40

139 8 2
                                    

"Ailey! Tara na." napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Clyde.

Nagnod nalang ako at sumunod na sa kanya. Sumakay na kami sa kotse niya at agad naman niyang pinaandar ang sasakyan. I looked away when I saw them again, nag-uusap parin silang dalawa. Clyde also saw them but he just roll his eyes. Nang makalayo na kami sa hotel na tinuluyan namin, dun pa ako nakahinga ng maluwag.

"I know how it suffocate you." bigla pagsalita ni Clyde sa gitna ng katahimikan.

"I'm sorry." yun lang nasabi ko.

"It's okay. It's good to see you again after so many years." I saw at my peripheral vision na ngumiti siya habang sinasabi iyon.

"Yeah. You look different na nga e." sabi ko.

"The same Clyde parin naman ako you met before." pahumble niyang sabi.

Ngumiti lang ako and we went silent. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa haba ng byahe. I texted Hanna na nakauwi na ako. After that, nagpasalamat ako kay Clyde for the free ride pauwi.

"See you again, Ailey. I have to go now, may business trip pa kasi akong aasikasuhin." he said.

"Thanks, Clyde. Ride safe always." sabi ko bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Pumasok na ako sa bahay. Si Dongjo ang unang bumati sakin pagkabukas ko ng pinto. Kinarga ko siya at hinalikan sa ulo niya.

"Laki na ng baby Donjo namin ah." I look around to see kung may tao ba sa baba.

Napalingon ako sa kusina nang may narinig akong tao na nagsasalita. Nakita ko si Inay lumabas ng kusina. Nagulat siya ng makita ako at agad namang lumapit sakin para asikasuhin yung bag na dala ko.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na ngayon ka uuwi? Mabigat ata yang dala mo, akin na at ako nalang mag-aakyat nito sa kwarto mo." sabi niya.

"Ako na Inay. Nasaan na ba si Yesha?" tanong ko sa kanya.

"Andun lang sa kwarto niya. Kumain na kami, ikaw ba kumain kana?" nagnod lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Kakatapos ko lang hugasan yung mga platong pinagkainan namin. At wag kang mag alala, pinaliguan ko na din yang alaga mong pusa na si Dongjo." aniya.

"Salamat, Inay." nagpaalam ako sa kanya na magpapahinga lang ako.

Bukas na agad balik ko sa trabaho. I need to work hard for my family. Nag iipon palang ako ng pera para mabili ko na ang dream car ko. Para di na ako aasa kay Hanna for the free ride. Mahal na ang gasoline ngayon.




Kinaumagahan, bumalik na ako sa trabaho. Some staff saying na mas lalo pa daw akong gumanda dahil lang nagbeach ako. They we're praising me.

"Sana all talaga gumaganda pag nagbebeach no?" Ms. Allison teased me, our supervisor.

"Sa pasko boracay naman tayo, Maam Ali." sabi naman ni Sir George, our managing head.

"Sana nga may 13th bonus tayo nun para naman makapagboracay tayo this year." ani Ms. Allison.

"Naku, Maam sawa na ang Palawan satin lagi lagi nalang tayo dun sa Pasko." tawang sabi ni Ariana, tulad ko ding accountant.

"Correct." pagsang-ayon ni Sir George.

Natapos din ang kanilang usapan at nagsimula na magtrabaho. Mabilis lang lumipas ang oras at uwian na. Hindi ko na kasama si Hanna ngayon dahil nilipat siya sa ibang bank company.

"Uwi kana agad sis?" tanong ni Ariana sakin.

"Oo e, tsaka hindi na ako makakasama sa inyo kumain sa labas." sabi ko na agad naman niyang naintindihan.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon