"Ah Princess don't run, pag tumakbo ka di kita bibigyan ng candy!" malakas na sigaw ko kay Lamia, agad naman akong napatingin kay Nyphe who's currently climbing in a tree-
"Nyphele! Pot-" muntik na akong mapamura dahil sa gulat. "Violet won't come to you pag nagpasaway ka!"
Andito nga pala kami sa park ng school, buti nalang talaga at konti lang ang estudyante at mga tao. Kakarating lang namin.
Pero tumakbo na si Lamia sa playground and Nyphe tried to climb on a tree. Si Lyf lang ang naiwan na hawak hawak ang kamay ko.
He's silent yet clingy, Nyphe's silent too kaso pasaway and Lamia? She's really the talkative one at pasaway din.
Grabe- I should remind myself not to have kids in the future? Hindi naman ako mahilig sa mga bata eh. This is clearly torture for me.
Buti nalang at sumunod na si Nyphe, she played with Lamia in the playground now. Si Lyf naman ay nasa tabi ko parin.
Ang cute talaga ng mga pakpak nila, buti nalang at di pa sila nakakalipad sa edad na to. I would be chasing them sa langit kung ganon man.
Umupo nalang ako sa bench kasama si Lyf, it's been a few hours but I finally managed. "Here." Napalingon naman ako kay Lyf na binigyan ako ng isang candy.
Agad naman akong na touch- si Lyf lang talaga ang masunurin sakanilang tatlo, bukod don he's also behaved and kind.
Sus kung ganito lang ang Lyf na adult edi masaya na sana ang bonding namin. "Aweee Lyf babyyy so cute, thankyouuu~"
Sabi ko sabay yakap sakanya ng mahigpit. Hindi naman niya inalayo ang mukha ko, he usually hate hugging. Lalo na pag ako ang nakayakap sakanya.
Kahapon eh sobrang sama ng tingin niya, cute parin naman tingnan. Di ko din mapigilan ang aking self na yakapin siya ok? Pero hinayaan niya ako ngayon.
May development ang pagsasama namin! Sayang nga lang dahil hindi siya yung totoong Lyf. He's baby Lyf right now.
Pero bahala na at least nagkadevelope kami ng baby self niya.
"So you have children now? Grabe... you stoop so low."
Alam na alam ko ang boses na yun, it was from my cousin's. teka ba't andito tong bruha na to? Shouldn't she be with my lazy aunt?
"Boba ka ba? Do I look like someone who'd have kids in a couple of months?" dahil bad mood ako ngayon, hindi ko maiwasang hindi mapasagot sa pinsan ko.
"Wh-what?! Hah, ang fake mo parin pala. Pag wala ang ibang tao, you act like a b*tch!" inis na sagot niya sakin.
Kasalanan niya naman ah? Bat parang kasalanan ko eh siya yung nauna? "Sino ba ang sanhi sa pagiging peke ko? Diba yung nanay mo din na palalamunin lang?"
"I will tell mother about this-" hindi natapos ni Lux ang sasabihin niya dahil biglang may bumato sakanya na buhangin. "Ack- ew the f-ck?!"
Si Nyphe ang nagbato nung buhangin, agad namang sumunod si Lamia who's following what Nyphe did. Nanlaki naman ang mata ko nung itinaas ni Lux ang kamay niya para saktan sina Lamia.
"What? You're hurting kids now?" pigil ko sa kamay niya. "Kung sasaktan mo sila, ako ang unang makakaharap mo."
Napaatras naman siya at umalis na, I'm sure she's going to tell her mother. Pero wala naman siyang ebidensya...
"Ok lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ko kina Nyphe at Lamia. Agad naman silang tumango.
"Big sister is so strong!" -Lamia.
BINABASA MO ANG
Chasing the Famous Demon Prince
Fantasía"They say curiosity killed the cat, they forgot cats have 9 lives. If curiosity kills me, I still have 8 lives left." -Dethyria Javier