Chapter 15: Caught in Act

2.1K 153 10
                                    

"What are you two doing?" sabay naman kaming napalingon sa nagsalita and it was Nyphe. Sasagot sana ako kaso biglang nagsalita si Prince Lyf.

"None of your business." Lumayo naman ito sakin at nauna nang umalis. Nyphe and I watched the prince walked out of the tunnel.

Nyphe looked at me and saw the bleeding in my wings.

"ANONG NANGYARI SAINYONG DALAWA?! Kanina pa kayo hinanap ng mga teachers and royal guards, why are you injured?!"

Natatarantang tanong niya sabay labas ng first aid kit gamit ang blessinga niya. I flipped my hair naman at nag-smirk sakanya.

"Hindi mo ba nakita ang ginawa niya kanina? I'm sure you saw it, yung wall slam- ARAY!" I immediately retracted my wings dahil sa sakit. "BAKIT MO PINISIL YUNG SUGAT KO!?"

"Just making sure na hindi ka pa baliw, can you stop talking about that wall slam thing? I'm not interested kung bakit niya ginawa yun saiyo." Nyphe

"And don't explain why the prince did that, I'm sure ginawa niya yun out of anger. Ikaw pa na mahilig manggalit, I bet he's mad." Napanguso naman ako sa sinabi niya.

Bakit naman hindi siya interested nun? Ang ganda kaya nung experience na yun.

Gusto ko tuloy ulit maranasan ang ganon, "It's already night time at kanina pa kayo hinahanap... and what the hell did you do to you dress?" dagdag niya.

I rolled my eyes at di na sumagot tungkol sa dress, binigyan niya nalang ako ng blanket para icover katawan ko.

"I fell on a trap, can't fly, something's preventing me and accidentally dragged the prince- teka, bakit di kayo magkasama sa hunt?" paliwanag ko ng mabilisan, basta gets na ni Nyphe yun.

Yun pala dapat ang iniisip ko kanina, pero my mind was occupied on teasing the prince kaya nakalimutan ko na. Hindi ko nga natanong ang prinsipe tungkol dito eh.

"We separated kasi bigla siyang tumakbo sa kung saan without informing me, so I started killing corrupted species by myself..." sagot niya naman.

"Why would he run away from you?" I asked again, baka natakot siya sa mukha ni Nyphe? Of course hindi ko sinabi yun kay Nyphe, baka tuluyan na niya ako.

tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Malay ko? Hindi ko naman hawak ang utak niya para malaman kung anong iniisip niya? And he's not running away from me you dumbas$..." she answered and flicked my forehead.

"I think may na sense siyang kung ano at pumunta don. Even though he didn't inform me, I saw his reaction." She added sabay buntong hininga.

Napakamot naman ako ng ulo, saan tumakbo? Doon sa may malaking butas? Teka I was also wondering why he didn't dodge my rope?

Pwede naman niyang Ilagan ang lubid na binato ko don sa butas- whatever nakakatamad ng mag-isip lalo na pag hindi mo maiintindihan ang taong pinag-iisipan mo.

"Teka ok lang ba si Princess Lamia?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo ok lang siya, she informed the teachers na may nadiskobre kayong katawan. Pero pagpunta nila don ay wala na yung sinasabi niyang katawan." -Nyphe.

Napa-buntong hininga naman ako, I shouldn't have left that place. "By the way Nyphe, kalangan mong i-inform si kuya tungkol sa malaking butas dito."

Bago pa siya nagtanong ay hinatak ko siya sa kung saan kami nanggaling ni Prince Lyf, I'm pretty sure wala na yung taong nag pa-pana samin kanina.

"Teka- you guys were stuck here? In this dark... hole? At anong ingay yun?" andito na kami sa edge and Nyphe took out a lantern.

Sabay kaming dumungaw sa butas at nakita ng mas malinawan ang corrupted species. "Holy sh-"

"Yeah, that's what I thought. Ang lalaki nila and fatter too. Muntik na akong mahulog diyan, buti nalang at nahatak ko si Prince Lyford." Paliwanag ko naman.

"Seeing this situation, I'm sure the prince already informed the headmasters." Tumango nalang ako.

"Oh by the way. The reason why I can't fly is because something is preventing me, hindi lang ako pati na din ang prinsipe. Should we-

"Nope, we're treating your injuries first." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya .

"Pero paano kung-" I complained pero hinatak na niya ako papaalis. Namaan eeehhh! Ok pa naman ako! Hindi naman ako napilay or ano! AAAAAAA-

~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Sabay naman kaming umalis sa underground and saw a bunch of angels and demon adults sa paligid. "Tinawag na nila ang mga eksperto."

Nagtaka naman ako, "Marami ba ang nawala? Bakit parang ang over naman nito?"

"No, just you two. The hunt is already done and yung kuya mo ang nagpatawag sa kanila. He's worried and..." Napatigil naman ako sabay lunok sa sagot ni Nyphe.

"He's mad, isn't he?" putol ko naman kay Nyphe.

"Lady Dethyria Javier." My body went cold when I heard his voice. Tsaka ako hinay hinay na napalingon sakanya.

"H-headmaster." Nauutal na sagot ko, nakatayo siya kasama ang ibang professor sa school. May binulong naman siya sakanila at nagsialisan na sila.

Umalis na din si Nyphe at nagbow na kay kuya. "Care to explain kung bakit ka nawala? Aa top hunter like you went missing just like that?"

Napakamot naman ako ng ulo. "E-eh hindi-"

"Follow me." So ayon, sinundan ko na si kuya. Yung mga experts sa hunt ay umalis na, siguro dahil natagpuan na kami.

May konting estudyante din dito pero mostly mga 4th years, siguro pinauwi na ang mga ibang lower years kasi gabi na. there were some tents set ups too.

"Thyria, bakit hindi ka nag-iingat?" we stopped in a large tent na may konting layo sa maraming tao at ibang maliliit na tents.

"Stop being curious for once will you? Muntik ka nang mawala dahil sa pagiging curious mo sa mga bagay bagay."

Napanguso naman ako sa mga sermon ni kuya. "You chased a person? You have a choice na hindi habulin ang misteryosong taong iyon. Why did you chase that person?"

"Out of curiosity?" kanina pa ako tahimik kasi pag sasagot ako, baka may kung anong tatama sa ulo ko. "Thyria naman, ikaw nalang ang nai-

"Sorry kuya." Bumuntong hininga nalang siya sabay gulo sa buhok ko.

"Mag-ingat ka in the future, I don't want to lose you. Mom and dad entrusted you to me ok? Pag nawala ka, ano nalang ang gagawin ko?" 

Chasing the Famous Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon