Denver's POV
.
.
“Gago patis to!”
“Oh sorry I thought I picked the toyo.”
Eto ako ngayon, nag iisa~
Char. Nasa grocery store kami ni Ash. Kung natatandaan niyo nag prisenta po itong kumag na ito na siya na daw ang sasagot sa pancit.
Nung lunes ko pa siya pinapa alalahanan na kausapin na niya yung pag-oorderan niya kasi nga baka mamaya mag early Christmas vacation ang mga restaurant na pag oorderan niya but well tinamad po ang lolo niyo an nag laro lang ng kanyang phone kapag magkasama kami. Sa madaling salita ito nga po kailangan pong kami mismo ang mag luto dahil bukas na ang eventsung! Kaloka!
Ay oo nga pala. Dumadalas ang punta nito sa bahay kaya lagi kaming nag kikita. Kunware ako ang paalam sa bahay nila, may di daw siya naintindihan sa lesson at mag tatanong sakin pero ang totoo ayun nakikipag laro ng PlayStation kila kuya.
Wala namang keme yun kila mama kasi sa tagal na niyang ginagawa yan para na siyang belong sa family.
I mean I'm not complaining though like, hubby ko din naman siya. Char!!
Ay na alala ko. Never ko pa palang na mi-meet ni mama at papa niya.
“Ilang kilo kayang pancit ang bibilhin natin?” biglang ani nito.
“Tatlo? Apat? Ewan. Kayo pa naman ng mga tropa mo kung maka siba kala mo di mayayaman. Buti pa si Dan.”
“Yan tayo eh, Dan na naman.” panunuya nito sakin.
“What evah! Apat na para sure. Pabalot nalang iba pag di na ubos.” swear, legit talaga na malakas kumain mga tao sa class namin, mostly mga lalaki pero may mga babae din naman talagang kung maka kain iba din. Kala mo may collaboration ng mga mukbangers sa canteen kapag sama sama kumain. I mean, madalas sa mini forest ako kumakain pero may times din naman na sumasama ako sa klase. I'm so thankful nga na sila yung nakasama ko sa whole year na ito dahil walang tapon sa ugali at itsura ang mga tao. May pagka pasaway nga lang pero if you know how to vibe with them, your good.
Matapos ang ilang oras na pag iikot sa grocery store eh natapos na din kami sa pamimili.
Nakakaloka!
Ang hassle talaga mag grocery lalo na kung labag sa loob mo ano po?
“Let's eat first bago tayo umuwi.” ani ng kasama ko na ipinagpasalamat ko ng lubos.
“Iyan ang gusto ko sayo eh.” nginisihan nalang ako nito bago kami lumarga sa pinaka malapit na kainan sa pwesto namin.
Anyways...
Dapat lang na pakainin niya ako no! Nyeta siya pikit pa siguro ako ngayon kung di niya ako binulabog ng alas dos ng hapon kaloka.
Kung kailan naman kasarapan na ang tulog ko ngayong hapon eh.
.
.
After naming kumain eh lumarga na nga kami pauwi.
Wala namang ganap nitong gabing to maliban sa pag huhuntahan namin ni kuya Darius hanggang sa pagkain at syempre sa pag huhugas ko then pag sasagawa ng kung ano ano sa aking body bago matulog then BOOM tulog na ang betle.
Magiging ok na sana ang aking araw knowing na Christmas party na which means mahaba habang bakasyon na naman ang magaganap pero nag laho amg lahat ng aking kasiyahan ng may kung sinuman ang yumogyog sakin ng ke-aga aga.
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
RandomAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...