Denver's POV
“Oh Ash anong atin?”
Naka upo ito ngayon sa sofa. Kaya pala si kuya Dave ang tumawag sakin at hindi si kuya Darius dahil nag uusap ang dalawa about sa pinapanood nilang basketball game sa tv.
“Ah mang hihiram sana ako ng notes dun sa subject nating may quiz bukas.”
Nag taka naman ako dahil pwede naman siyang mag chat at isesend ko naman yung mga notes through messenger. Pero dahil nandito na siya edi papahiramin na, sayang naman ng effort niya kahil ilang lakaran lang ang distansya ng mga bahay namin.
“Kunin ko lang sa taas.”
“Intayin nalang kita sa labas.” ani nito bago ako umakyat.
Dali dali naman akong umakyat sa kwarto para kunin ang notebook ko. Tutal naka ilang ulit ko na iyong inaaral kanina bago siya dumating, edi ipahiram na.
Matapos kong makuha ang notebook eh bumaba na ako. Dumiretso ako sa labas at na abutan ko siya sa labas mg gate namin.
“Ito yung notes ko, intindihin mo nalang, ang bilis kasi mag lipat ng powerpoint kanina ni sir eh.” ewan ko ba dun sa teacher na yun, laging nag mamadali.
Akmang aabutin na niya yung notes sa kamay ko pero nagulat nalang ako ng lumampas ito hanggang sa wrist ko. Napa tingin nalang ako sa kanya na seryoso din akong tinitingnan.
“Can we talk?” seryoso nitong saad.
“Nag uusap na tayo ah.” ani ko.
Alam ko ang tinutukoy niya, gusto ko lang e-divert ang pag-uusap namin.
“I mean, a serious talk. Like...alam mo na yun!” yamot nitong ani.
At dahil yamot na ang lalaking itech eh tumango nalang ako.
Nag simula siyang mag lakad habang hawak parin ang wrist ko kaya mabilis ko itong inagaw.
“Ah sorry.” tinanguan ko nalang ito saka siya sinabayan sa pag lalakad.
Nang maka layo layo na kami eh saka siya nag simulang mag salita.
“Ahhmm bout the other day. I'm sorry.” naka yuko nitong saad.
Patuloy parin kami sa pag lalakad.
“Sorry about what?” taka kong tanong.
“Sorry kasi na-witness mo pa yung pag-aaway namin ni Angel.”
“Ano ka ba? Normal lang naman yung sa mag-karelasyon.”
“I know, I just felt bad kasi napag salitaan ka ng ganon ng girlfriend ko.”
Edi ikaw na may girlfriend.
“Ok lang.”
“No, it's not ok lalo na't alam kong umiiwas ka sakin because of that.” nabigla naman ako sa sinabi nito.
All this time pala, alam niyang nililimitahan kong lumapit sa kanya? Ganon ba ako ka obvious? Shuta.
“A-ah yun ba? Nako hindi yun ganon.” pag sisingungaling ko. I'm not a good liar, mahahalata mo yun once na maging uneasy ako.
“Alam mong hindi ka magaling mag sinungaling Den.” ani nito.
Ano pa bang aasahan ko? Eh halos sa ilang buwan ko dito eh siya na ang kasa-kasama ko.
“Tsk, oo na. Ayoko lang namang mas gumulo pa ang sitwasyon niyo ng Anghel mong girlfriend noh! Baka kaya siya nandito kasi hindi na siya kinaya ng langit kaloka!” saad ko at inilabas ko na nga ang inis na kinimkim ko nung mga nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
RandomAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...