Denver's POV
“Ano ba yan bakla napaka inet!!” reklamo ni Keith.
Nandito kami ngayon sa gymnasium at at nag titiis sa init habang pinapanood ang mga players ng basketball na nag lalaro.
Napakabilis ng pag lipas ng mga araw at ngayon nga ay huling araw na ng Intrams ng aming School. Maayos naman ang naging takbo ng buhay ko sa mga nag daang buwan. Kung tatanungin niyo kung bumawi ba sakin si Ash eh oo ang sagot ko.
Lumabas lang kami at nag liwaliw sa mall, nag libot din kami sa buong syudad at nag food trip lalo na sa mga ihaw ihaw. Kung para sa iba eh hindi naman masyadong special yun, para sakin isa na yun sa mga special memory na pinapahalagahan ko. Maswerte pa nga ako at nagkakaroon ako ng pagkakataon para makalapit sa taong gusto ko and take note, best friend pa kamo.
Madalas na din kaming magkasama although nababalewala ngalang ako kapag nasa eksena si Anghelita at sa mga panahong iyon eh wala naman itong palya sa pang aalaska sakin lalo na kapag naka talikod si Ash. Hindi ko nalang din naman pinapansin dahil ang childish ng bobita.
About naman kay Brent eh madalas din namam kaming nag kikita dito. Sa katunayan nga kung hindi ko kasama sila Dan tsaka itong si Ash eh siya lagi ang kadaldalan ko. Para ko na din siyang nakababatang kapatid kaya tuwang tuwa ako sa kanya
“AYAN NA SILA PAPA ASH!”
“GO PRESIDENT!!!”
“AAAHHHH CHOKE MEH DADDEH!!”
Ilan lang yan sa mga hiyawan na narinig ko mula sa mga kababaihan at sangkabaklaan dito sa gymnasium. Ang sarap lang bangasan ng panghuli, pasalamat siya at di ko siya mahagilap dahil ako na mismo ang sasakal sa kaniya. Kalanding bakla!
Kakatapos lang ng mga naunang team at ngayon nga ay sila Ash na ang mag lalaro. Nakita ko pang tila may hinahanap ito at ng mapatingin ito sakin eh agad naman ako nitong kinawayan. Agad namang nag sitilian ang mga bakla na nasa likod ko sa pag aakala sigurong sila ang kinawayan nito. Nginitian ko nalang ito at syempre hindi din naka lagpas sakin ang matalim na tingin na ibinibigay sakin ni Anghelita na kasalukuyang nasa bench kung saan naka upo ang mga players. May hawak pa itong gatorade at bimpo.
Edi wow, ikaw na ang ulirang girlfriend. Lumuwa sana yang mata mo!
Hindi na din naman ako nag aalala sa magiging resulta ng laro. Kilala ang team nila at nakita ko na din itong mag practice ng minsang isinama ako ni Ash at masasabi kong magagaling ang mga ito pag dating sa basketball.
Maayos naman ang naging takbo ng laro. Malaki ang lamang nila Ash hanggang sa huling quarter ng laro at tanghalin silang panalo.
Shet bat ang lalim ko managalog? Char!
Wag niyo na akong pag deacribe-in at hindi ako marunong sa basketball basta alam ko lang lamang sila dahil kita naman sa scoring board kaloka!
Sasabay na sana ako sa pag labas ng mga tao dahil tapos na ang laro sa araw na ito nang bigla naman akong tawagin ni Ash. Ano pa ba ang gagawin ko? Edi lapitan si “besprend”.
“Ano ba yan, ang pawis pawis mo, ayan bimpo punasan mo alam mo namang ayaw ko sa pawis eh.”
Naabutan ko pang talak ng gf niyang mahadera. Kala mo naman hindi nag papawis jusko! Dapat nga siya ang gumawa niyan dahil siya ang syota.
Nakita ko namang hirap ito sa pag pupunas ng likod niya kaya mabilis kong hinablot ang bimpo at ako na ang nag punas non.
“Salamat Den Den hahaha.”
Nakita ko naman ang Pag irap ng bruha.
“Congrats nga pala.” saad ko.
“Salamat, nga pala may pa-victory party si coach mamaya gusto mo bang sumama?”
Sasagot palang sana ako ng bigla namang sumingit si Angel.
“Ayaw mo akong isama tapos yang baklang yan isasama mo? Nakakainis ka na Ash, palagi nalang!” maktol nito, buti at kami nalang ang nandito.
“Baby naman, alam mo namang mag iinom kami don diba?” pang aalo nito sa gf.
At heto na naman po ako with another episode of keeping with Anghelita.
“Tsaka wag mo namang tawagin ng ganyan si Den, sa tagal na nating mag kakasama dapat magkaibigan na kayo.” dagdag pa ni Ash. Nanahimik nalang ako sa gilid habang pinag mamasdan amg kaartehan ni Anghelita. Sa ilang buwang naging sunod sunuran ako sa dalawang to eh hindi na ito bago yung nga lang mukhang mas matindi ito.
“Yun na nga eh, sa tagal nating magkasama lagi mo nalang kasama yang baklang yan!” halata ang inis sa boses ng babae. Ako naman eh hindi makapaniwalang napahawak nalang sa dibdib at nalalaki ang mata. Grabe may ganito palang kinikimkim tong si Angel ha.
“Syempre best friend ko yan eh, wag ka namang ganyan Baby.” nanson parin ang mapanuyong tono ni Ash. Nako kung ako ang aartehan niyang syota niya? Baka naratrat ko yan ng wala sa oras, kahit yung dalawa kong kuya walang laban sa bunganga ko eh.
“No, paano naman ako?”
“Baby-”
“Pumili ka, ako o yang best friend mong bakla?” and then I realized it was getting serious.
“Ikaw syempre.” mabilis pa sa alas kwatrong tugon ni Ash kasabay ng biglang pag tahimik ng kapaligiran.
Nasaktan ako sa biglaang pangyayaring ito. Ewan, baka OA lang ako pero knowing na hindi na niya pinag isipan pa ang sagot eh biglang bumigat ang dibdib ko na parang bigla itong hinataw ng isang mabigat na bagay na hindi ko malaman kung saan nag mula.
Alam ko naman sa simula palang na wala na akong binatbat kay Angel. Oo may kagaspangan ang ugali nito pero natatabunan naman ito ng maganda nitong mukha. Hindi ko lang inaasahan na ganito pala kasakit na marinig mula sa bibig ng lalaking gusto mo na hindi ka niya pipiliin pag dating sa bagay na ito. Na hindi ka ganon kahalaga sa kanya para sagutin ang tanong na iyon ng manilis pa sa isang segundo. Sana naman pinag isipan niya muna kahit kunwari lang, sana naman pinakita niya muna na isinasaalang alang niya din yung mararamdaman ko. Masakit ng kaunti eh, may kirot dito sa dibdib. Nakakatawa lang dahil gamit na gamit na ang linyang ibinato ni Angel pero hindi parin ito pumalya para masaktan ako, nice one Anghelita, ang galing ng bato mo!
“Ahm, nandito pa ako oh hello? Hahaha.” ani ko para mapagaan ang tensyon sa paligid. Nakita ko namang tila nagulat si Ash at narealize ang nasabi niya.
Para hindi na mas lumala ang sitwasyon eh nag pasya na akong mag paalam. Hindi ko narin kasi alam kung hanggang saan aabot ang pag pipigil kong maiyak.
“Mauuna na ako, about sa victory party niyo, salamat nalang pero kasi hindi ako pwedeng mag pagabi eh. Congrats ulit.” sabi ko bago tumalikod, nakita ko pa ang lungkot sa mga mata ni Ash pero hindi ko na yon pinansin.
Sa oras na tumalikod ako eh agad ko namang naramdaman ang panunubig ng aking mga mata. I know it's not so me na iiyak dahil sa maliit na bagay pero I can't help it maliit man ito para sa iba pero maling bagay ito sakin. Pinunasan ko nalang ito agad bago tuluyang nag lakad.
“Denver wait!” rinig ko pang habol ni Ash ngunit ang bingi-bingihan ako.
Wag muna ngayon Ash. Puta ang babaw ko. Patuloy lang sa pag agos ang luha ko na na kahit pilit kong tuyuin eh ayaw paring paawat.
.
.
.
.
.
.
.
Sorry if medyo lame itong update. I know I need improvement lalo na sa pag convey ng feelings and also sa mga wordings so pls share your thoughts because it can really help me improve on what I am lacking.
Again pls bare with this noob writer hahaha. Ciao!
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
RandomAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...