Denver's POV
"Whoa chill, mukhang heartbroken ah. Kung mag papalunod ka wag ditto sa resort, mapeperwisyo mo pa may-ari eh." anas saking ng kung sino mang hampas lupa ang pumigil sa pag e-emote ko.
"Calm your tits, mukha ba akong magpapakamatay?" buska ko ditto matapos maka alpas sa mga braso niya. Agad naman akong humarap dito.
Shocks, enserep! CHAR kanina heartbroken tas ngayon lalande? Hindi pwede yan mga baks!!
Pero he has the looks and the body ha. Its the biceps for me, no wonder mukhang gaan na gaan siya sakin kanina.
"Pasensya na, mukha ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa kanina eh." ani nito na may pag kamot pa sa batok. Napa hinga nalang ako ng malalim.
"Ah Jay nga pala." sabay lahat nito ng kamay. Tinanggap ko naman ito at nag pakilala.
"Sige una na ako, baka hinahanap na ako ng mga kasama ko." ani ko dito at nag tumalikod na.
"Ah Den, sabayan na kita." ani nito na nagpa lingon sakin.
"Ha? Bakit naman?" tanon ko rito.
"Para sure akong di ka mag papalunod HAHAHA!" natawa nalang din ako sa sinabi nito.
So Ayun, nag sabay nga kami.
Kung ano ano lang napag-usapan namin habang nag lalakad kami. Nalaman kong first year college pala siya sa university na pinapasukan ko at kumukuha ng HRM. Sa kanila din daw tong resort at pagka-graduate daw niya ay siya ang mag ma-manage nito that's why nag HRM. Napag kwentuhan din namin kung bakit ako napunta dun. Syempre nasabi ko na dahil nga sa isang guy but I did not mention his name. Tsaka mukhang mapag kakatiwalaan naman si Jay so di na ako nag atubiling mag share, tsaka need ko din ilabas to ng di ako mag-isip kung bakit ang bigat sa dibdib ng feeling eh wala naman akong suso.
Anyway, although first year na siya wag ko na daw siyang tawaging kuya since mukha naman daw akong mature. Ang hayop na to, syempre di ako nag patalo kaya ayun laugh galore kami ng makarating kami malapit sa cottage. So far mabilis naman kaming nagkasundo.
"Dito nalang ako 'KUYA' Jay." pang-aasar ko dito.
"Sige na hahaha. Good luck sa lalaking pinoproblema mo HAHAHA." ani nito at binulog pa nga ang last sentence shuta. Pinakyuhan ko nalang ito na siyang ikinatawa nito lalo. Abay gago.
"Yiiee dapat pala nag lakad lakad din ako baka sakaling may mabingwit din!" rinig kong asar ni Anne bago mag sipulan ang iba naming kaklase.
Well, of course maliban sa isa if you know what I mean.
Ipinagsawalang bahala ko nalang ito sabay sagot ng "gaga!" kay Anne.
"Nag anlaw na kayo?" tanong ko kila Keith.
"Yes gurl, maliban kay Ash, inaantay ka ata yiiee!" pabulong nitong asar sakin, siniko ko lang ito sabay lapit kay Ash totally ignoring what I saw earlier. Di naman niya alam na gusto ko siya after all.
"Di ka pa daw nag babanlaw? Tara." aya ko dito nung makuha ko ang mga pamalit ko.
Tahimik naman itong tumango at sumunod sakin.
"That guy earlier." ani niya nung nasa harapan na kami ng shower room. Tiningnan ko naman ito ng nag tataka.
"Never mind." pag papatuloy nito. ipinag kibit-balikat ko nalang ito kasabay ng pag pasok niya sa shower room.
.
.
.
.
"Oh ipasok na ang mga inumin!!"
Nag aayos na kami para sa magaganap na inuman daw kuno ngayon. Di ko din in-expect na may pa bonfire pang ka eklatan itong mga kaklase kong ito eh hahaha. Nagdilim na din kasi ang kalangitan so tingin ko naman nice to hahaha.
Onti nalang kaming nandito ngayon, hindi daw kasi pinayagan yung iba mag overnight kaya kami kami lang nila Anne, Keith, Hannah, Jesse, Ken, Oliver, Ash, and of course Ako.
Hindi naman mga hard drinks yung iinumin naming. Puro tanduay nga lang eh tas softdrinks tapos para daw sa mga boys nag bitbit si Oliver ng whine, kung di niyo po naitatanong yayamainin din po itong si Oliver kaya nakapag dala ng mamahaling wine.
Habang nag se-set kami eh napansin ko ang pag iwas sakin ni Ash. Simula pa to nung pagkatapos naming mag anlaw, hindi na niya ako kinikibo after nun. Di ko alam kung ano na naming arte niya pero dahil may kaunting tampo parin ako sa kanya eh di ko na rin siya kinibo. mas Mabuti nga ata ito para makapag isip isip ako.
Nag simulang mag kwentuhan ang grupo habang naka palibot kami sa bonfire. Puro lang yung mga nangyayari this past few months, sabihan ng first impressions, mga ganong kaeklatan. Di din nakalagpas sa topic ang hiwalayan ni Angel at Ash na talaga naming ginisa ng mga chismosa kong kaibigan.
"Since wala na kayo ni Angel, may pinopormahan ka na ba ngayon?" pang ha-hot-seat ni Ken kay Ash.
"As of now? Maybe, we'll see." naka ngisi nitong sagot kasabay ng padaan nito ng tingin sakin. napayuko nalang ako sa di ko malamang dahilan. I actually have a hunch kung sino man yung tinutukoy niya, after all kitang kita ko sila kanina.
"Iyoown!!" hiyawan naman ng mga boys na ginugulo naman nila Jesse, naramdaman ko naman ang kamay ni Keith sa likod ko, nginitian ko nalang ito.
"Alam naman naming straight ka pre pero since napapansin namin na lagi kayong magkasama ni Den, may chance ba na magustohan mo siya?" pahabol ni Ken.
There is a part of me na ayaw pakinggan ang sasabihin niya but I guess I need to face the reality.
I looked at him straight to his eyes, to my surprise ganon din siya sakin.
I was hoping na sana sabihin niyang meron pero sino ba naman ako?
"Denver?...
I just see him as a brother-like friend. Nothing more." deretsong sabi nito habang naka tingin sa mga mata ko. di din naman nag tagal eh si Ken na ang binigyan niya ng atensyon.
Ano bang aasahan ko? Kinaibigan lang naman niya ako noon dahil tropa niya mga kuya ko, aside from that mag kaklase din kami. I shouldn't have expected something from the start.
"Den, ok ka lang?" bulong ni Hannah ng bumalik na ang katuwaan ng grupo, naramdaman ko naman ang pag himas ni Keith sa likod ko.
"Ano ba kayo ako to no, keri ko hahaha." ani ko sabay pakita ng ngiti sa kanila.
"Lets just enjoy the night and move forward for tomorrow" ani ko sa kanila at naki sali na sa biruan ng grupo.
Those words wont tear me down, sabi nga nila, there's a lot of fish in the ocean.
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
RandomAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...