Charms 16

54 2 0
                                    

Denver's POV

“Achoo!”

Nasa klase ako ngayon at nag babasa ng notes habang iniintay ang teacher namin sa huling subject. Nasabi ko naman sigurong may quiz kami ngayon ano po?

“Den kanina pa yan. Are you really okay?” alalang tanong ni Dan.

Kanina pa ako bahing nang bahing dito. Sinisipon din ako simula kaninang umaga. Punyemas kasi itong lalaking nasa kanan ko oo.

“Ayos lang ako, sipon lang to.” saad ko dito.

“Samahan na kaya kita sa clinic.” saad naman ni Ash. Opo nag-uusap na kami pero di parin ako sumasama sa kanila ni Angel. Naiintindihan naman niya yon.

Sinamaan ko ito ng tingin.

“Oh bakit ganyan ka maka tingin?” pa inosente nitong ani.

Di ko nalamg ito pinansin dahil dumating na din naman ang aming teacher.

Bwiset eh. Porque athlete kaya malakas ang katawan at risestensya samantalang ako di naman nakulangan sa sinag ng king sun kaunting biyaya lang ng ulan may falls na agad sa ilong! Sus oo.

Maayos ko namang nasagutan ang quiz namin at sa wakas ay wala na akong po-problemahin.

Nag ligpit na ako ng mga gamit ko. Si Ash naman ay nag madali lumabas, susunduin daw niya si Angel. Si Dan naman nag aayos din ng gamit. Kakaunti nalang kami sa room dahil mga atat na din umuwi ang mga kaklase ko.

Grabe! Di ko na talaga keri mga baks! Alam niyo yung feeling na parang ang bigat ng ulo mo? Tapos yung mga talukap ng mata mo na bumibigat at parang hinihila papikit with matching sipon? Shet ganon na ganon ang pakiramdam ko.

“Den, I know you're not fine. Pwede kitang isabay pauwi tutal nadadaanan ko naman bahay niyo eh.” saad ni Dan na kanina pa nasa gilid ko.

“Nako ayos lang ba? Nakakahiya naman.” ani ko.

“Ano ka ba? We're friends right? Don't be shy hahaha.” tatawa tawa nitong tugon.

“Sinong nahihiya? Tara na.” ghorl bat pa ako tatanggi? Libre rides at isa pa di ko kero, gusto ko nalamg matulog. Eklat lang naman yung hiya ko kanina eh hahaha.

Matapos non nag lakad na nga kami papuntang parking lot ng school. Nahagip pa ng mata ko si Ash at Angel na parang may pinagtatalunan. Di naman kami nito napansin tsaka ano bang pake ko? Baka mamaya pag-initan na naman ako nang Anghelitang yan nako majojombag ko talaga siya kahit masama pakiramdam ko ngayon.

Dumaan muna kami ni Dan sa 7/11 malapit sa school yun ngalang iikot pa kami ng way. Bumili lang kami don nang kaunting gamot dahil nag aalala daw talaga siya, taray divah? Sabi ko naman wag na pero mapilit siya eh kaya go nalang. May gamot pa naman ako sa bahay pero kiber na yon at least madadagdagan ang collection ko, charot. Hindi po ako nangongolekta ng gamot opo.

Di naman nag tagal ay nakarating na kami sa harap ng bahay. Nag paalam naman ako dito bago ako bumaba na siya namang tinanguan nito with matching makalaglag diaper na ngiti. CHAR!

“Yung gamot ha, inumin mo yon after mo kumain!.” saad nito sa may bintana.

“Yes boss.” matamlay ko paring saad. Anong ie-expect niyo sa may sakit? Energetic?

Hinatid ko nalang ito ng tingin bago ito tuluyang umalis. Papasok na sana ako ng gate ng mapansin ko naman ang papadating na motor ni Ash.

“Naks may tagahatid ka na pala.” sa tono nang pananalita nito mukhang hindi ito masaya.

