Sabay sabay naman silang napatingin sa gawi namin ni Nyphe. Lalo na sa kuya, he eyed at me so suspiciously na para bang may ginawa ako.
Aba, malay ko ba? Siguro destined lang siguro akong masama sa representative na yan ano? Bigla naman akong siniko ni Nyphe.
"What did you do?" mahinang bulong ni Nyphe sakin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.
"Anong ako? Bakit parang kasalanan ko? Wala naman akong ginawa." How would I know? Duh? Malay ko bang ito ang event na mangyayari.
Atsaka bakit ako nalang parati? I know I'm like this pero hindi naman ako gagawa ng ganon ka obvious na paraan. I'm smart kaya ano?
"Did the orb said something wrong?" nagtatakang tanong ni Headmaster Ares sabay tingin sa hawak hawak niyang orb. "Did it malfunction?"
Lumapit naman yung isang babaeng professor na demon and checked the ball, umling iling naman ito at inayos ang salamin niya.
"Nothing wrong with the orb headmaster, siguro dalawa nga ang pinili nito para maging representative." Paliwanag nung babae.
"Well whatever, then two it is. We have plenty of rooms here anyway. Representatives, kindly step forward." Mahinang sagot ni Headmaster Ares.
Even though excited na excited yung mukha ko ngayon, hindi ko masyadong pinahalata dahil super duper dami ng estudyante nakatingin.
Lalo na si kuya na mas lalong naiistress ang mukha ngayon. So ayon, sabay na kaming lumapit ni Nyphe, along the way may narinig naman akong mga bulong.
'As expected sa isang Javier.'
'She's really amazing to be part of the representative.'
'Oo nga.'
Kasama namin ni Nyphe yung isa pang representative, "This three wll be the representative, I hope magiging maganda ang trato niyo sakanila."
Anunsyo ni Headmaster Ares, "The next following month will mostly be interacting wth each other and helping each other hunt. So, makisama tayong lahat and let this be successful."
When the meeting ended, nagscatter na ang mga estudyante. Samantalang ang iba naman ay nagoobserve parin sa paligid.
"Thryia." Napalingon naman ako kay Kuya, he really looked stress kaya agad kong tinaas ang kamay ko bago siya may sabihin iba.
"OK elder brother, bago ka may sabihing iba. I didn't tamper anything this time, promise inosente talaga ako." Paliwanag ko agad, baka makarinig na naman ako ng sermon.
"I know, it has something to do with the higher ups pero I'll let this slide." Mahinang sagot niya sabay hilot ng sentido niya. "Mauuna na ako. I have to guide the representative."
Nakita ko naman ang pagtingin ni kuya kay Nyphe and Nyphe just nodded in response na para bang nagco-communicate sila through minds.
They're fishy too! Bakit hindi nila ako sinali!? "By the way, someone will be keeping a leash on you para di ka parang baliw don."
Napatigil naman ako sa sinabi ni kuya, "Kuya who do you think I am? Alam mo namang best in actor ako, no need to tie a leash on me." Sagot ko naman sakanya.
Kuya already knows na ayaw na ayaw ko sa actingan. But he needs to remind me na kailangan kong magpretend or my relatives wont stop barking and nagging again.
Both of us were treated like trash nung nawala sina mom and dad, so kuya had to do something and nagpursue as a headmaster.
Kaya naiwan ako sa household nina aunt for many years, since nakitira lang ako don. Kailangan kong masanay sa reklamo at sigaw nila.
I acted polite, respectful and kind despite the way they treated me. Then finally kuya took me out of that shitty place.
Kaya masunurin parin ako kay kuya, he saved me and he's really the best brother na binigay sakin.
Tinaasan niya nalang ako ng kilay. "Nyphe has a soft spot for you so kinailangan ko ng isa pa para bantayan ka. Thryia, don't do anything rash."
Napanguso naman ako, pero he patted my head at ngumiti like he always does. Pero at least ngayon genuine ang ngiti niya at hindi yung nakakatakot.
"Yes brother." I answered politely, so ayon umalis na nga si kuya. Tinawag naman ako ni Nyphe, kaya naglakad na ako patungo sakanya.
"Sabi ni Headmaster Ares na mag-aantay siya sa kabilang side. Kaya kunin na daw natin ang dapat kunin." Nyphe explained kaya tumango naman ako.
Syempre mabilis kami ni Nyphe na nagprepare. There wasn't really much na kailangan dalhin since malapit lang ang dalawang academy.
Pwede ka lang naman pumasok kung may kailangan ka. Agad naman kaming pumunta ni Nyphe sa Demonique Academy.
Pinagtitingnan naman kami ng mga demonyong estudyante kasi kami lang yung mga nakaputi na pumasok dito sa akademiya nila.
I wonder if pwede kong masuot ang uniform nila? I really like the way they designed their uniform.
'Isn't that the fallen royalty?'
'Hala oo nga! Ang ganda niya.'
'Look, she has the top 1 hunter kasama niya.'
'Sila ba yung mga representative?'
'Alam mo ba sa sobrang galing ni Lady Dethyria, nasali siya sa representative.'
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti, oh see? Diba popular ako? Wala lang sa trend si Prince Lyf sa mga sikat na estudyante.
Or he's not just interested in me? Ngiii~ sino naman ang hindi magkaka-interest sakin? An awesome fallen royalty! *Flips hair*
So ayon dahil good mood ako, kinawayan ko naman ang mga estudyanteng demonyo na nag-uusap. They started squealing of course.
"Nga pala Nyphe, sino yung magbabantay sakin na isa? Pwede mo bang sabihin sakanya na ayaw kong-"
"Talaga ba? Your brother specifically chose that person because he's great." napatigil naman ako, ano daw? Great? Mas magaling ako ano?!
"Anong great? May kilala ba ako na mas magaling pa kay prince Lyf-
"Greetings Ladies, I heard na kailangan niyo ng guide and guard according to Headmaster Dasher." Bati ni Headmaster Ares. Ano daw?
"So I suggested a great student of ours, kilala niyo na siya but let me introduce him again. Prince Lyford Kedron." Pagkasabi na pagkasabi nun ni Headmaster Ares ay may bumagsak sa harapan namin.
Like he was having some grand entrance or something, then his gaze met mine.
BINABASA MO ANG
Chasing the Famous Demon Prince
Fantasy"They say curiosity killed the cat, they forgot cats have 9 lives. If curiosity kills me, I still have 8 lives left." -Dethyria Javier