at Nyphele at mas lalo niya akong binigyan ng masamang tingin.
"If I know hindi lang yun ang gusto mong malaman, you're being such a stalker right now." Sabat niya naman sa mga sinasabi ko.
"Stalker? Ako? mukha ba akong stalker? Ang ganda ko naman para maging stalker." I cheekily smiled at what she said. "How can you say na stalker ako-
"Well lucky you, may lista ako dito." nanlaki naman ang mata ko, ano daw? She grabbed a small notebook sa bag niya. "I have a list of the things na ginagawa mo sakanya."
Agad naman niya itong sinunog... or should I say she used her ability to hide the small notebook. "Teka- hindi mo man lang ako pababasahin non?" tanong ko.
"Alam kong aagawin at itatago mo lang ang notebook. So inunahan nalang kita, I will give you the notebook pagkatapos kong ireport to sa kuya mo."
Mas lalo namang nanlaki ang mata ko. "Aish! Bestfriend naman kita ah, bakit mo nirereport lahat ng pinaggagawa ko kay kuya?"
Ngumiti lang siya ng matamis sakin. Hays, bakit ko pa naging kaibigan to. Kaya pala alam ni kuya lahat ng galawan ko sa loob ng campus.
Nilaro laro ko naman ang halo na nasa ulo ko, I need to clean this. It was stained with blood again, nakalimutan kong linisan to.
Paano nalang kung nakita ito ng prinsipe diba? He'll feel disgust of course, napaka clean freak pa naman non. He's a demon pero napaka clean freak niya.
Well who am I to judge? Isa nga akong anghel galing sa angel race pero I'm a messy and lousy person. Mahilig magmura and all...
"Isn't it time para istalk mo ulit ang prinsipe in his hunt? Ngayon ang schedule ng hunt nila diba?" napatigil naman ako sa sinabi ni Nyphele.
"OMG OO NGA! Hulog ka talaga ng langit Nyphele! Even though hindi ka supportive sa mga ginagagawa ko. You still manage to remind me things. LOVE YOU!"
Malakas na sigaw ko sabay lipad paalis, oh see? Kahit hindi supportive si Nyphele, she still informs me things dahil makakalimutin kasi ako.
Alam ko na kung bakit bestfriend ko siya. sumbungera nga lang kay kuya, but I'm sure she's just concern saakin.
I immediately went to find the prince. Pero its weird kasi wala akong nakitang demon na may puting pakpak sa hunting entrance.
"Asan na ba yung puting demonyo na yun?" mabilis ko namang nakikita yon dahil sa puting pakpak niya, pero he's not there with his team.
Lumipad lipad naman ako sa paligid and went to the building kung saan nagkaklase ang mga demon, baka andon pa siya sa classroom? Papasok na sana ako when I heard a voice...
"I told you I like you, why are you pushing me with that woman? Wala akong gusto don." Huh? Isn't that... the famous demon prince's voice?
"Wag mong lakasan ang boses mo, someone might hear you're... gay." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.
ANO DAW?! Dahil makapal ang mukha ko, binuksan ko agad ang pinto sabay turo sa prinsipe. "YOU'RE WHAT!?"
The prince lazily looked at me and smirked. Napalunok naman ako ng paulit ulit... Did I take this curiosity of mine too far? "You heard right-
"Hah! Ano naman if you're gay? This doesn't stop my curiosity and interest." Putol ko sa sinabi niya.
Tiningnan niya naman ako ng masama, nakatingin din yung isang demon na bestfriend and guard niya. Alam ko ito because I have been observing them for days.
I should have notice his... sexuality kung ganon man. My observation were never wrong, pero minsan mahirap basahin ang prinsipeng ito.
I proudly put my hand in my chest and smiled. Gay or not: True or not true-
"I, Lady Dethyria Javier of the angel race will be chasing the famous demon prince." Sa tingin niya magbaback down ako dahil bakla siya?
Wrong! Totally wrong! I was born with determination and a curious mind. This won't stop a curious little angel like me!
![](https://img.wattpad.com/cover/280706754-288-k758134.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing the Famous Demon Prince
Fantasía"They say curiosity killed the cat, they forgot cats have 9 lives. If curiosity kills me, I still have 8 lives left." -Dethyria Javier