Charms 2

98 5 0
                                    

Denver's POV

"HOY!!" at dahil sa gulat, na purnada ang sana'y pag talon ko.

Muntik pa akong masubsob mga ses! Kaloka!! Buti mabilis ang reflexes ko, plakada sana ang mukha ko sa road. I may not be beautiful but Im cute kaya iniingatan ko tong fes ko.

But. Bago pa ang lahat, kailangan kong malaman kung sino man ang hinayupak na gumulat sakin kaya liningon ko ang pinanggalingan ng boses na iyo with hair flip effect.

There I saw my two brothers. Ang kuya Darius tawa ng tawa while si kuya Dave nangingiti nalang habang nailing. Lintek lang ang walang ganti ses.

Habang tawang tawa si kuya Darius with maching hawak pa sa tiya eh umarangkada na ako.

"Girls pahiram ng garter." imik ko sa mga bilat na kalaro ko including ses justin. Agad naman nila itong binigay sa akin.

Lumapit ako kay kuya ng kaunti.

"Kuya." pag tawag ko sa atensyon niya.

Sa sandalin tumingin siya pinaltik ko na siya ng garter sa noo sabay hampas ng todo sa kaliwang braso niya.

"Ah!! Tangina ka Den. Ang bigat ng kamay mo? " ang kaninang nag pipigil na si kuya Dave ay napatawa nalang kasabay ng mga kasama nila.

Ah may kasama pala. Tiningnan ko sila isa isa. There are three of them but whats caught my attention is this guy na nakatingin lang sakin habang naka ngisi. It was our neighbor, the "pa-charms" guy.

"Tinitingin tingin mo? " my bad bitch ass ask while looking at him with my resting bitch face. Char

Tila nagulat naman siya. Yes you should be, char lang ulit.

"Wala naman. Masama bang tingnan ang iyong kagandahan?" naka ngisi naman nitong saad. Pa-charms talaga ampota. Ang hiyawan naman sila kuya tsaka yung ibang kasama nila. Narinig ko pa nga ang baklang juatin with friends na tumili. Sinaway ko nga. Baklang twoh.

"Sus maliit na bagay. Paano mga pala ninyo napulot tong mga kuya ko?" tugon ko nalang

"Para naman kaming basura nan. "singit ni kuya Darius.

"Den si Ashton pala kapit-bahay natin tapos itong namang dalwa mga kaibigan niya." sagot nalang ni kuya Dave

"Ah ok."

"James nga pala." sabi nung kaibigan daw ni pa-charms na moreno pero yummerz char. Pogi si kuya ha, pungay ng mata.

"Hans." singit naman nung mestiso. May lahi siguro to.

Nginitian ko nalang sila.

"Ang bastos ko naman kung di ako mag papakilala ng pormal. Ashton Torres, kapit-bahay niyo." nakangiting pagpapakilala ni pa-charms aka Ashton with maching handshake. Dahil maganda ako edi inabot ko.

"Oh tara na! Mamaya na lumandi at kapit-bahay lang naman natin yan." panira talaga to si kuya Darius.

"Uwi na kami." paalam ni kuya Dave. Edi ako sumunod nalang.

"Justin at mga bilat, next time nalang ulit." paalam ko muna kay Justin and friends. Kaibigan ko na sila from now on.

"Okay sister Den. Bye-yah" baklang yun talaga.

"Kuya Dave sabay na ako sa inyo. Uuwi narin daw sila James eh." habol samin ni Ashton habang naglalakad.

Edi sumabay ka. Char

"Ge tara na!" sagot nalang di kuya Dave.

Di naman nag tagal nakarating na din kami sa bahay. Iniwan ko na yung nga barako kong kuya at nag pa-paalaman pa sila nung pa-charms. Di ko naman siya close so kiber lang.

"Oh san kayo galing?" ask ni mudra.

"Dyan lang sa malapit sa court mudra. Btw akyat na muna ako ma ha, lagkit ko na, bye-yuh!" di ko na inintay ang sagot ni mudang kasi lagkit na lagkit na talaga ako.

Pagka pasok ko palang sa kwarto ay deretso na ako sa cabinet. Kukuha muna ako ng damit para deretso na pantulog diba.

Kumuha lang ako ng boxer shorts tsaka oversized na T-shirt, yung mag mumukhang daster ba? Yung parang wala na akong underwear hahaha.

Habang nasa banyo syempre di mawawala ang concert. Kanta galore ang lola niyo with matching shower. Tabo tabo lang kami noon kaya sulitin na ang shower ngayon hahaha.

Siguro tumagal ako ng isang oras dun. Kasama na yung oras ng concert ko syempre. Parang concert na nga pinunta ko dun eg kesa ligo tsaka dance galore na din. Muntik na nga akong madulas gawa ng tiles buti Im a strong independent woman. CHAR!

Rampa galore na ako from cr to my study table. Dun kasi naka lagay yung mga pang keme ko like suklay, polbos, and so on.

So nag suklay lang ako since medyo mahaba nga ang hair ng lola niyo. At ng feeking ko ay ok na rampa galore na ulit sa hagdan para lumafang.

Lakad lakad na ako with matching tingkayad pa para kunyari may heels, ayan pak! pak! pak! Hanggang sa makarating ako sa pinaka huking hakbang.

Nagulat nalang ako nung may biglang sumipol.

"Sexy!"

Shuta bat nandito to?

"Nasesexy-han ka dyan tol? Mukha ngang pat pat eh wahahaha!" birada ni kuya Darius kay Ashton na tinawanan nalang ni Ashton at Kuya Dave

"Wow hiyang hiya, inggit ka lang ata eh." sabi ko sabay irap.

"Ulol."

"Darius yang bibig mo!" buti nga narinig ni mudra

"Yan, wag mo na nga lang patulan yang kuya mo. Alam mo namang isip bata pa yan eh." singit ni kuya Dave

"Kuya naman kala ko ba tayo mag kakampi dito? " pag mamaktol nung isa.

"Wala akong kinakampihan. "

"Bahala kayo, tara tol. Hoy Den dito kakain si pareng Ashton. Ikaw mag hugas ah." saad ni kuya Darius at hinigit na si Ashton

"Tsk ako naman lagi nag huhugas ano pa bang bago?" saad ko nalang.

"Tara na kuya Dave."

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa uulitin! Char!

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon