Denver's POV
.
.
“Oh yung lumpia wag niyong kakalimutan!!” sigaw ng isang kaklase ko sa secretary ng room namin na nag lilista ng mga foods para sa Christmas party. Iniwan muna kasi kami ng adviser namin para nga mapag usapan ito.
Ang bilis lang ng panahon ano? Parang kailan lang at mag papasko na.
Parang 2 weeks ago lang yung sagutan namin ni Angel ganern!
“Oh kay press na daw yung pancit!” sigaw ulit ng secretary ng room.
Kung hindi niyo po naitatanong si Ash din po ang class press. namin.
“Oh ano pa? Suggest lang kayo!” balik naman ni Ash kaya naman umingay ulit ang room.
“Spaghetti!”
“Fried chicken!”
“Palabok mga bugok!”
Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Since wala naman akong pake eh yumukyok nalang ako sa desk, kahit ano naman kasing mapag desisyunan kakain parin naman ako eh hahaha.
Si Dan naman nandito lang sa tabi ko naka yukyok din sa desk. Buddy talaga kami nito pag mga gantong oras. Sleeping buddy ko to sa ilang subject namin eh hahaha.
“Okay class settled na ba lahat?”
Sabay pa kaming napa ayos ng upo ni Dan ng bigla naming marinig ang boses ng adviser naming kababalil palang ata. Pupungay pungay pa mata ko.
Andon na eh. Patulog na.
“Yan tulog pa.” dinig kong saad ni Ash.
“Tanga patulog pa nga lang eh.” tatawa tawa lang ito sa naging sagot ko.
.
.
.
“Kailan nga ulit Christmas party?”
Pauwi palang kami galing school.
“Yung totoo? Nakikinig ka ba kanina?” kunot noong tanong nito sakin sabay saklob ng helmet sa ulo ko. Opo nag sasabay na po ulit kami.
“Hindi, nakakantok ka mag salita eh.” ani ko pero ang totoo niyan nag k-drama lang talaga ako kagabi kaya medj puyat ako today hahaha.
“Sus, ang sabihin mo enjoy kalang matulog kasama si Dan.” ani nito sabay sakay sa motor.
“Sakay na.” yamot nitong saad.
“Hala char lang naman yun eh. Nag k-drama ako kagabi kaya medj puyat ako.” ani ko sabay sakay sa motor niya.
“Tsaka bakit ba ako nag e-explain sayo? Kaloka ka ha.”
“Ewan ko sayo.” saad nito at ini-start na ang makina.
Habang nasa byahe kami eh naka patong lang ang ulo ko sa malapad na likod ni Ash. Syempre naka akap din ako noh. Binibilisan niya kasi pag di ako naka hawak sa kanya.
Papikit pikit pa mata ko. Swear di na ako mag bi-binge watch kapag may pasok kinabukasan. Nakakaloka. Sabog ako maghapon!
“Wag kang matutulog malapit na tayo.” dinig ko pang sabi ni Ash habang ginagalaw ang likod niya. Napaayos nalang ako ng upo para di ako antukin.
Mayamaya pa eh tumigil na kami sa harap ng bahay.
“Salamat sa Ride.” antok ko pang saad sabay salute sa harap niya.
“Sige, kumain ka bago ka matulog. Bat ka ba kasi nag puyat sa panonood.” anas nito.
“Sige na sige na, wag muna ako pagalitan.”
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
De TodoAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...