Denver's POV
Dalawang araw matapos ang araw na na iyon ay sinubukan ko ng iwasan si Ash. Madalas ko din itong pinag tataguan at kinakausap lang kapag kailangang kailangan. Kapag mag sasalubong kami ay agad akong iiba ng daan. Kapag naman kinakausap ako nito sa klase ay matipid lang ang mga sagot ko dito. Gayon pa man eh hindi naman ako nakipag palit ng upuan sa iba naming kaklase. Ayaw kong isipin niya na iniiwasan ko siya dahil kukulitin lang ako nito. Ayokong maka sira ng relasyon kaya ginagawa ko to. Attitude man ako pero hindi naman ako mag papakababa para manira ng relasyon ng iba noh! Ano kalad-karen ka ghorl?
Nasa klase kami ngayon habang nag le-lesson ang aming subject teacher. Nakikinig lang kami ni Dan habang nag susulat ganon din naman si Ash pero di siya nag susulat.
Mabilis namang natapos ang klase at ngayon nga ay breaktime na.
"Den sasabay ka ba samin?" tanong ni Ash.
"Hindi na muna." kaswal kong tugon dito. Kakatapos palang ng iringan nila ng syota niya dalawang araw na ang nakalipas na basically eh ako ang dahilan, ang kapal ko naman siguro kung e-eksena pa ako.
"Ah sige, about last time-"
"Wag mo na isipin yon, una na ako. Dan wait." pag tawag ko kay Dan kasama ang dalawang may kipay saka tinalikuran si Ash.
Sa kanila muna ako sasama tsaka mas mabuti sigurong pang matagalan na to hahaha.
"Ay bongga, LQ?" ang salubong agad sakin ni Keith.
"Bakla ka, paanong LQ eh may jowa na yun?"
"So kung walang jowa may chance?" bawi naman ni Hanna. Saluhan talaga lagi tong dalawang ito oo.
"Ewan ko sa inyo, gutom lang yan. Pagkain kasi muna bago tite!" asar ko sa dalawa.
"Hoy serep kaya, charot!" at saka naman sila nag tawanan. Napapa ngisi nalang sa tabi ko si Dan. Napaka tahimik talaga nito tsaka di niya kayang tapatan yung kagaspangan ng nga nguso namin opo hahaha.
Tawanan lang kami habang nag lalakad hanggang sa makarating kami sa field. May mga benches din kasi dito kaya maliban sa mini forest eh maganda din itong tambayan.
Wala namang mahalagang nangyari habang lumalafang kami, huntahan lang talaga kami ng huntahan habang nakain, routine na naming tatlo yan ng mga babaita at dahil di naman maka sabay samin ang nag iisang lalaki sa grupo eh pangiti ngiti nalang ito. Minsan nakikitawa kapag malala na ang kwento ni Keith at Hannah with live action pa.
.
.
.
Nagpatuloy lang ang klase namin sa mga sumunod na oras. Katulad kanina eh ganon parin naman ang takbo ng klase hanggang sa mag uwian na.Nag mamadali akong mag ayos ng gamit dahil may lakad ako ngayon kasama si Brent. Sa loob ng ilang buwan na mag kakilala kami eh naging super close kami nito. Every weekend itong nasa bahay noon at nag lalaro lang kami ng console. Wala namang problema kila kuya at sa parents ko since napaka galang na bata naman nito tsaka para na siyang little brother sakin hahaha.
Yun nga lang epal itong kulugong pinsan niya. Parang bata kapag nandiyan si Brent. Laging nag kung ano anong kagaguhan ang ginagawa madivert lang ang atensyon ko sa kanya, I swear hindi ako nagbiilusyon baka mamaya sabihin niyo assuming na naman ako ha, but not this time biatch. Char.
So ayun, napunta naman siya sa bahay ng pinsan niya para kamustahin ang tito at tita niya which is yung mama at papa ni Ash, at ngayon nga eh nag mamadali ako dahil last week pa namin napag usapan na mag lalakwatsa kami ngayon sa mall opo hahaha.
Paalis palang sana ako ng bigla akong harangin ni Ash.
Heto na naman tayo~ Ikot Ikot by Sarah G.
"Uuwi ka na?" tanong nito.
"Hindi pa eh, may lakad ako ngayon." kaswal kong sagot dito.
"Gusto mo ihatid na kita."
"Hindi na. Si Angel baka nag iintay yun sayo."
"Right."
Matapos ang pag uusap naming iyon eh lumarga na ako.
Habang papalapit ako sa gate eh natanaw ko naman agad si Brent. Sinalubong ako nito at sabay na kaming nag lakad papuntang sakayan at opo, natutong mag commute itong batang ito sakin hahaha.
Noong una ay lagi itong may taga sundo tuwing gagala kami pero dahil sakin ayan natutong mag commute. Kapag sa mall lang naman ang punta namin dun lang siya nag co-commute at sinusundo na ito sa mall kapag uuwi na. Delikado din kasi sa panahon ngayon but otherwise mabilis naman matuto si Brent kaya wala namang naging problema.
Nung nasa mall na kami eh sa arcade area agad kami tumuloy. Ito talaga ang pakay namin dito hahaha. Enjoy na enjoy lang kami sa pag lalaro hanggang sa abutin kami ng alas cinco. Napag-pasyahan na naming umuwi pero bago yun eh kumain muna kami sa isang fast food chain dito sa mall.
“Kuya, these past few days di ko na kayo nakikitamg magkasama ni kuya Ash. Is there anything wrong?” tanong nito habang nakain kami.
“Wala namang problema samin, yun nga lang mukhang may saltik ata yung syota niya at mainit ang dugo sakin.” ani ko.
“Right. Base on my observation that's quite true, that's why I dont like her for kuya Ash.” tugon nito na ikinagtaka ko.
“Hala grave naman! Pero bakit?”
“I thought you were concerned for a second hahaha. But I just find her maarte. I don't like people like her. I like people like you but not in a romantic way don't get me wrong, you're like an older sister for me hahaha.” saad nito na ikinatawa naman naming dalawa.
“Loko loko, hindi ako pumapatol sa bata hahaha.” ani ko.
Nag tawanan nalang kami at nag chilahan ng kung ano ano hanggang sa matapos kaming kumain at tuluyan ng umuwi.
.
.
.
Alas otso na nang gabi at nandito na ako sa kwarto habang nag babasa ng notes ko sa isa naming subject na may pa quiz bukas nang bigla akong tawagin ni kuya Dave. Himala hindi ata si kuya Darius ang tumawag sakin ngayon hahaha.
“Bunso may nag hahanap sayo sa baba.” saad nito.
Sino naman kaya iyon?
Bumaba nalang ako dahil sabi nga nila mudra hindi magandang pag-intayin ang grasya, char!
At hindi naman ako nag kamali sa sinabi ko nang makita kong grasya nga ang nag iinatay saking pag baba. Pagpalain nawa.
“Den.”
.
.
.
“Oh Ash anong atin?”
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
RandomAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...