Denver's POV
Wala namang mahalagang nangyare matapos ang tampalang naganap noong araw na yun. Balik na sa pangungulit ang loko lalo na kapag nag uusap kami ni Dan, ang ending imbes na makapag focus ako kay Dan my love so sweet eh nag sasayang pa ako ng oras para kaltukin ito sa ulo kapag naka talikod ang subject teacher namin. Ang kulit kasi ayaw mag tigil.
Sinubukan ko din itong kausapin tungkol sa pag iinarte niya noong nakaraan, ang kupal dinedma ako at tuloy lang sa pangungulit. Ewan ko ba sa lalaking to, napaka isip bata parang hindi student council president.
Iba din kasi ang karakas nitong lalaking to, kapag nasa labas ito kasama ang mga barkada akala mo kung sinong kapitapitagan. Kaya di narin ako nag taka dahil mukha itong responsable kaya siguro siya nai-halal.
Ang lalim non, oh di mo kaya.
Pero, subalit, datapwat, ang ulupong na ito eh nag iiba sa harap ko na parang pokemon sa pag evolve. Di ko alam kung trip lang ba akp neto oh ano pero sa sobrang kulot nitong lalaking to kapag kasama ako eh minsang napag-kakamalan kaming may something. Syempre madaming bashers, ganda ko eh pero at the same time may mga kinikilig din naman ang mga tinggil at tampipi na dahil na rin siguro sa impluwensya ng mga bl stories na talamak ngayon sa mga social media.
And wait there's more! Syempre sa loob ng ilang araw na pamamalagi ko dito kasama ang ulupong na yon eh hindi maiiwasang kumalat ang matagal ng sakit ng mga pilipino na matindi pa sa virus na hindi lang ikaw ang kayang buwagin pati narin ang buong pamilya mo.
Tantananan!!! Ano pa nga ba? Edi chismis.
Kalerki. Sa bilis ng pag kalat ng chismis ngayon lalo pa't peymous ang lalaking nag ngangalang si Ash a.k.a ang SC president eh mabilis ding nakarating sa jowa niyang Angel amg pangalan na ngayon ko lang din nalaman ang balita.
Ilang beses ko din itong nakikitang naka tingin sakin ng masama kapag kasama ko ang bebe niya. Akalain my yun? Ang akala kong kabaitang nilalang eh may ibang karakas din pala? Pwe kala naman niya kakalampagin ko yang jowa niya. Saka na kapag wala na sila. CHAROT!!!!
Im sorry. Patawarin nawa.
Kung hindi niyo naitatanong eh nandito lang naman ako sa mini forest kasama ang kanina ko pang bina-backstab na lalaki, ans wait there's more, kasama din namin si Angel. Wala skl.
Ewan ko ba sa lalaking to, basta nalang akong hinila pagkatapos ng class namin yun pala gusto lang niyang masaksihan ko ang pag susubuan nila ng jowa niya, alam ko medyo double meaning but watever! Alam niyo na yun, syempre nag susubuan ng pagkain. Ano pa bang isusubo sa mini forest na public area. And i oop!
“Baby say ah!”
Nagising nalang ako sa mula sa malalim kong pag iisip ng marinig ko ang maarteng boses ng Angel na to.
“Ahhh.” sino pa ba.
Ang sarap nilang tingnan, at the same time ang sarap din nilang kaltukan.
“Oh Den di ka ba kakain?” nakangiting saad ni Ash na ngayon lang ata naalala na kinaladkad niya ako kanina.
Sayang saya ka ata ah.
“Kakain, sige wag niyo nalang isipin na nandito ako, ituloy niyo na yan.”
“Hayaan nalang daw natin siya Baby.” naka ngiting singit ng naman ni Angel sabay irap sakin. Ngumiti nalang din si Ash na mukhang hindi ata napansing ang pag rolling in the deep ng mata ng nobya niya. Gawit ko yang kwek-kwek eh. Maka kain na nga.
Sa buong oras ng lunchtime ko eh para lang akong nanonood ng k-drama. Ang kaibahan lang di ko bet ang bida. Lalo na sa leading man. Kayamot eh, edi sana nagawa nadin kami ni Dan ng sarili naming scene, wala eh. Ang lakas ng kupal kaya eto ako ngayon tiis ganda. Yun ay kung may ganda pa.
Di naman nag tagal eh dumating na ang pinakahihintay kong hudyat mula sa kataastaasan. Ang bell.
“Hatid na kita baby.” rinig kong saas ni Ash sabay kuha ng bag nilang dalawa.
Gentleman naman pala, bat di mo na isabay yung akin? Char! Nasa likod lang nila ako habang nag lalakad.
“Sure baby. Buti nalang nasa 2nd floor na kayo. Diba Denver?” baling naman sakin ni Angel.
“Ah oo.” plastic amp.
“Ah Den mauna ka na sa room. Ihahatin ko muna bebe ko sa room nila.”
Tignan mo tong lalaking to. Sige lamg ipamukha mo saking wala akong bebe. Hihilahilahin ako di naman pala ako kayang panagutan. Char kala mo nabuntis eh, pero kahit na. Hindi pwede yan.
“Sige lang.” ngumiti naman ako ng pilit.
Sino ba naman ako para pigilan ka? Insert Aegis.
Dumiretso nalang ako sa room ng may sama ng loob. Hindi ko alam kung dahil ba to sa nasaksihan kong lame romantic drama kanina o yung naudlot na scene sana dapat namin ni Dan, sayang romcom pa naman sana yon. O baka naman sa pang-iiwan ng hinayupak na Ash na yon sakin?
Char ano ba ako sa kanya?
According to him bestfriend na daw kami, as in
B E S T F R I E N D
Ayan nilakihan ko na. Labag man sa loob ko (kasi gusto ko sana more than that, char harot!) eh go nalang. At least may coonection kami. Hoy sa pogi ba naman ng lalaking yon aayaw pa ba ako? Pero ewan.
I feel like something is wrong. Parang medyo mabigat sa heart ha.
Di ko alam kung dahil saan pero sigurado akong its about Ash.
Kinginang lalaki kasi yan. Hindi naman ako manhid para di mag assume na may something yung pangungulit niya but knowing him na may nobya siya eh isasantabi muna natin itong feelings po opo.
Tsaka baka mamaya hopia naman pala kasi likas na makulit at maligalig yung lalaking yon lalo na sa mga close at kakilala niya. Sa ngayon alamin muna natin ang mga limitations natin. Lalo pa't may nakikita na akong selos sa mga mata no Angel. Baka mamaya mapano pa ako. Mabuti nang aware than nothing mga bakla no!
BINABASA MO ANG
Pa-Charms
RandomAba talaga nga naman! Sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko sa lalaking nag ngangalang Ashton pa na pawang pag papa-pogi at pag papa-cute lang ata ang alam. Crush ko siya pero, Pa-Charms amp. -Denver Tuason Th...