Denver's POV
“DENVER!”
“AY KINGINA!” nasabi ko nalang sa gulat ko. Buti nalang kami palang tao dito.Naisubsob ko pa tuloy yung tissue sa mukha ni Brent na ngayon ay naka yuko habang inaayos ang sarili.
Pag harap ko kung sino ang gagong nanigaw ng pangalan ko eh nagulat nalang ako nang si Ash pala ito kasama parin ang kayang gf na si Anghelita. Mas bagay sa kanya ang Anghelita, masyadong mabait pakinggan ang Angel.
“Oh kayo pala, kamusta ang date?” kaswal kong tanong dito na kasalukuyan paring masama ang tingin sakin.
“Who's that guy?”
“Ah this is–” ipapakilala ko palang sana si Brent ng biglang itong mag salita.
“Kuya Ash? It's good to see you here kuya.” natahimik nalang ako na magkakilala pala sila.
“Brent? What are you doing here?” anas ni Ash sa bata.
“Mag kakilala kayo baby?” epal naman tong Anghelitang to eh, obvious ba?
“Yes baby, he's my cousin.”
Ah ok
“What are you doing here kid?” seryosong baling ulit nito kay Brent.
“I was just playing sa arcade kuya then I met kuya Denver there. He's so good at playing tekken pala. Btw how do you know each other?”
“He's my bes–”
“He's my classmate.” pag putol ko sa sasabihim nito sabay baling kay brent.
Napatitig nalang sakin mg masama si Ash na para bang hindi makapaniwala. Di naman masamang gumanti kahit papaano diba? Hahaha.
“Ah thats why.” tugon nalamg ni brent at biglang natahimik ang paligid. Napatingin naman ako sa phone ko at nalamang 5 pm na pala.
“Ah Brent I think I should go na, 5 pm na din eh baka abutin pa ako ng dilim.” pag basag ko sa katahimikan.
“Ah right, kailangan ko na din palang umuwi hope we meet again some time.” sabay na kaming tumayo ni Brent at nag ayos ng gamit habang ang dalawa eh naka tayo parin sa gilid namin, si Angel nag po-phone habang si Ash naman eh naka tigtig parin sakin.
“Kuya Den can I ask for you number?” biglang saad ni Brent habang hawak ang phone niya na pina-unlkan ko naman.
Kukunin ko ma sana ang phone nito para i-type ang number ko ng bigla namang tabigin ni Ash ang kamay ko.
“No, hindi pwede. Umuwi ka na mag gagabi na.” utos dito ni Ash.
“But kuya–”
“No buts.”
Matamlay naman itong tumango, nginitian ko nalang ito sabay gulo sa buhok nito na siyang ikinangiti nito. Ang cute talaga ng mga bata hahaha.
Nabigla pa ako ng biglang hatakin ni Asg ang kamay ko na naka hawak sa buhok ni Brent. Nauna na itong pag paalam habang kami naman ay naiwan sa ice cream shop.
“Aren't we gonna buy baby?” agad na sabi ni Angel ng maka alis si Brent.
“Oh uuwi ka na din diba? Ingat!” maarte pa nitong sabi sakin.
“Ah oo una na ako.” paalis palang sana ako ng biglang mag salita si Ash.
“Mag uusap tayo mamaya Denver.” seryosong tugon nito na tinanguan ko nalang.
Agad naman akong naka labas ng mall at hindi nga ako nagkamali. Medyo mag didilim na ng maka labas ako. May malapit ditong sakayan ng jeep at tricycle pero pinili kong mag lakad papunta sa isa pang sakayan. Gusto ko lang ramdamin ang may kalamigang ihip ng hangin dahil di ko naman magagawa to kapag tanghaking tapat noh.
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
De TodoAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...