Denver's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto habang nag aayos. Tanging plain pastel blue sweater na hindi naman kakapalan lang ang suot ko na pinaresan ko nalang ng black skinny jeans at combat shoes. Di ko naman masasabing fashionista ako but Im kinda like that but take note, karamihan sa damit ko sa ukay ukay lang galing. You need to have a good eye pag nasa ukay ukay ka. Madami din kasi doon ang branden, sayang naman diba?
Ala-una na ng hapon at ngayon ang araw kung kailan gagala kami ni Ash. Bongga nga eh, parang date lang pero syempre hindi tayo pwedeng mag assume. The guy is in a relationship, ayokong maging kirida noh!
Saktong katatapos ko lang mag ayos ng biglang may nag message sakin.
*From: Ash Pa-charms.*
—Den mauna ka na sa mall may dadaanan lang ako.
Yes you read it right. Sa mall lang kami gagala. Pabor naman sakin tutal treat naman daw niya. Kala ko pa nga kung saan kami gagala eh but anyways, never mind.
—Sure no prob.
Relpy ko nalang.
Hindi na ako nag tagal at bumaba na din sa kwarto. Naabutan ko pa dun si kuya Dave at kuya Darius na nanonood ng TV habang ang nanay at tatay ko naman ay naka tambay lang sa aming balkonahe. Pahinga ngayon ni pudra kaya labing labing sila ngayon ni mudang hahaha.
“Ma, Pa alis po muna ako.” paalam ko bago umalis.
“Mag-iingat ka.” sabay pa nitong bigkas.
Kinawayan ko nalang ito at dumiretso na sa gate. Mag lalakad pa ako paountang sakayan buti nalang kamo may payong akong dala na nasa sling bag ko. Ang init pati ng panahon ngayon grabe. Kung may balak ka atang mag pa-tan eh hindi lang tan ang maa-achieve mo eh, madadaing ka na ng wala sa oras kapag nag kataon.
“Kuya sa mall lang po.”
Kakarating ko lang sa sakayan. Dito lang ako sa likod ng driver pumwesto para mahangin kapag umandar na. Inabot ko nalang ang bayad at nag soundtrip muna habang nag iintay pa ng ibang pasahero. Di naman nag tagal eh napuno na din ang tricycle kaya umalis na din kami agad.
.
.
.
Nasa National Book Store lang ako habang nag iintay sa text ni Ash. Dito ako madalas tumambay kaoag nasa mall. Tingin tingin na din ng mga art materials kapag may pagkakataon. Mahilig din kasi ako mag sketch as well as making some art crafts. I just find it fun to do lalo na as pampalipas oras, you can be productive kahit na nagpapaubos ka lang ng oras diba hahaha.
Nasa kalagitnaan ako ng pag hahalungkat ng mga sketch book ng biglang tumunog ang phone ko.
*From:Ash Pa-Charms*
—Where are you? Nandito kami sa first floor, katapat ng starbucks.
Kami?
—Sige papunta na.
Ipinag sawalang bahala ko nalang yung sinabi niya at nag simula ng mag lakad.
And I'm not even surprised.
.
.
.
There he is, a man who have a great physique that is to die for. A man that I find myself liking. A man who keeps bothering my heart and mind. And also a man who's straight as a pole that gives me no courage to face my feelings for him.
There he is with his F*CKING girlfriend!!
Di naman masaket!
Ano bayag Ash, ang buong akala ko tayo lang dalawa. Hay nako, I bet Angel and I has the same feeling about this set up. Ang gago naman kasi ni Ash, gagawin pa ata akong chaperone nilang dalawa bwiset.
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
De TodoAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...