14

102 12 0
                                    

"Ailey."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita si sir Jiro na nakatayo sa may puno. Papunta kasi akong library ngayon para humiram na naman ng mga libro. Lumapit siya sakin at huminto sa kinatatayuan ko. Ngumiti siya at ngumiti din ako pabalik.

"Hihiram ka na naman ng libro?" tanong niya sakin.

"Yes po sir." sabi ko at tumango pa.

"Call me Jiro not sir." sabi niya at binigyan ako nang masayang ngiti.

"Hindi lang po ako sanay sir." sabi ko at yumuko.

Nagulat ako nang hawakan niya baba ko at inangat pantay sa mukha niya. Sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha niya, napakurap pa ako ng tatlong beses dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan 'to! Puro nalang surprises ang nangyayari sa araw kong 'to!

"Ako lang 'to, Ailey. Kung sa bahay amo mo ako. But here in school, just call me by my name." tumango naman ako agad sa sinabi niya.

"Pasensya na po, J-jiro." utal-utal kong banggit sa pangalan niya.

"Let's go?" hinawakan niya kamay ko at walang pasabing hinila ako papasok sa library.

Binitawan niya kamay ko nang makapasok na kami. Huminga ako ng malalim nang maglakad na ako sa right side ng library habang siya naman sinusundan lang ako. Pumunta ako sa Science and Humanities section, ang daming librong pagpipilian pero yung mga gusto ko lang naman basahin ang hihiramin ko.

"You should read this, Ailey." ipinakita niya sa'kin ang libro ni Isaac Newtoon.

"Nabasa ko na po yan Si... Jiro." tumango naman siya at naghanap pa nang ibang libro.

Nang matapos na akong makahiram ng libro, tumambay muna kami ni sir Jiro sa park. Maraming mga estudyanteng nakatingin sa'min pero parang walang pakialam lang 'tong katabi ko. Nagkwentuhan lang kami about sa mga past life namin. Past life? Ano 'to reincarnation lang namin? Second life? Char lang! Hindi, nagkwentuhan lang kami about sa mga magulang namin ganun!

"So, bakit po kayo nagkakasama sa iisang bahay?" tanong ko at nakatingin lang siya sa malayo.

"We...have a deal with our parents." sagot niya at bumuntong-hininga.

"Sabi sakin ni Manang, marami nang mga yaya ang sinipa niyo dahil sa kasupladuhan niyo." sabi ko at pinagmamasdan lang ang mga estudyanteng naglalakad.

"Oh. Hindi naman sa literal na sinipa ah, ang ibig sabihin nun ay pinaalis. We aren't that bad." mahinahong sabi niya, napalingon naman ako sa kanya.

"Yeah. Hindi naman kayo masama." sambit ko.

"Our parents want us to be independent. All of us already owned a business." sabi niya, namangha naman ako.

Grabi?! College palang sila pero may mga negosyo na silang lahat?! Ako nga hindi pa sure kung makakapagtrabaho ba ako pagkatapos ko sa kolehiyo e! Baka mahirapan pa ako sa paghahanap ng trabaho baka ending nun maging asawa nalang ng tambay. Tambay na nga ako, tambay pa asawa ko! Ending nun, kapos na kapos sa palad.

"Angas naman pala sir Jiro." sabi ko at namangha parin sa sinabi niya kanina.

"How about you?" napalingon siya sakin at tinitigan ako.

"Ako? Wala... Gusto ko lang makapagtapos sa pag-aaral. Makapaghanap ng maayos na trabaho." sagot ko at ningitian siya.

"I'll hired you after finishing college." aniya kaya napatitig tuloy ako sa kanya. Straight to the eye.

"Talaga sir?" namanghang naman ako, kahit di pa sure at least diba sinabihan na niya ako.

"Yeah. Head Accounting Manager. Soon." sabi niya.

"Totoo po ba yan sir? Baka naman budol yan ah!" sabi ko at nagkabit-balikat pa.

"It's true. Mga 4 years from now." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Pinky swear ka muna sir." sabi ko at nilahad ang hinliliit kong daliri.

"I promise." nagpinky swear kami at sobrang saya ko dahil sa sinabi niya.

Sabay na sana kaming uuwi ni sir Jiro pero naalala kong sabay din pala kami ni sir Sync. So sino pipiliin ko?....

Mahal ko?

O?

Mahal ako?

CHAAAAAAAAR LANG! GAGO 'TO! Ang kapal naman ng mukha ko pag-ganun. Haba ng hair ko parang Rapunzel lang ampota. Pero sa huli, kay sir Sync parin bagsak ko.

"Ambagal mo." reklamo niya ng makarating na ako sa parking lot na humihingal pa ako dahil tinakbo ko mula sa park hanggang dito.

"May tubig...ka ba?" hingal kong tanong sa kanya.

"Here, love." inismiran ko lang siya at kinuha ang tubig sa kamay niya.

"Why did you run? May humahabol ba sayo bukod sa'kin?" naibuga ko naman yung tubig na iniinom ko.

Hilig talaga niyang manggulat e no. May lahi ba siyang multo? Momo? A hot vampire?

'Why did you run? May humahabol ba sayo bukod sa'kin?'

'Why did you run? May humahabol ba sayo bukod sa'kin?'

Ah shit. Bakit ganun? Bakit umuulit sa utak ko yung sinabi niya ngayon? At bakit kinikilig ako? No. No. No. This can't be.

"Hey. I'm talking to you." inirapan ko nalang siya at nauna nang sumakay sa kotse.

Pumasok na din siya at nagsimula ng magmaneho. Tahimik lang kami sa byahe at para bang awkward talaga ang atmosphere namin ngayon. Feel ko lang ah. Galit ba siya?

"Hoy." tawag ko.

Hindi niya ako pinansin. Patuloy parin siya sa pagmamaneho, ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Kinalabit ko pa siya dahil hindi niya parin ako pinapansin. Hanggang sa makarating na kami sa mansyon, kahit sa pagpasok namin sa mansyon hindi niya parin ako kinikibo. Kanina sobrang clingy niya tapos ngayon tatahimik siya. Aish.

"Ewan." bulong ko at pumasok nalang sa kwarto ko.

Nagbihis nalang ako at tinulungan si Manang maghanda nang hapunan. Isa isa ko na silang tinawag para kumain na nang hapunan. Nakatatlong katok na ako sa pinto ng kwarto ni sir Sync pero wala parin.

Hindi parin niya binubuksan. Napahawak tuloy ako sa doorknob at gulat ako dahil hindi pala ito naka-lock. Binuksan ko ito konti at sumilip sa loob. Wala akong nakitang Sync kaya nilakihan ko na ng bukas ang pinto. May narinig akong kaluskos sa cr kaya siguro di niya ako marinig dahil naliligo pala siya.

"Uhm. Sir Sync dinner time na po. Pumasok na po ako dahil hindi niyo po ata narinig ang tatlong katok ko sa pinto niyo po." mahinahong sabi ko at narinig ko ang pagpihit ng pinto sa cr.

Bumukas ang pinto ng cr at nagulat ako ng wala man lang towel na nakabalot sa katawan niya.

"Shit." tarantang sambit niya.

Tinakpan ko ng kamay ang mga mata ko saka ako tumalikod. Shit, ang laki nang ano niya! Does this mean hindi na virgin mata ko? My god! It's so hot in here. I'm freaking out!!!

"What are you doing here? Sinisilipan mo ba ako?" tanong niya at rinig ko ang footsteps niya.

Marahil ay naglalakad siya palapit sakin. O baka naman nagbibihis na siya. Kung bakit naman kasi nakahubad siyang naliligo? Malay ko bang hindi ganun ang masasaksihan ko?

"D-dinner time na po kasi sir. Hindi niyo naman ata narinig katok ko kaya pumasok na ako nang mahawakan kong hindi naka-lock pinto ng kwarto niyo." pagpapaliwanag ko.

"Chansing ka lang." napaharap naman ako sa kanya para sana bigyan siya ng matalim na tingin.

"In your dreams." sabi ko at lumabas na sa kwarto niya.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon