Charms 3

106 3 0
                                    

Denver's POV

Magandang umaga, char!

So kung hindi niyo po naitatanong dalawang linggo na po kami sa bago naming mansyon and guess what?

Pasukan na tomorrow!!!

Akalain mo yun hahaha

So dahil nga pasukan na bukas kailangan ko nang bumili ng mga school supplies. Actually naliligo na nga ako eh, nandito ako ngayon sa anlantic ocean dahil napag desisyunan ko munang mag ala ariel the little mermaid ngayon dito sa banyo, bukas na ako mag coconcert. Rest muna mga baks!

After ko mag swimming sa karagatan eh umahon na aketch, nangungulubot na mga fingertips ko eh hahaha!

Mag bibihis galore na ako at may nag hihintay sakin sa baba. Taray diba, pano ba naman kasi tong si kuya Darius!

FLASHBACK TO BACK TO BACK!!! char

Nag mumuni muni lang kami ni kuya sa sala habang nasa work ang parents namin.

"Bunso, diba monday na pasok niyo? " kuya dave

"Yah, di nga ako na e-excite eh." char na e-excite naman ako ng very very light. Ang maharlika lang kasi ng school, sa pangalan palang na Vasileía University pak oh diba.

Vasileía means royalty daw kasi in greek, daming arte diba. Maharlika nga ang tuition pero dahil bright ako, half lang ang babayaran namin cause I passed the fuckin exam hahahaha! Di naman ako matalino no, may pagka bobo din ako lalo na sa number related subjects so sorry in advance hehe

So back to reality

"Kailan ka bibili ng gamit mo?"

"Bukas na bukas din brothah." saad kong naka tutok sa phone.

Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pinto ng banyo kasabay ng pag labas ni kuya.

"Shuta kuya, amoy tae ha!"

"Hoy! Nag flush ako. Diba sa Vasileía University ka mag aaral?" sa iba kasi siya nag co-college with kuya Dave. Daya diba?

"Oh tapos? "

"Tapos bibili ka ng school supplies? "

"Malamang! Ano ba naman yang tanong? "..naguguluhan na ako sa kuya kong to ha, kung di ko lang talaga to kuya.

"Paano yan eh hindi mo alam kung nasaan yung nbs (national book store)?" ah shet oo nga pala

"Di ka pa kasi sumabay samin nila pareng Ashton eh."

"Bat ako sasabay sa inyong mga kalalakihan, ang dami niyo kaya tas puro maton pa edi mag mumukha kayong body guard. Char!"

"Wow ha! Sasabihan ko nalang si Ashton since sa Vasileía din siya nag aaral na sabay na kayo mamili."

Whut?!

"Wag na! Di ba kayo pwede? Or give me instructions nalang ganern! " nakakahiya sa tao eh.

"Unfortunately hindi. Iisa lang papasukan naming school this year remember? And kailangan na din namin mag prepare ng requirements namin. Sorry bunso." tugon ni kuya Dave na tinanguan naman ni kuya Darius.

"Give instructions then." ayaw ko talaga makasama yun. Not tomorrow, di nga kami close eh, ang awkward kaya nun.

"Hindi, baka kung mapano ka pag wala kami. Ang ligalig mo pa naman pag di mo alam yung lugar. Sasama ka kay Ashton. Na text ko na siya so wala ng atrasan." seryosong saad ni kuya Darius bago umakyat sa kwarto niya.

Ugh yamot.

Well it's been decided. As if I can do anything. Kapag nag seryoso na si kuya Darius wala nang palagan. Pero tiklop parin yan sakin pag ako na ang nag seryoso hahaha. For now pagbigyan ang kuya.

"Yieee first date with Ashton!" biglang saad ni kuya Dave habang naka tutok sa phone with a smirk in his face na nag pagising sakin sa reality, char!

"Kuya I didn't expect that coming from you ha pero. Pwe! First date talaga? Di nga kami friends nung tao eh."

"Baka kasi more than friends ang dapat sa inyo." saad ni kuya Dave na nakatutok parin sa phone.

"Kuya Dave kape ka din minsan ng kabahan ka kahit slight. Anyway, CIAO!!" hanash ko nalang bago umakyat sa kwarto ko.

END OF FLASHBACK TO BACK TO BACK!!! char lang ulit.

So anyway highway, gora galore na nga ako sa baba. Di naman kami close para mag pa-vip ako kaya lets get it skrrt, char.

Nahawa na ako kakapanood ko kay mimiyuuuh hahaha.

"Bagal mo naman, kanina ka pa iniintay ni Ash! " hirit ni kuya Darius habang pababa ako.

"Eh? aga pa diba?"

"Mas maganda daw kung maaga kayo para iwas traffic." si kuya Dave na ang sumagot, nakain kasi si kuya Darius.

Akala ko 1:30 ang napag usapan nila? 12:30 palang ah, di pa nga ako nakaka ngatngat manlang kahit ilang pirasong kanin.

"Dapat sinabi niyo na mapapaaga pala edi sana naka kain na ako." saad ko nalang, kalerki.

"Sa labas nalang kayo kumain. Oh pinabibigay ni mama pambili mo daw." sabay abot sakin ni kuya ng isang libo.

"May pera pa naman ako eh." matipid kasi ako. Kung pwede sana hanggat maari hindi ako hingi ng hingi kila mama, madami nang pinag kakagastusan yung nanay at tatay ko eh.

"Gamitin mo na, aarte pa eh." singit ni kuya Darius.

"Oo na, sige una na ako."

Pag kabas ko palang ng gate nakita ko na si Ashton. Pormadong pormado pa sa suot niya white v-neck shirt and denim jeans with matching black leather jacket and combat shoes. Samantalang ako, whitle loose shirt, khaki pants na above the knee tsaka highcut na converse lang. Hindi kaya ako mag mukhang alalay nito?

"Pasensya na, kanina ka pa ba?" saad ko dahilan para mapalingon siya.

"Hindi naman, tara na?" sagot naman nito habang naka ngiti. Pa charming talaga.

"G." sagot ko nalang. Btw motor pala dala niya, nice.

Inabot niya sakin yung extra helmet na naka patong sa upuan ng motor niya.

"Sakay na." naka sampa na pala siya sa motor. Ano pa bang gagawin ko? Edi sakay.

"Hawak ka ng mabuti." saad niya

Hinigpitan ko naman ang hawak sa likod na part nung motor, yung bakal alam niyo ba yon? Basta yon hahaha

"Hoy sabi ko hawak ka ng mahigpit." tawag niya sa atensyon ko. Ha?

"Naka hawak na nga oh!"

Tapatingin naman siya sakin.

"Bat ka diyan naka hawak? Dito ka sa tagiliran ko humawak!" anas niya.

"Ito na chill." sabi ko nalang at humawak na sa tagiliran niya.

In fairness ha, tagiliran palang batak na hahaha.

"Higpitan mo mabilis ako magpatakbo." sabi niya sabay pulupot ng kamay ko hanggang tiyan niya.

Shuta ano to? At talagang naka ngisi siya ha.

"Hoy lalake, pogi ka pero di mo ako madadaan sa paganto mo ha."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala gora na!" natawa nalang siya sabay patakbo ng motor.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Sa uulitin! Char!

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon