24

70 13 0
                                    

MATURE CONTENT:

Pagkatapos namin sumakay ng Ferris wheel, umuwi na din kami. Gabi na nga at pareho pa kaming nagugutom. Pero sabi ko sa kanya na sa bahay nalang kami kakain. Nagbihis lang ako at tinulungan lang si Manang maglapag ng plato sa mesa. Nagsimula na din silang kumain, habang kami ni Ate Ruth palihim din kumakain sa kusina. Nagligpit lang ako ng mga platong pinagkainin nila at hinugasan yun bago magshower sa loob ng kwarto ko.

"Ano kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko, nasa kamay ko ang maliit na box na ibinigay ni Sync sakin kanina.

Nagtataka ako kung anong nasa loob nito. Isa ba itong key chain pero sosyalin naman at nilagay pa sa box. O baka naman singsing ito? Papakasalan na ba agad niya ako? Char lang! Baka mamahalin 'to ah, talagang gumastos pa siya para bigyan ako ng regalo. How sweet he is no? Inggit ka? Edi maghanap ka ng jowa!

"Hala." sambit ko at nanlaki agad mata ko.

Shit. Ang sweet naman niya at binigyan pa ako ng moon necklace! Ite-treasure ko talaga 'to at iingatan ng mabuti. Gusto ko nang umiyak kasi siya yung unang tao na nagbigay sakin nito. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga alahas e pero na-appreciate ko talaga yung bigay niya.

Agad ko naman sinuot sa leeg yung kwintas na bigay ni Sync. Ang ganda naman nito! Pero bakit kaya buwan ang pendat ng necklace na ito?

Nakatulog na din ako pagkatuyo ng buhok ko. Maaga akong nagising at nagkape lang since ayoko nga kasing magkanin sa umaga! Char lang, sasabay kasi ako kay Sync ngayon. Kakatamad pa nga bumangon at pumasok e. Bigat ng katawan ko.

"Hey, love? Are you okay?" tanong sakin ni Sync nang makapasok na ako sa kotse niya.

"Okay lang naman ako, love. Nga pala, salamat sa gift mo sakin ah."nakangiting sabi ko.

"I thought you didn't like it but I was wrong." ngumiti lang siya sakin bago magmaneho.

Nakarating na kami sa school at hinatid ako ni Sync hanggang sa labas ng classroom ko. Nagpaalam na din siya agad kasi may pasok pa siya. Umupo ako sa tabi ni Hanna at dinaldal na naman ako ng bruha. Tungkol lang naman sa m.u niya na sobrang labo daw, hindi daw siya sinipot sa date nila kagabi.

"2 hours akong nag-antay sa kanya sa mall. Arghh! I hate him." galit na sabi ni Hanna, may paghampas pa sa arm chair niya.

"Baka may ginawa. Like emergency sa kanila?" pagbigay eksplenasyon ko.

"No. He's living in a condo. Nasa States mga magulang niya at wala din siyang kapatid. Ang sabihin niya, nilandi lang niya ako. Manlolokong yun!" galit na galit usto manakit?

HAHAHAHAHAHAHAHA

"Find another one. Madami namang papable dyan e." pag-suggest ko, tumatawa pa ako habang binibigkas yan.

"Bahala nga siya sa buhay niya. That retard!" inis niyang sabi.

"Ghinost ka ghorl?" natatawang banggit ko.

"Aish. Di ka nakakatulong e!" hinampas niya ng mahina ang braso ko, tumawa lang ako.

"Nakakapanibago lang at ngayon ka lang inayawan?" nakakunot pa noo ko.

"Aish. Ewan ko doon! Binabawi ko nang pogi siya. Panget niya! Manloloko pa!" sigaw ni Hanna, lahat ng kaklase namin napatingin kay Hanna.

"Oh? Anong tinitingin niyo dyan? Na-star struck kayo sa beauty ko?" di na talaga mapreno bibig ng bruhang 'to.

Nagsi-iwasan naman sila ng tingin dahil sa sinabi ni Hanna, nakakasakit sa ulo talaga itong babaeng 'to. Lakas ng trip e. Bangayin ba naman lahat ng tao dito sa campus. Thanks to her confidence for saving her life. Grabe!

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon