Charms 7

64 2 1
                                    

Denver's POV

Nandito ako ngayon sa room.

Kami pala.

Kaharap ko ngayon si Ash.

“O anong atin?" casual kong tanong matapos niyang umupo sa kaharap na upuan ko.

“Bakit mo ako iniwan?” seryosong tanong nito.

“Ano?” lito kong saad.

“Wala, pumunta ako sa inyo kanina bago pumasok. Isasabay sana kita kaso wala ka na daw sa bahay ninyo.”

“Bakit mo naman ako isasabay?"

“Wala lang, kapit-bahay naman kita diba? Anong masama don?”

“Easy, nag tatanong lang eh.”

....

“Btw, wag mo na akong puntahan.”

“Bakit naman? Ayaw mo ba akong kasama?”

“Hindi naman sa ayaw. Ayaw ko lang ng issue. Student council member ka pa man din.”

“Oh ano naman kung member ako ng student council?”

“Wala lang. Syempre kilala ka dito baka mamata gawan tayo ng issue.”

“Sus, di ka kagandahan para magka-issue tayo.”

Aba gago.

“Kingina mo.”

“HAHAHAHAHAHA!! Asar talo ka pala eh!” panunukso niya kasabay ng pag alis niya sa harap ko.

Kakadating lang kasi ng mga barkada niya.

Di ko nalang pinansin at nag munimuni napang hanggang sa dumating ang dalawang bilat na si Keith at Hannah. Nag batian lang kami saka sila pumunta sa mga upuan nila.

Di din naman nag tagal ay dumating narin si Dan. Nginitian ko ito sabay sabi ng “good morning” na sinuklian din naman niya with matching smile. Cute talaga nitong lalaking to. Sarap ibulsa hahaha.

Maya maya pa dumating na ang advicer namin.May pakeme pa itong sinabi. Binigyan ko lang ng atensyon nung sinabi niyang may ia-announce ang president ng council about sa acquaintance party daw. Syempre alerto tayo mga baks. Party itey hahaha.

Pero laking pagtataka ko ng biglang tumayo si Ash.

Eh? siya ba ang President?

Hindi halata ah.

So keri on.

Kahit na medyo shookt perin ako eh nakinig nalang ako.

Nang makarating ito sa unahan ay siya naman seryoso nito.

Tiningnan ako nito at kinindatan na napansin ata ni Dan na pinagsawalang bahala nalang namin.

Grabe muntik na akong maduwal.

“Hi classmates.”

“Hi papa ashy!” kinikilig namang sagot ng mga kababaihan at sangkabaklaan sa room.

Ashy? Ashy amp. Ibang klase ka Ash hahaha.

Ngumiti lang ito sabay nagpatuloy sa mga ia-annouce kuno niya.

.

.

.

.

Mabilis na lumipas ang oras.

Wala naman kasing ganap mga baks!

After mag anunsyo ni Ash nag continue nag ang klase hanggang sa tuloy tuloy na at eto ako ngayon nag lalakad na pauwi. Bongga diba.

Pa-CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon