Chapter 14: Oops they Saw Us

2K 131 0
                                    


Sabay naman kaming napalingon sa kabilang wall, ngayon ko lang na sense na may iba palang kasama kami dito.

I kinda let my guard down pero buti nalang at si Prince Lyford ang kasama ko dito. Kitang kita namin ang taong to because they were slightly glowing.

Not to mention nakadikit siya sa wall, hindi ko masyadong makita ang mukha nito. I think nakamask ito ng malaki, they masked a skull.

Grabe anong klaseng tao to? They were like some monkeys gripping on the wall, nagulat naman ako ng may inilabas itong bow and arrows.

"It's gonna kill us." Agad naman akong napatingin kay Prince Lyf when he said that. Patayin?

"How can you tell?" actually no, may point si Prince Lyf, seeing that person has a bow and arrow na naka-point sa amin.

I think it's really gonna kill us, nawalan ata ako ng konting common sense dito. Hays, I told you guys. Talking to prince Lyf can drain common sense.

Nanlaki naman ang mata ko when the person hanging started shooting arrows, agad naman akong nagsummon ng shield.

"A wooden shield? Really? The arrows consist of magic, it's not gonna help." Napasimangot naman ako sa kumento niya

"At least it's helping ng konti? Lahat ng bagay ay may use ok? Atsaka malay ko bang may aatake satin na arrows, I don't use shields? Duh? I only make weapons."

Totoo naman kasi, I don't create shields kasi mas prefer ko ang gumawa ng weapons. Seeing the situation ngayon, siguro gagawa na nga ako ng shield.

"You need to use your blessing well, try exploring new or create new weapons na hindi pa nadiskobre?" napatigil naman ako sa suggestions niya.

He's right I didn't give my blessing much importance of its use. Hindi ko din pinag-aralan ng mas maigi ito, nor did I discover and expand my blessing's potential.

I sighed naman at naglabas ng sword, "I will try and stop the arrows, mabilis naman ako-"

"No need, I found a way out." Nanlaki naman ang mata ko, huh? Meron bang way out dito? Bakit di ako na inform?

Nagulat naman ako ng may sinuntok siya at may tunnel paalis dito. "Paano mo nalaman na may palabas dito?"

"..." hindi naman siya sumagot so I teased him instead.

"Don't tell me sinadya mo talagang hindi sinabi sakin na may daan palabas para makasama mo ako. Dapat sinabihan mo ako, I'll always accom-

'Master, this tunnel is safe.' Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita na boses bata. It was a small girl's voice?

Muntik naman ako mapatalon sa gulat when the girl appeared in front of both of us, I think she's 6 years old?

Dark purple short hair, red eyes at may skull pin sa ulo niya. Meron ding kung anong kandila ang pumapalibot sakanya.

She's wearing small dress, para tuloy siyang manika... teka sino ba to? Meron ba kaming bata na kasama kanina wait..." Ghost!?"

Napatingin naman ang bata sakin, she also has a dull expression. 'You must be Master Dethyria, greetings."

"This is Grimm, my spirit partner." I frowned naman at what he said, ano daw? Spirit partner? So multo nga tong kasama namin?!

'no need to be alarmed lady Dethyria. I am just a mere guide for my master to control his blessing.'

Napa-tilt naman ako ng ulo, blessing? Oo nga pala, hindi ko pa alam ang blessing niya. I always wondered what his blessing is-

So ano nga? I don't think his blessing is to have contracts with spirit? Agad naman akong napalingon sa likod nung may na sense akong paparating.

The Grimm child used the candles around her to stop the arrows. A child can stop those arrows?!

"Let's go."

Agad ko naman siyang sinundan, buti nalang at may ilaw na ulit sa tunnel na to so madali lang kaming nakaalis don.

Pretty sure that attacker wont be following us, bukod sa andon si Grimm na pumipigil sakanya. Nakakapit lang din naman siya sa bubong eh.

Habang nakasunod ako sakanya ay hindi ko maiwasang hindi mapatigin sa likod niya. Still wondering what his blessing is.

Sabi ni Grimm na contract spirit lang siya, tas tinutulungan niya lang si Prince Lyf sa blessing niya. Spirit contract hmmm...

Narinig ko na ito, pero mostly nangyayari lang ito sa mga talented na mga tao. Akala ko nga na mga contractor lang ang nakakakita sa mga spirit nila?

So why can I see his contract spirit? Weird? "Teka that Grimm child, how old is she? Ilang years na kayong magkacontract?"

Tanong ko naman, he didn't answer as always. 'Hello Lady Dethyria, I'm already a hundred years old.'

Muntik naman akong mapasigaw sa gulat dahil sumulpot na naman yung bata sa gilid ko. Akala ko nga aatakehin ako eh.

"Talaga? So you're older than me?" tanong ko ulit sakanya at tumango naman ito. Napangiti naman ako and patted her head.

Ang cute niya despite her appearance na mukhang horror doll. "Buti pa tong contract spirit mo Prince Lyf eh sinasagot ang mga tanong ko."

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi na naman sumagot. "So Grimm, what kind of guide are you? Diba sinabi mo na guide ka?"

'I guide my master to control spirits and corpse-

"Grimm." Napahinto naman kaming dalawa ni Grimm at napayuko naman si Grimm nung tinawag ang pangalan niya.

'I apologize master, I will get going.' At tuluyan na ngang nawala si Grimm, napanguso naman ako sa ginawa ni Lyf.

"Bakit mo pinagalitan yung bata- eek!" na cornered ako sa wall kasi bigla siyang nag wall slam with both of his arms, since the tunnel is small, hindi ako makawala. (Basta kabedon pose)

Sabay lapit ng mukha niya sakin at-

"What are you two doing?"

Chasing the Famous Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon