Charms 17

53 1 0
                                    

Denver's POV

Ilang linggo na ang nakalipas at syempre sa ilang linggong yun gumaling na ako. Hindi kasi ako yung tipong pag nagkasakit linggo ang inaabot. Minsan isa o dalawang araw ok na ako basta maka tulog ako ng sapat eh saktong nung gabing binigyan ako ni Dan at Ash ng gamot at sopas eh sabado kinabukasan kaya naman sagad na sagad hanggang buto ang beauty rest ko. Hula ko rin kaya madali akong naglasakit noon gawa ng stress ko nung linggong yun. Sunod sunod kasi ang quizzes at recitation kaya ilamg araw din akong puyat sabayan pa nung pagka-dawit ko sa problema ng mag shota kaya ayun.

And speaking of mag shota.

Nandito ako ngayon sa room habang pinag mamasdan si Ash. Ilang linggo na din kasi siyang matamlay simula nung hapong binigyan niya ako ng sopas na siya ding hapon na na-sight ko sila ni Angel na nag sasagutan sa parking lot ng school.

Kating kati na akong malaman kung anong nangyari sa true lang. Ayaw ko lamg manghimasok sa relasyon ng may relasyon tsaka isang beses kasi tinanong ko na din siya kung may problema ang kaso ang sagot lang ng tukmol...

“Wala.”

So anong nalaman ko?

Malamang WALA!

Hindi ko na siya kinulit pa after non. Tama na ang isang beses. Alam naman niyang nasa tabi lang niya ako kung kailangan niya ng kausap. Kung wala ako sa tabi niya malamang nasa bahay o sa cr, mga ganon ba.

Isa pa, isang linggo nalang din kasi at mag sisimula na ang university week ng school namin. Dahil na din siguro student council president siya kaya madalas siyang busy na pwede din namang dahilan kung bakit matamlay siya. Pagod ba? Ganern!

Madalas nga siyang wala sa klase eh. Lagi kasi siyang excuse para mag asikaso ng university week kasama pa ang ibang members ng student council.

Anyway!

So dahil wala akong natatanggap na pangungulit mula sa problemadong si Ash eh si Dan nalang ang kinulit ko, CHAR!

Pano ba naman kasi ang tahimik shuta!  Buti nalang hindi ako nauubusan ng topic kaya kung ano ano nalang ang pinagsasasabi ko parang hindi mapanis ang laway ko. Nandyan yung napag uusapan namin kung paano lumiit ang balakang ng langgam, paano  nagkakaroon ng garapata ang aso, kahit ano nalanh. Isang beses nga napag usapan namin kung bakit kulubot ang bayag. Wala lang para lang may topic. Kapag vacant lang naman kami nag dadaldalan kaya safe di katulad ni Ash na kahit may teacher walang mintis ang pangungulit. Ewan ko nga kung bakit napaka ligalig ng lalaking yun.

.

.

.

Mabilis na lumipas ang mga araw at umpisa na nga ng university week. Dahil nasa klase namin ang SC president ay hindi pwedeng wala kaming booth at dahil maraming mga aspiring photographers sa klase namin eh naoag desisyunan nalang naming mag tayo ng photo booth.

Ginawa naming retro theme yung booth namin. Unlike other booth, yung amin kasi malaki ang espasyo kaya kahit ata mag class pic dito pwede, syempre char lang yun pero parang ganon basta. Bukod pa doon may cafe keme din kami. Hindi pinalampas ng mga kaklase kong babaita na pagkakitaan yung university week kaya ayan may pa cafe kami yun nga lang hindi ako makapag luwaliw dahil lagi akong bantay sa nag sisilbing stall/kahera ng cafe namin. Hindi naman sa ayaw ko, pabor pa nga sakin sa totoo lang dahil ayaw ko naman talagang maki gulo pa sa mga jhs at iba pang mag estudyante sa loob ng campus. Mas mabuti na yung nandito lang ako.

Sila Dan naman kasama sa mga nag seserve, pang hatak narin daw ng costumers since pogi itong si Dan at yung dalawang babaita naman may mga lakad with jowa. Hinayaan nalang namin. Runner din naman namin yung dalawa kapag may kailangan ipabili since may mga motor ang jowa tsaka mga mapera hahaha.

“Good morning. Ano pong sa inyo?” masigla kong tanong sa isang jhs na lumapit sa stall namin.

“Kuya dalawa pong iced coffee tsaka cheesecake.” anito sabay abot sakin ng kanyang pera.

“Ok, will be ready after 5 minutes.” masigla kong saad.

Dumiretso naman ito sa isa sa mga table na naka set sa loob ng booth.

“Anne, 1 iced coffee and 1 cheesecake.” saad ko sa isa sa mga kaklase kong in-charge sa foods and beverages.

“Oki!”

Since tagabantay lang naman ako dito sa stall slash kahera na din eh sila na bahala mag hatid noon sa umorder.

Nag aayos ako ng mga paper bills ng biglang may tumawag sakin.

“Uy Brent. Napadpad ka ata dito? Hahaha.”

“Syempre naman kuya Den, di ko pwedeng palampasin ang napaka gandang kahera dito hahaha.”

“loko loko ka talaga hahaha.”

“Btw, is kuya Ash there? Hindi ko pa siya nakikita since earlier.”

“Baka busy yun. Alam mo na SC president.”

“Sabagay. What time ka pwede mag break?” tinignan ko naman ang oras sa phone ko.

“30 minutes nalang pwede na akong mag break.” 11:30 na kasi ang by 12pm ang break ko. May papalit na kasi sakin na kaklase ko para daw ma enhoy naman namin ang isang linggong university week kahit papaano. Shifting ba? Ganern!

“Ok I'll order 1 classic nalang. I'll wait for you nalang.”

“Sus. Sige sige hahaha.”

Agad ko namang prinoseso ang order niya.

Hindi din naman ang tagal eh natapos na ang shift ko. Wala naman kaming ibang ginawa ni Brent kundi mag libot libot sa loob ng campus. Check narin ng ibang mga booth. Nakita pa nga namin si Ash at Angel sa weddinf booth. Mukhang masaya naman sila pero parang may something talaga. Di ko alam kung anong meron pero hinayaan ko nalang sila. Ayokong magpakain sa curiosity ko, curiosity kills ika nga nila.

Wala namang mahalagang nangyari noong hapon na iyon. Mabilis lumipas ang oras kaya hindi namin namalayan ni Brent na uwian na pala. Nag paalam lang kami sa isat isa saka kami ng hiwalay ng way nung nasa labas na ng gate yung sundo niya kaya ako naman eh nag lakad na pauwi.

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon