Denver's POV
.
“Nakakaloka!!”
Shet mga ses!
Malelate pa ata ako ngayon sa first class ko shuta! Kung kelan naman talaga may reporting oo!
Ganito kasi yan.
Diba umalis kami nung friday para pumunta kila tita dahil nga birthday ng aking pinsan, ako naman itong si tanga nakaligtaan ko yung powerpoint saka ko lang na alala nung nakita ko yung nag mamaganda kong laptop sa study table kaya ayun. Ang ending gising pa ako ng alas dose nang gabi para tapusing yung powerpoint presentation namin.
Maa-awardan ako ng mga ka-grupo ko kung nagkataon.
Since malelate na nga ako eh nag walk-aton na ako papuntang sakayan ng tricycle. Di ito ang oras para rumampa at mag patunog ng sapatos sa sahig dahil baka ulo ko ang tumunog mamaya kapag binatulan ako ni Hannah at Keith. Kagrupo ko pa ang mga kerengkeng na yun hay nako!
Di naman nag tagal eh nakarating na yung tricycle sa university. Dun na ako bumaba sa tapat ng building namin saka kumaripas ng takbo papuntang second floor.
“Bakla ka anyare sayo?” agad na salubing sakin ng dalawa.
“Sorry tinangghali ako ng gising.”
“Yung powerpoint?” pahabol ni Keith.
“Nasa usb.” ani ko sabay abot ng usb sa kanya.
“Oki, last pa naman tayo eh.”
“Shuta seryoso?” panghuli pa pala kami nag madali pa ako! Kingina lang, pinagpawisan ako dun ah.
“Oo ghorl di ko pala nasabi sa gc sarey.” pahabol pa ni Hannah.
“Keri lang pahangin muna ako.” since nag madali nga ako kanina edi may time pa ako mag pahangin. Wala pa naman teacher kaya go lang.
Agad na akong tumapat sa aircon coz ghorl! Ayaw ko namang mag simula ang klase nang mukha akong dugyutin.
Nag batian pa kami ni Dan na nag sa-soundtrip lang sa upuan niya habang nag iintay ng teacher.
Nakapikit lang ako habang fini-feel ko yung lamig ng aircon sa mukha ko ng bigla may dumamping kung ano sa noo ko.
“Bakit ngayon ka lang? First time mo atang mahuli.” ani Ash.
Napamulat naman ako and to my surprise ang napaka perfect lang naman niyang mukha na para bang iniukit ng mga magagaling na manlililok ang nabungaran ko. Ano pa nga bang ini-expect niyo? Syempre mukhang bangag ang lola niyo na napatitig sa magandang mukhang nasa harapan ko.
“Huy! Adik ka ba?” ani nito saka inabot sakin ang panyo.
“Sayo lang naman ako naadik eh.” wala sa sarili kong ani sabay abot ng panyo.
“Ha?”
“Hakdog! Wala!” ay shet patawarin nawa. Sana di niya narinig. I mean pwede naman hindi naman big deal...
...char sana pala di nalang niya ulit narinig.
“Ok, upo na tayo malapit na mag class.”
“A-ah go! Sunod ako.” ani ko nalang with matching hayag pa ng ng daan.
.
.
.
“....so yun lang po.” huli kong saad matapos kong mag report sa unahan ng klase. Ako kasi yung nag report nung last topic namin.
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
AcakAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...