Charms 30

49 3 0
                                    

Ashton's POV

"Ano ba yan, mali nga kasi yun!"

"Listen, ganito nga kasi yan gawin, why dont you trust me?"

"Oh edi go!"

"Oh see?"

"Ay shet oo nga."


"Ahem!" I faked coughed to these two people flirting beside me.

Napaayos naman sila ng upo but I still heard them bicker bago mag patuloy sa ginagawang activity na iniwan samin ng aming teacher.


"Please avoid making noises, we are tasked to do this activity, not flirt." I said sharply enough for Denver to hear it. I noticed how he flinched when he realized that I am talking to him, probably because this is the first time I talked to him after what happened. But can you blame me though? They've been indirectly flirting (as for me) in front of me? I thought I am the one who he likes?

Well I guess y'all can blame me for my stupid answer that time.


"S-sorry." I heard his reply in a small voice.

I just nodded at him without giving him a look...just because I still cant look into his eyes, what a coward.


Denver's POV

Kung alam niyo lang kung gaano ako kagulat nung kinausap niya ako mga bakla shet!

Ang lakas ng kabog ng puso ko to the point na nagkagulo gulo na yung mga sinusulat ko sa papel.

Shet di ko mapigilang mapangite HAHAHAHA.


For some reason I saw a glimpse of light. EME!


Biglang nag bago ang mood ko ng bonggang bongga after that incident. Para na akong tanga na nangingiti sa hallway papuntang canteen.


"Iho!" tawag sakin ng isa naming subject teacher. Ito yung mabait naming teacher kaya lumapit ako dito ng naka ngiti.

"Ano po yun ma'am?"

"Pwede bang patulong naman ako nitong projector? Dun lang sa college building at may bibititin pa akong mga papel nung mga istudyante ko dun kaloka!" ani nito habang hawaka ng projector.

"Ay no problem ma'am, bongga naman ma'am prof ka din pala sa college?"

"Ay nako oo, buti nalang napadaan ka dito."

"Ikr ma'am, sige ma'am saang room po ba to?" agad namang tinuro ni maam kung saan ang room ng sunod na klass niya, may sampung minuto pa naman bago ang class namin kaya mabilis ko lang tong mahahatid dun.


"Shet naiihi pa ako." naisipan kong dumaan sa hallway na may malapit na cr papunta dun sa room, nung malapit na ako sa cr may narinig akong pamilyar na boses.


"Please, comeback to me. I promise I'll be good this time, I'll be loyal to you from now on."

Si Angel yun ah! Hindi kaya...


Dahil sa curiosity sinilip ko kung saan nanggagaling ang boses. Sigurado akong si Angel yun, sana lang mali ang hinala ko.


And I was right.


Nakita ko si Angel na naka yakap kay Ash.


I was dumbfounded.

Naka side sila sakin and I know na once na may lumingon sa kanila sa pwesto ko aiguradong huli ako.

Bago pa man nila ako makita mabilis akong kumilos at umalis. Nasagi ko pa yung mop dun na naka harang, naiwan siguro ng janitor na naglilinis dun pero di na ako lumingon pa since gumawa yun ng ingay na siguradong narinig ng dalawa. Binilisan ko nalang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa room na sinasabi ni maam.


Bagsak ang balikat kong ipinasok ang projector sa room, tinanguan ko nalang yung mga college student dun na nakita ako haang inilalagay sa ibabaw ng mesa ang projector.

Paalis na sana ako ng may biglang umakbay sakin.


"Uy Den Den! Lungkot mo ata ah HAHAHA!"

"U-uy kuya Jay, dito ka?" ani ko sabay turo sa room kung saan ko hinaitd yung projector.

"Oo galing lang kami sa faculty gawa ng may pinasa kaming papers hahaha." napansin kong naka akbay parin to sakin pero since close naman kami eh di ko na inalis, though medyo mabigat ngalang ang braso niya.

"Ah kaya pala di kita nakita pag pasok k-aack!!" di ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang humila sakin paalis sa akbay ni kuya Jay.


"Let's go, our next class will start soon." anito habang matalim na naka tingin kay kuya Jay.

"C-chill ka lang Ash, y-yung braso ko baka mag mukhang longganisa sa higpit ng hawak mo." ani ko habang inaalis ang kamay niya sa braso ko. Niluwagan naman niya ang hawak pero di parin niya binibitawan ang braso ko.


"Pano kuya Jay, Next time nal-"

"There will be no next time Denver." anito sabay baling ng masamang tingin sakin.

Awkward akong napangiti kay kuya Jay sabay kaway ng slight habang hinihila si Ash papalayo. Kumaway nalang din si kuya Jay habang naka ngisi.


"Anyare sayo?" anas ko kay Ash nung maka pasok kami sa SHS building, hila ko padin siya hanggang maka rating kami sa room.

"None of your business." anas nito, halatang di pa din maganda ang mood niya base sa pagkaka lukot ng kilay niya.

"Luh." napa irap nalang ako, na alala ko na naman yung nakita ko kanina malapit sa banyo.


Krompalin ko siya eh.


Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon