Charms 18

52 3 0
                                    

Denver's POV

“Guys pack up na tayo!” ani Jess, isa sa mga kaklase ko.

“Baks nakakaloka naman itong unibersity week na ito. Nakaka haggard ha!” amok ni Keith.

“Gaga ka, parang nung isang araw lang nag libot pa kayo ng bebe mo sa mall. Antagal niyo kaming pinag intay sa tapioca pearl yun pala gumala na kayo.” ani naman ni Hannah.

“Hoy ikaw din kaya! Hahaha wag ako gaga!”

Patuloy lang sa pag babangayan ang dalawang babaita sa gilid namin ni Dan habamg kami naman ay nag bibilamg ng benta namin ngayong araw.

Huling araw na ngayon ng unibersity week at maaga nga kaming mag ligpit dahil may pa-banda daw mamayang gabi ang school. Since di naman ako mahilig sa mga ganon hindi na ako mag aabala mamaya. Ipapahinga ko nalamg siguro.

“Ahm Den, are you coming tonight?” biglamg tanong ni Dan.

“Baka hindi na, hindi kasi ako mahilig sa mga ganan. Madalas kasi crowded kaya ayaw ko.”

“Mag babago ba isip mo kung aayain kita?” tanong nito na ipinagtaka ko.

“Hmm? Anong ibig mong sabihin?”

“Wala never mind.”

Alam ko naman kung ano yung sinabi niya, kailangan ko lang ng clarification (char).

“Kung ikaw naman ang mag aaya, why not?” napatingin ito saakin na nginitian ko naman.

“Are you sure?” gulat nitong saad na tinanguan ko nalang.

“Thanks.” nginitian ako nito na siyang namang sinuklian ko.

Alam kong medyo stress din itong si Dan sa buhay niya. Masyado siyang busy sa pag-aaral at napaka tahimik din. Kami nga lang ata ang iniimikan nito eh. Since hindi naman malaking bagay ang hinihingi niya, why not? Isa pa siguro kailangan ko din lumabas sa comfort zone ko kahit paminsan minsan.

Since karamihan sa mga kaklase ko ay pupunta rin, dali dali na kaming nag ligpit. Umuwi muna kami para makapag pahinga tsaka makapag bihis na rin. Mamayang alas sais pa naman ang atart eh alas kwatro palang.

Habang nag papahinga sa kwarto napatingin ako sa bintana ko kung saan tanaw ang bintana ng kwarto ni Ash.

Sa loob ng isang linggo madalang na kaming mag kita. Nag kikita lamg ata kami kapag napapadaan ito sa booth namin para tingnan kung anong mga nangyayare. Matamlay parin ito. May mga oras na hindi na ako nito matapunan manpamg ng tingin. Minsan namang kinausap ko ito eh siya namang tawag sa kaniya ng mga kasamahan niya sa council.

Alam ko busy siya ngayon kaya di ko na muna siya binibigyan ng pansin hanggat maari. Nag aalala man eh mas pinili ko nalang munang manahimik. Pasasaan pa at mag sasabi din yan sakin kung may problema siya.

Hindi din naman nag tagal ay alas sais na. Dito ko nalang hihintayin si Dan sa harap ng gymnasium kung saan gaganapin ang pa-concert kuno ng school.

Simple lang naman ang suot ko. Nag suot lang ako ng pastel yellow na loose sweater tsaka skinny jeans with combat shoes.

Maya maya eh dumating na si Dan. Naka white long sleeve shirt ito tsaka maong na pants. Naka rubber shoes lang din ito pero wag kayong aasa na hindi branded ang sapatos niyan. Kakahiya nga eh, samantalang yung akin sa ukay lang. Pero wag niyo i-smallin ang galing sa ukay, may mga branded din akong gamit na galing sa ukay wag ka.

“Kanina ka pa?” tanong nito.

“Hindi, sakto lang.” ani ko.

“I just really want to experience this things, alam mo naman na lagi akong busy gawa na rin ng business nila papa.” nabanggit ko na bang siya ang nag mamanage ng isang branch ng business nila? Ayan nabanggit ko na. Char.

“Ok lang. Wala din namam akomg gagawim sa bahay, might as well mag liwaliw nalanh muna hahah.”

Nag enjoy lang kami habang nakikisabay sa mga sigawan ng mga tao. Dan's presence is one of those things na hindi mo pag sasawaan, I mean oo crush ko siya pero hindi ko naman inimagine na magiging kami unlike kay Ash na “gusto” ko eh minsan napag de-daydreaman ko pa na mag jowa kami, pero kidding aside. I really like Dan's presence.

Ilang oras pa kaming nanatili doon hanggang sa napag pasyahan naming lamabas muna.

“That band is really good huh.” ani nito ng makalabas kami.

“Oo, ngayon ko lang sila na pakinggan but they're really good.”

Naupo kami sa isa sa mga bence malapit sa gym. Rinig parin namin ang ingay mula sa loob nito.

“Den.” tawag nito sakin na siyang ikinatingin ko.

“Thank you talaga.” naka tingin lamg kami sa isat isa. Nginitian ko naman ito.

“Ano ka ba, maliit na bagay lamg to kumpara sa pag papakopya mo sakin sa math hahaha.” hoy legit, kapag siguro talaga may business magaling sa bilangan.

“Hahaha, loko ka talaga.”

“But seriously, wala lang to sa mga tulong mo sakin. I think I should be the one thanking you.” ani ko.

“Then you're welcome?” saad nito na tinawanan nalang namin.

“HOY! Nadito pala kayo ha.” biglang kuda ni Hannah na ikinagulat namin. Kasama nito si Keith na tawa baman ng tawa.

.

.

.

Mabilis na tumakbo ang oras. Nandito kami ngayon sa harap ng bahay. Hinatid kasi ako ni Dan.

“Thanks again for coming with me.”

“Dan naka ilang thank you ka na ha hahaha.” tinawanan nalang nito ang sinabi ko saka kami nag paalam sa isat isa. Sakto namang pagka alis ng sasakyan ni Dan ay siya namang pag sating ni Ash.

Dumiretso ito sa gate nila. Hindi manoang ako nito tinapunan ng tingin kahit na nasa harapan lang ako ng gate namin.

Papasok na sana ito sa gate nila pero dahil siguro sa frustration na matagal ko ng kinikimkim eh kinausap ko na ito.

“Ash sandali lang.” at sa wakas, pinag tuunan di ako nito ng pansin.

Matamlay at malamih ako nitong tinignan.

“Ano?”

“Yung totoo, anong problema.” hindi ko mapigilang tanong.

“Wala.” the usual.

“Ash hindi ka mag kakaganyan kung wala lang.”

“Sabi nang wala nga, tsaka ano bang pakialam mo?” hindi ko nagustuhan ang pinapakita nitong ugali sakin.

Hello? Concerned lang naman ako sa kanya bakit parang ako pa ang may kasalanan?

“Nag aalala lang naman ako Ash. Ilamg linggo ka mag ganyan. Three weeks and 5 days to be exact. Dalawang araw nalamg isang buwan na.”

“Pwede ba wag mo nalang akong pansinin? Hindi kita guardian, yung nanay ko nga hindi ako pinapaki-alaman tapos tatalakan mo ako?” pansin ko ang pag tagis ng mga panga nito.

“Ash kaibigan mo ako, malamang mag aalala ako sayo!”

“Kaya nga eh, kaibigan lang naman kita diba? Can you please leave me alone?”

“Ash—”

“I said leave me alone.” malamig ang mga tingin na ipinukol nitp sakin.

“Fine, if that's what you want.” mahinahon kong sagot.

Masakit man marinig ang mga salitang iyon galing sa kanya ay wala na akong magagawa.

Sa kanya na rin mismo nanggaling, kaibigam LANG niya ako, ano ba namang say ko sa buhay niya? Malaki na siya.

I did my part. And I think that was enough for me to build a boundary between us.

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon