Charms 10

60 2 2
                                    

Denver's POV

‘Alipin ako na umiibig sayo' tugtog na nag mumula sa phone ko.

Ewan ko ba. Simula nung aminin ko sa sarili ko na crush ko ang pa-charms naming kapit-bahay eh lagi na itong pumapasok sa isip ko. Madalas din pati siyang pumunta dito dahil bukod sa kabarkada niya ang mga kuya ko at best friend daw niya ako eh malapit na din ito kila mama at papa. Minsan nga nakaka irita na eh. Pati ba naman dito sa bahay kukulitin ako?

Hays! Bahala siya. I'll just need to be his best friend lang naman so, keri on.

Nasa gitna ako ng pag mumunimuni while feeling the lyrics of the song ng bigla naman akong naka rinig ng malakas na katok sa labas ng kwarto ko. Dali dali naman ako lumabas para tingnan yon at sa hindi ko inaasahan.

“Ano na naman yang paandar mo kuya?!”

Si kuya Darius naka upo sa sahig habang hawak hawak ang hinliliit niya sa paa.

“Shit kasi nitong hagdan. Aakyat na nga lang tinamaan pa pinky finger ko sa paa.”

Kita ko sa mukha niya ang sakit. Hahaha karma mo na siguro yan kuya. Wala kang palya sa pag asar sakin mapa umaga man oh gabi eh hahaha.

“Baba ka na daw pala, kakain na. Ah puta.” sabi nito matapos makatayo.

“Sige susunod ako.” tumango nalang ito at bumaba matapos ko siyang sagutin.

Nag ligpit muna ako ng mga naiwan kong gamit sa study table ko bago bumaba. Chinarge ko na rin phone ko para happy happy mamayang gabi. Mapapa binge watch na naman ata ako ng mga k-drama. Tutal sabado naman bukas eh.

Matapos naming kumain eh syempre ako ang nag hugas. Bunso duties ika nga nila. Di din naman nag tagal eh natapos din naman ako agad. Sisiw lang sakin yang mga gawaing bahay no. Maarte ako pag dating sa kalinisan kaya kahit kakarampot na alilabok lang ang makita ko lalo na sa kwarto eh mabilis agad akong aaksyon. Mala Tulfo ba hahaha.

At dahil wala narin namang gagawin umakyat na uli ako sa kwarto. Tapos na ang lahat ng mga homeworks at projects ko na iapapasa pa next week.  Mahirap na ayokong mag cram pag dating ng gabi bago ang araw ng pasahan kaya we need to manage our time. Di din kasi talaga maiiwasan yung mga bultohang assignment at project na pinapagawa lalo na't graduating kaya kailangan talagang imanage ang oras. Sabi nga nila diba, time is gold! Hahaha.

After kong mag prepare sa pag tulog kasama na ang pag lilinis ng katawan eh pinatay ko na ang ilaw. Ilang minuto palang akong nanunood ng k-drama sa phone ko eh nawalan agad ako ng gana. Napatingin nalang ako sa bintana kung saan naka tapat ang study table ko. Nilapitan ko ito at umupo sa mismong mesa.

Napatingin nalang ako sa labas kung saan katapat ang kwarto din ni Ash. Nabanggit noya sakin na kwarto noya ito nung minsang nag kekwetuhan kami habang naka tambay sa tindahan nila aling Meriam, yung mabait na matanda di kalayuan sa amin.

Bukas pa ang ilaw nito. Di pa siguro siya natutulog. Bigla namang lumitaw sa loob ng kwarto katapat ng bintana ang bulto ng isang lalaki. Syempre hindi pa ito tulog. Nakikita ko ngayon si Ash habang hawak ang kanyang phone na nakatapat sa kanyang tenga. Di na ako mag tataka kung ang bilat na si Angel ang kausap niya. Alangan namang pakiligin siya ng mayaman niyang lolo diba?

Parang kailan lang nung una kaming nagkita dito rin mismo sa mga bintanang ito. Hay, time flies so fast ika nga nila.

Pinagmasdan ko nalang ito mula sa bintana. Kampante naman ako na hindi niya ako makikita dahil madilim sa loob ng kwarto. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa ibaba niya ang phone niya. Nagulat pa ako ng bigla itong mapatingin sa gawi ko. Nakita ko pa itong nag ta-type sa phone niya bago ako magulat sa ringtone ng phone ko na kanina pa palang naka bukas.

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon