19

82 11 0
                                    

MATURE CONTENT:

"Ailey."

Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Jiro. Second day of Valentine's na ngayon at di pwedeng hindi kami pumasok, may attendance parin syempre.

"I was about to give these flowers to you yesterday but you weren't around." inilahad niya sakin ang bouquet ng red roses.

"Thank you, Jiro." pasasalamat ko at tinanggap iyon.

"Where have you been yesterday pala?" tanong niya, napalingon naman ako sa kanya.

Sasabihin ko ba na magkasama kami ni Love ay este ni sir Sync kahapon?

"Kasi...ano may inasikaso lang ako." pagsisinungaling ko, napayuko naman ako sa sinabi ko.

Bakit parang nalulungkot ako? Happy naman ako kahapon ah! Masaya nga kami ni Love kahapon, sobra niya akong pinakilig. Pero nung makita ko si Jiro, nag-iba mood ko. Parang tanga. Inihatid niya ako sa picture booth, nakatayo lang ako habang kaharap siya.

"See you around, Ailey." nakangiti niyang sabi, ginulo niya buhok ko.

"Salamat dito." sabi ko sabay angat nung bulaklak.

"You're welcome." sambit niya bago siya umalis palayo sakin.

Umupo na ako sa pwesto ko at inilapag ang bag at yung bulaklak sa table. Si Jana at Ashlar lang ang nandito nung dumating ako, siguro may date si Hanna kaya wala pa dito. May mga customers na din kami pero konti lang. Puro magjowa, magbestfriend, at m.u/malanding ugnayan.

"AILEY!"

Nakataas ang kilay ko dahil sa tawag ni Hanna sakin. Kahit ang lapit lang namin ay para bang nasa magkabilaang kanto kami. Hingal hingal pa siya habang hawak ang dibdib niya. Binigyan ko siya ng bottle of water at agad din naman niya yung ininom. Umupo siya sa tabi ko at seryosong humarap sakin.

"Hoy, ikaw babae." àniya, nakapamewang.

"May pangalan ako." malamig kong tugon.

"Saan ka nagpunta kahapon? Bigla ka nalang nawala pagkatapos ng kasal niyo ni Sync, don't tell me nag-honeymoon kayo?!" napatakip pa siya ng bibig, kunware gulat.

"Walang honeymoon. Ano ka ba." sabi ko, binibilang ang mga naging kita namin sa booth.

"Walang honeymoon? It means walang s e x ganun?" tanong niya

"Wala." inirapan ko siya, pinag-iisip nito.

"Bakit wala? Sayang." sabi niya, nadismaya kunware.

Pinag-iisip nito? Yan ang epekto ng porno sa kanya, kakasimula palang namin tapos ganun nalang agad? Masyado naman siguro straightforward 'tong si Hanna no?! I'm still young. Maybe I would spend my life and virginity to the one I really loved, my soon-to-be-Husband. Not this time, sobrang maaga pa para doon. Baka nga di kami ang magkatuluyan ni Sync e, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin in the future.

"May ka-date ako kahapon, sis." pagke-kwento niya.

"Sino?" tanong ko habang nagbibilang parin ng barya.

"Yung taga Mass Com..."

"Sinong may paki?" sabi ko, naka-poker face pa.

Hinampas niya ako sa braso kaya napa-Aray ako. Ang lakas nun ah! Pag siya makapalo sakin, wala lang sa kanya. Pag ako naman syempre wala siyang angal. HAHAHAHAHAHAHAHA ganyan kami e!

"Nakakainis ka e no." sambit niya, nagkabit-balikat pang inirapan ako.

Tumawa lang ako habang sinulat sa notebook ang total amount ng kita namin sa booth. Yung pera ibinigay ko na kay Ashlar, siya na bahala magbigay sa Treasurer ng Organization namin. Inasikaso ni Hanna ang mga magjowang magpapa-picture.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon