Charms 8

62 3 1
                                    

Denver's POV

Tatlong linggo na ang naka lipas simula nung nag inarte si Ash sa labas ng bahay, and guess what? Isang linggo ko din siyang pilit na iniwasan  nung mga nakaraang araw kahit imposible naman dahil dikit ito ng dikit sakin sa school kaya di narin kinaya ng powers ko at hinayaan nalang siya sa gusto niya.

May mga times nga na nakikita kong masama na ang tingin sakin ng jowa niya, pano ba naman mas sumasama siya sakin ngayon kesa sa jowa niya, i mean nag kakasama sila pero kapag nakikita niya ako agad siyang lalapit sakin para inisin ako. Kesyo daw dapat bestfriend na daw kami dahil magkapitbahay lang daw kami tsaka dapat daw babantayan niya ako dahil kapatid ako ng tropa niya which is yung dalawa kong kuya na hindi naman umapela ng ikinwento ko sa kanila ang mga pinaggagagawa ni Ash sa loob ng unang linggong pang iinis nito sakin.

“Edi maganda, ayaw mo non may pogi kang taga bantay hahaha!” tuwang tuwa pang sabi ni kuya Darius na hindi rin pumapalya sa pang aalaska sakin.

At eto nga ako ngayon nasa labas ng bahay. Hinihintay ko si Ash kasi sabay daw kami. Kinasanayan ko nalang at ipinag sawalang bahala ang iisipin ng mga nakakakilala sa kanya, mukhang tama nga siya. Sino ba naman ako para gawan nila ng issue diba? Kaya imbes na mag inarte grinab ko na ang opportunity na magkaroon ng libreng ride sa loob ng tatlong linggo.

So ayun standing pretty lang ako dito sa tapat ng bahay ng biglang may tumigil na kotse sa harap ko. Di ko nalang pinansin sa pag aakalang napahinto lang ito but to my surprise it was Dan.

“Hoy! Napadaan ka.” nakangiti kong saad, medyo napalakas pa nga boses ko eh pero kiber lang.

“Dito pala kayo nakatira. Buti pala inagahan ko, kung hindi baka di ko pa nalaman hahaha.”

“Sus, paano palang napadaan ka dito?”

“Ah nasa kabilang subdivision lang ang bahay namin. Btw sabay ka na sakin since nandito na din naman ako.” naka ngiti nitong alok sakin ng biglang may nag suot ng helmet sa ulo ko.

“Di na kailangan pre, pwede ka ng mauna.” seryosong saad ni Ash sabay tingin sakin.

“Sakay na sa motor.” mabilis naman akong umariba, ngayon ko lang nakitang ganto ka seryoso si Ash, mahirap na. Pero bago ang lahat.

“Bye dan next time nalang, kita kits sa school.” sabi ko sabay kaway at bigla ko nalang naramdaman ang pag hila sakin ni Ash.

Nakita ko nalang ang papalayong kotse ni Dan, sayang. Libre ride with crush na sana.

“M-may problema ba?” tanong ko nalang matapos kong maka sampa sa motor.

“Wala.” malamig na sagot nito na kasalukuyang nag i-start ng motor.

“Galit ka ata eh, makikinig naman ako.”

“Wala nga, ikaw kung hindi pa ako dumating siguro iniwan mo na naman ako no? Tsk, mag kakagusto ka na ngalang sa hindi ko pa kasing gwapo.”

“So galit ka nga? Tsaka ano bang sinasabi mo? Di hamak na mas pogi naman— HOY!!” natigil nalaang ako sa pag sasalita nung bigla niyang pinaandar ang motor.

Hype na yan. Di manlang ako pinatapos!

.

.

.

.

“Mauna ka na susunod nalang ako.” Malamig parin ang tono ng boses nito.

Wala kaming pansinan simula ng umalis kami sa bahay. Di ko na din naman inimik para di na lumala ang inis niya sa kung ano mang bagay.

“Sige, ingat.” ani ko para mabawasan ang tensyon.

Nag lalakad nalang ako mula sa mini forest papuntang SHS building. Kung bakit pa kasi sa 3rd floor pa kami pinag room eh, yamot! Imbes na dadating akong fresh sa room mag mumukha pa yata akong nilamas na kamatis nito, ang init talaga swear buti nalang nga naka air-con ang lahat ng room sa mga building ng school na to eh, kung hindi nako instants daing amg labas ng mga estudyante dito.

Di ko keri.

Nasa corridor na ako ng 3rd floor ng bigla akong mapatingin sa katapat kong side ng 2nd floor, ganon kasi dito, may malaking space sagit na ng building with garden kaya mag kakakitaan parin but guess who?

Si Ash na naka akbay sa gf niya all smile pa na parang lalabas na ang bentekwatrong ipin.

WOW

Tapos ang cold niya sakin kanina? Hype na yan buti in-uncrush ko na siya. Oo nag ka crush ako sa kanya after nung pag papa-sweet niya sa mall, sino ba naman ako para di madala diba pero buti nalang talaga.

Di naman masaket,

pero pota parin sila.

Maka diretso na nga sa room.

.

.

.

.

Alam kong may mga araw talagang malas ako pero di ko naman inakalang ngayon ako tatraydorin ng kapalaran.

Pag pasok ko sa room namin ibat ibang mga mukha ang nakita ko. Hindi sila pamilyar sakin, maybe may iba na siguro ay nakikita ko dito sa campus pero bakit sila nasa room namin?

“Ahm, isa ka ba sa mga students na dito nag ro-room?” tanong ng isang estudyante sakin.

“Ah oo eh, anyare?” pag tataka ko.

“Ah nag switch kasi tayo ng room, doon na daw po kayo sa room 215 sa 2nd floor.”

“Ah sige salamat.”

p    o    t    a

Gigil man ay napag pasyahan ko nalang na umarangkada pabalik ng 2nd floor, wala na akong pake kung naka activate ang resting bitch face ko dahil init na inet na ako. Gusto ko nalang magpa air-con.

Di naman nag tagal eh nakarating na naman ako sa room, nilapag ko lang ang bag ko sa tabi ng upuan ni Ash at Dan, yes magkatabi na kami at siya pa ang nakipag palit ng upuan sa katabi ko sa right side, si Dan kasi sa left.

Nakita ko namang nandon na siya nag hi lang ako kay Dan sabay tapat sa air-con. Napansin ko namang tinitingnan ako ni Ash na kasalukuyang nasa mga kaibigan niya. Tiningnan ko din siya sabay tinaasan ng kanang kilay, wala ako sa mood wag niya akong aartehan.

Finifeel ko naman ang hangin, may pa sway sway pa ako ng ulo dahil may kahabaan na din ang buhol ko, hindi naman siya umabot ng leeg, lampas tenga lang kaya keri lang.

Mag mumuni muni lang ako habang nag papalamig ng biglang mag sumipol sa likuran ko. Si Kite, isa sa mga kaibigan ni Ash napatinigin naman ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin, natawa lang sila tinawanan ko nalang din, nasanay na ako sa kanila sa loob ng tatlong linggo at alam kong mababait yang mga yan.

Napadako ulit ang mga mata ko kay Ash na matamang nakatingin sakin habang hinahawi ko ang buhok ko. Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang pag lunok nito, matang lawin ata to hahaha.

Kaya ang ginawa ko in-stretch ko pa ang maputi kong leeg at nag kunwaring hindi ko alam na naka tingin siya hahaha. Di ko alam kung may epekto to basta natatawa ako sa reaksyon niya.

Humarap nalang ulit ako sa air-con ng bigla akong may naramdamang tumampal sa leeg ko.

Gago kang Ash ka.

“Aray masakit ha!” asik ko dito.

“Wag mo masyadong ibalandra yan baka may kumagat.” anas nito sabay upo sa pwesto niya.


Ha?

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon