26

85 12 6
                                    

"Hey, did I say something wrong? Why are you ignoring me?"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingunan si Sync na nakatayo lang sa likod ko. Kanina pa niya kasi ako sinusundan e. Kanina pa din niya ako kinukulit. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang bewang ko. Aish, isang ngiti niya lang nanlalambot na tuhod ko. Kahit simpleng paghawak niya lang sa bewang ko, nagwawala na paru-paro ko sa tyan. Bakit ba siya ganyan ha?

Lagi nalang niya ako pinapakilig e.

"I'm sorry, love. I didn't meant to say those words to you. Can you forgive me?" sabi niya at tinititigan ang aking mga mata, nag-pout pa siya kaya ang cute niya tuloy tignan.

Shit. My heart beat so fast.

"Oo na. Di naman kasi ako galit sayo. Tara na nga." hinila ko na yung kamay niya at naglakad na papuntang parking lot.

"May nakalimutan ako." bigla siyang huminto kaya napahinto na din ako.

Humarap ako sa kanya nang nakakunot ang noo. Nasa hallway palang kami at ang dami nang mga estudyanteng nagsisitinginan samin. Yung iba hindi lang tingin kundi pinagchi-chismisan pa kami. Ang lakas ba naman ng boses e. Maririnig talaga namin yun. Pero wala naman akong pakialam eh as long as wala akong maling ginawa, hahayaan ko lang silang mamatay sa inggit dyan.

"Ano pala nakalimutan mo?" tanong ko, nagkabit-balikat pa.

"My kiss." nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako sa lips, napakurap pa ako ng dalawang beses.

It was a smack kiss. Pero nakaramdam ako ng hiya kasi ang daming tao at nandito pa kami sa hallway. Ayan na naman sila at nagbubulungan. Ang sama ng tingin nila at parang ipapakulam nila ako.

"Tara na." hinawakan niya kamay ko at ngumiti lang siya sakin.

Nagpaanod nalang din ako sa paghila niya sakin at nang makarating na kami sa kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot sa driver's seat. Ayan na naman siya at seryosong nagmamaneho. Sabi niya kasi may pupuntahan kami pero hindi niya sinabi kung saan. It's March 14 at ngayon ang 1st monthsary namin. Hindi ko pa siya nababati kasi ano... Nahihiya ako e, may regalo kasi ako sa kanya pero hindi naman ganun kabongga. Wala pa kasi akong sahod kaya wala akong pera ngayon.

"We're here."

Napalingon ako sa labas at nagtataka ako kung bakit kami andito sa Virgin Beach Resort in Batangas. Paano ko nalaman? Kasi nakita ko yung sign board pagkapasok namin. Duh.

"Anong gagawin natin dito?" okay, non sense ata tanong ko e.

"Kakain ng buhangin?" pilosopong sabi niya.

Aba!

"Aish." napairap pa ako.

Pilosopohan ba naman ako?!

"Charot lang, love."

Ang cute niya talaga mag-Tagalog. Lalo na pag sabihin niya yung 'charot' o 'char'. Para kasi siyang bakla e. Pero hot na bakla, ganun ba. Si Hanna kasi pag nagsasabi nang ganyan mukhang tanga lang pero pag si Sync, ang cute niya. Aish.

"Let's go."

Nauna na siyang lumabas sa kotse at sumunod na din ako. Tumakbo pa talaga ako para habulin siya, nauna na kasi siyang maglakad sakin e habang ako nasa likod lang niya. Konti lang yung mga tao sa resort pero ang nakikita ko ay halos mga babaeng nakatingin kay Sync. Tss. Ngayon lang ba sila nakakita ng maskuladong lalaki ha? At kailangan bang maglaway sila?

Nauntog ako sa likod ni Sync ng bigla siyang huminto. "Ang bagal mo."

Napanguso nalang ako habang nakabuntot sa kanya. Bat ang moody niya ha?! Ang sungit niya ngayon e.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon