Denver's POV
.
.
“Anak what is this?”
Walang pang isang segundo eh agad na kaming nag hiwalay ni Ash.
“A-ah Mom si Denver, kapitbahay natin.”
Ay boplaks!
“I know, nice to meet you Denver.” naka ngiti nitong saad habang papalapit sa amin. Naka pustura ito na para bang may lakad.
Ang bongga mag aalas syete palamg ha.
Nabanggit sakin ni Ash na magkasing age lang daw ang parents niya at parents ko pero sa nakikita ko ngayon mukhang ang bata pa ng nanay niya. Di ko naman sinasabing hindi na baby face ang aking ina no! Talagang kakaibang level lang talaga ata ang lahi nitong sila Ash.
“Hello po.” ani kong may pag aalinlangan.
Swear namamawis ako ghorl!
“Ah Mom asan si Dad?” agad na agaw nito ng atensyon sa kanyang mudra.
“Ah pababa na yun. Anyways..” ani nito saka dumeretso ng lakad palapit sakin.
“I heard a lot about you from my nephew and ofcourse my son.” chika nito sakin.
“Ah ano naman pong pinag sasasabi ng dalawang kulugong to hehehe.” ani ko without realizing what I said.
Napatawa naman ito so keribels naman siguro ano? Pls enlighten me! Char.
“Hahaha you are really funny!” ani nito na ipinagtaka ko.
Naoatingin nalang ako kay Ash ng may pag tataka.
“She always laugh pag naririnig niya kayong nag babangayan ni kuya Darius kapag nasa garden siya. Nag tataka nga kami minsan ni Dan kung bakit siya tumatawa but eventually we found out.” mahaba nitong paliwanag.
Napa palatak nalang ako sa aking noo.
“Pasensya na po, masyado na ata kaming nag iingay sa buong neighborhood na to kaloka.” napailing nalang ako.
“No it's fine, mabuti nga at nadagdagan ng ingau itong village natin eh hahaha.” ani nito na naka upo na pala sa pwesto ni Ash kanina.
“Also Im sorry for eavesdroping, nakaka tawa lang talaga kayo ng mga kuya mo, sana pala sinundan pa namin itong si Ash hahaha.” ani nito.
“Susundan natin si Ash?” laking gulat ko ng biglang lumitaw ang lalaking kahawig ni Ash, papalapit ito sa amin at naka pustura din kagaya ng nanay niya.
Sa narinig ko mukhang ito ang tatay ni Ash.
“Good morning po.” ani ko bago nagpatuloy sa pag luluto. Kaloka muntik ko nang makalimutan.
Medyo nawala na ang pag aalalang nararamdaman ko kanina.
“Good morning, uy Ash crush mo?” noglang siwalat ng kanyang tatay na ikinagukat ko.
“Dad! He's just my friend!” aburidong ani nito.
Ay friend zone?
Wala namang bago, keri on!
“Ayiiee wag mag sasalita ng tapos anak hahaha!.” sige gatungan niyo pa po Dad, char naki dad?
“Btw Den, you can call me tito Anton or Tito nalang. I heard a lot about you hahaha.” mukhang naka enervon ata tatay niya. Yung tipong laging masigla. No wonder ang gwapo parin kahit may edad na. Laging naka ngiti eh.
“Oh and call me tita Ashley or Tita nalang din.” naka ngiting saad naman ni Tita Ashley.
Kaloka ka tita ha kanina mo pa ako chini chika ngayon ka lang nag pakilala.
“Sure po tita at tito.” naka ngiti kong sagot dito.
“Dad, Mom diba may lakad kayo?” bugnot na saad ni Ash.
“Ah oo nga pala. Sige una na kami, good luck sa event niyo today.” saad ni tita Ashley at nag lakad na ang mag asawa.
“Go anak!” pahabol pa ni tito Anton.
Nang maka alis na nang tuluyan sila tita eh itinuloy ko na ulit ang pag luluto.
“Uhm yung mga sinabi ni papa, don't mind them.” saad ni Ash habang nag kakamot ng batok. Nasa tabi ko pa pala to.
“Sure mo prob.” ani ko.
“Upo na ulit.” pahabol ko pa sabay turo sa pwesto niya kanina. Natatawa naman itong sumunod.
“Ok din naman pala parents mo eh.” pag o-open ko ng topic.
“Yeah, I think mag kakasundo sila nila tita. I bet mag dadaldalan lang sila about teleseryes. Di man halata bit my mom really like watching those hahaha” ani nito.
Nag patuloy lang kami sa pag kukwentuhan ng kung ano ano. From our childhood, elementary day's, junior high school pati nga yung ex niyang nakaaway ko sa mall napag-usapan din namin hahaha. Syempre di mawawala si Angel. Natatawa nalang kami kapag naiisip namin yung katarayan ng jowa niya. Napag kuwentuhan din namin mga kaklase namin. Ewan ko nga at nung napunta kay Dan eh bigla siyang change topic, dami ko pa naman sanang ikukwento, may galit ata ito kay Dan eh.
8am na nung matapos kami. Nailagay na rin namin sa malaking tupperware or batya na ata to, ang laki eh, charot lang.
Since 9:30 ang start ng Christmas party eh may isang oras at kalahati pa kami para mag prepare. Nag paalam na ako kay Ash para makapag asikaso na at sumang-ayon naman ito. Susunduin na nga lang daw niya ako ng 9 para maaga kami sa school.
May mga na una na din naman doon para mag ayos ng room and since nag luto pa nga kami eh exempted na kami doon hahaha.
Mabilis naman akong nakapag ayos at hindi nga nag tagal eh dumating na si Ash.
“Ay wow na wheels! Iyo? ” bulalas ko ng hindi motor ang nabungaran ko.
“Oo, Loko ka talaga hahaha. Pasok na!”
“Di mo manlang ba ako pag bubuksan? My ghad! Apaka gentleman!” ani ko at mabilis naman itong lumabas ng kotse.
“Ito na po mahal na prinsesa.” ani nito bago buksan ang pinto.
Shet ang gwapo niya sa suot niyang maroon polo ha. Bagay na bagay sa khaki pants niya with black leather belt na tinernohan ng black shoes.
Bigla ata akong nahiya.
Black skinny jeans at white na loose sweatshirt lang suot ko na naka tuck in tsaka combat shoes.
Anyways, nasa pag dadala.
Rampa na ghorl!
At pinasok ko na nga ang kotse ni Ash with grace and beaty. Nakita ko pang iiling iling itong pumasok sa kotse niya habang naka ngisi
“Bakit ka nailing?” pagtataray ko dito.
“Nothing.” naka ngisi parin nitong saad.
“Porket ang pogi mo sa suot mo.” mahina kong saad.
“Narining ko yun.” ay shuta lalaki na naman ulo nito.
“Wala akong sinabi!”
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
RandomAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...