“Hindi naman. Sumabay lang ako kay Dan, ang bigat na kasi talaga ng pakiramdam ko.”

“Tsk. Eh bakit di ka nag sabi sakin?” aba'y gago. Eh ang bilis nga niyang nawala kanina.

“Nako hindi na. Tsaka diba hinatid mo si Angel?” napailing nalang ito.

Napansin ko naman ang kanina pa nitong hawak na paper bag.

“Para saan yan?” turo ko doon. Wala chismosa lang.

“Oh sopas. Nabili ko yan sa karinderyang nadaanan ko bago umuwi. Kainin mo yan bago mo inumin yang gamot na bigay sayo ni Dan.” yamot nitong ani. But wait! Pano niya nalaman na binilhan ako ni Dan ng gamot? Nevah mind. Ang importante may fudams!

“Sige. Salamat dito ah.” tinanguan napang ako dito bago dumeretso sa bahay nila.

Pag pasok ko sa bahay wala pa sila kuya. Tanging si mama lang ang nadoon na nanonood ng mga teleserye sa TV.

“Oh anak. Ayos ka lang ba? Sinisipon ka parin ba? Masakit ba ulo mo?” sunod sunod na tanong nito sabay salubong sakin.

“Wit lang mother dear ha lahat yan opo ang sagot ko. Akyat po muna ako at mag bibihis.”

“Sige anak. Mag meryenda ka after mong mag bihis.” ani nito at bumalik na sa panonood. Dumiretso naman ako sa kwarto ko sa taas tsaka nag bihis.

After mag bihis ay nag meryenda na muna ako. Kung ok pang sana pakiramdam ko yung kaning lamig yung tinira ko kaso gusto ko na talagang mahiga kaya yung sopas nalang na binigay sakin ni Ash ang kinain ko.

After kumain eh naisipan kong inumin an yung gamot na bigay ni Dan. Napag disesyunan ko kasing matulog, alam ko kasi na once na makatulog ako mamaya tuloy tuloy na hanggang sa mag umaga. Syempre hinugasan ko din uung pinag kainan ko. Jombag ako kay mader kapag may pinagkainang naiwan sa lababo.

“Ma di na po ako sasabay mamaya sa hapunan. Matutulog nalang po ako.”

“Sige nak mag pahinga ka na muna.” yun lang at dumiretso na ako sa kwarto.

Agad naman akong nahiga sa kama ko at pumikit. Hindi pa nag iinit ang likod ko sa kama ng may biglang nag bukas ng pinto.

“Bunso! Bakit ka naman ganyan! Kanina sinisipon ka lang tapos ngayon iiwan mo na kami?! Bunso!” atungal ni kuya Darius na nag pamulat sakin. Nasa likod naman nito si kuya Dave na nag pipigil ng tawa.

Inis ko itong tinitigan.

“Ay bunso buhay ka pa pala.” ani nito.

“Puro ka katarantaduhan! Kung kailan naman mag papahinga na eh. Lumabas na nga kayo bwiset!” ani ko sabay hampas ko sa kanya ng unan.

Tatawa tawa naman ang dalawang lumabas ng kwarto ko. Parang tanga talaga tong si kuya Darius! Si kuya Dave seryoso yun pero pagdating sa akin ang lakas din mang asar, ibang level nga lang talaga si kuya Darius.

Hay nako maka tulog na nga.

Pipikit palang sana ako ng bigla namang tumunog ang phone ko.

“Kingina!” inis ko itong kinuha sa study talble ko malapit sa kama.

Si Ash.

–“Hello!” inis ko saad.

–“Ayos ka lang ba? Narinig kong sumigaw si kuya Darius!” tingnan mo? Tarantado ka talaga kuya Darius!

–“Ayos lang ako, sige na mag papahinga ma muna ako.”

–“Per-” sasagot pa sana ito ng patayin ko na ang tawag.

Pagod na talaga ako legit. Gusto ko napang matulog.

Good night!

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon