Agad naman akong napatingin sa paligid, nakahiga padin yung katawan ni kuya and yung katawan... ko. YUNG KATAWAN KOO-
"OMG, pano to? Sa lahat ng katawan kay Nyphe pa talaga?" natatarantang tanong ko, ack problema ko ngayon kung paano makabalik.
I touched my body and... GRABE ANG LAKI NG 'ANO' NI NYPHE! SHE WAS HIDING THIS LARGE CHEST OF HER?! AKALA KO NORMAL SIZE LANG PERO-
PAKINGTEYP NAMAN ANG UNFAIR. "Why are you touching her chest?" tanong ni kuya, inirapan ko nalang siya.
Si kuya na nasa katawan ni Fallon ngayon ay nilapitan ang katawan niya. Who knows who's inside that body right now.
Ako naman ay lumapit sa katawan ko sa may corner, malayo layo sa katawan nina kuya.
I saw Lyf in the corner malapit sa katawan ko. Drenched and wet, teka why is he wet? Agad ko naman siyang nilapitan.
Nanginginig siya? His eyes were trembling- teka don't tell me? Hinawakan ko agad ang mga balikat niya. "YOU STEPPED IN THE SWAMP?!"
Malakas na sabi ko sakanya, hinawakan ko naman ang katawan ko which is Nyphe's body. Hindi naman ako basa pero nung hinawakan ko ang katawan ko...
Wet... Lyf right now is not responding. Basta nakabukas ang mata niya, nanginginig like he's scared. His phobia is probably kicking in ngayon.
Napamura naman ako sa isipan ko, he saved me and Fallon's body. We probably fell in the swamp nung nawalan na ako ng malay.
Nyphe reached the ground kasama si kuya at di sila basa ngayon. Napatingin ulit ako kay Lyf, he should have saved us. Hindi naman ganon kalalim ang swamp.
Pero... he saved us and now his phobia is triggering him ngayon which makes him unresponsive, shivering and scared?
(Again, I used Aquaphobia kasi may fear si Lyf sa mga body of water. Pwede kasi both ang Aquaphobia, fear of water and kung ano ang nasa loob nito. Thalassophobia is just fear kung ano ang nasa loob ng tubig -Queen A.M)
Ano kaya ang nangyari sakanya? Bakit may phobia siya sa mga tubig? nung kasama ko kasi si Lyf, we didn't encounter any water kaya... di ko napansin.
Buti nalang at walang tubig nung naghunt kami don sa underground cave na natrap kami. Also nung kinain kami ng halaman, di naman yun tubig.
It's slimy fluid lang na nagme-melt ng damit. I guess pure water talaga ang fear niya, ngayon na nagstep in sha sa swamp and tried to save us.
"Prince Lyf, calm down." Pagpapakalma ko sakanya. Ewan ko ba pero lumipad agad ang utak ko kung paano siya naliligo kung may fear siya sa tubig.
Hindi siya naliligo? Pero... he always smells good naman? Looks fresh and everything. Amoy kape palagi and he still looks good.
Bumuntong hininga naman ako, grabe yan talaga ang naisip ko sa sitwasyon ni Lyf ngayon? Wala siguro siyang kalam alam ngayon sa nangyayari.
Since nasa katawan ako ni Nyphe ngayon, maybe magagamit ko ang blessing niya? She probably has a blanket. pero pano ko gagamitin ang blessing niya?
So I focused and closed my eyes, trying to figure out how to use her blessing. Nung pinikit ko ang mata ko, I saw things...
Mga bagay na nakalagay sa shelves. Whoaaa- ganito pala to gamitin? Super dami ng mga bagay na nakalagay sa shelves.
Mostly books and foods, nakakita naman ako ng blanket! pero paano ko makukuha? I tried to reach out and- napabukas ako ng mata.
"WHOA!" namamanghang sabi ko, nasa kamay ko na ang blanket! agad ko naman iyong inilagay sa katawan ni Lyf.
Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko, hinawakan niya ang kumot na inilagay ko sa katawan niya at pilit na inaalis.
This is the first time na nakita ko siyang ganito, like scared na parang pusa. "Lyf! Kumalma ka!" hindi naman siya nakinig at pilit parin inaalis ang kumot.
"No, no, please I won't do it again." Nagulat naman ako sa mga whispers niya. "D-don't d-drown m-me."
He said in a low scared voice. I have no choice but to cupped his face and pilit na pinapatingin sa direksyon ko.
"Prince Lyf! It's me, Dethyria. Kumalma ka na, no one's gonna hurt you. it's me, calm down." Hindi naman siya umiiyak.
Pero his eyes really looked pitiful. Hindi ko alam pero bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako. "Uh-UH"
'Master Dethyria, please let my master hug you for a few minutes.' Napatingala naman ako at nakita si Grimm na lumilipad kasama ang mga kandila niya.
'He will come back to his senses, kailangan niya lang muna ng kayakap ngayon.' Nag-aalalang dagdag ni Grimm. 'Also, don't let anyone see him like this.'
Tumango naman ako sa sinabi ni Grimm. Yeah, Lyf is not the expressive type. Pag may nakakitang iba sakanya, baka mago-overthink to.
Dahil nakayakap siya sakin ngayon na parang bata. I decided to cover his head with blanket. "Ok lang kayo di- what are you doing?"
Agad namang nawala si Grimm na parang bula, I always think kung pinapakita ba ni Lyf sa iba si Grimm? Sakin lang kasi kumakausap si Grimm.
I didn't ask anyone about Grimm too, siguro tatanungin ko si Grimm mamaya pag may time ako.
Napalingon naman ako at nakita si Fa- I mean kuya. Karga karga niya ngayon ang katawan niya. "Phobia."
Sagot ko nalang, madali naman niyang naintindihan iyon and tumango na. My kuya didn't ask further kasi may ideya na siya.
"Si Prince Lyf lang ang hindi naapektuhan ng soul switch." Sabi ko kay kuya, naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap ni Lyf.
He's probably closing his eyes, pero tinabunan ko kasi ng kumot para di makita nina kuya. Nakaramdam naman ako ng something sa puso ko.
Tsk, katawan ni Nyphele ang yakap yakap ni Lyf ngayon at hindi yung mismong katawan ko. Psh-
"The flower that released the pink smoke is the cause." Sagot ni kuya."Dahil malayo layo si Prince Lyf don ay hindi niya na-inhale ang smoke. Which is good-"
"The f-ck?" sabay naman kaming napalingon sa nagmura, it was my body... super sama ng tingin nito and giving cold glares... ah
"Lady Nyphele." Sabay sabi namin ni kuya
![](https://img.wattpad.com/cover/280706754-288-k758134.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing the Famous Demon Prince
Fantasi"They say curiosity killed the cat, they forgot cats have 9 lives. If curiosity kills me, I still have 8 lives left." -Dethyria Javier