20

86 9 0
                                    

"Ate Ailey, kain na po."

Bumangon ako sa pagkakahiga ng magsalita si Yesha sa labas ng kwarto ko. Inayos ko buhok ko bago lumabas ng kwarto. Day off ko ngayon kaya andito ako sa bahay. Bukod sa tumulong maglinis dito sa bahay ay tulog lang ang ginagawa ko.

"Umupo kana para kumain na tayo." sabi ni Inay habang naglapag ng plato sa mesa.

"Inay, may bayarin po kami sa school." ani ni Yesha, tumingin ako sa kanya.

"Wala pa akong sahod, Sha." tugon naman ni Inay nang makaupo na.

"Ako na magbabayad, Inay. Nakuha ko na ang sahod ko sa linggong 'to. Magkano ba yun, Yesha?" sabi ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko.

"Hindi ko alam, Ate. Sabi ni Ma'am Reyes papapuntahin nalang daw ang nanay para sila na magbayad." sagot niya, tumango nalang ako.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami at walang nagsasalita, tunog lang ng kutsara at plato ang maririnig mo. Pagkatapos naming kumain, niligpit ko na yung mga plato na pinagkainan namin at ako na ang naghugas. Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na ako para kunin ang pera na sinahod ko sa buong linggong ito, pagkababa ko naabutan ko si Inay na nakaupo sa sofa. Binigay ko sa kanya yung pera, siya na ang magbabayad since di naman ako yung nanay.

"Salamat dito, Ailey anak." ningitian ko lang si Inay.

"Walang anuman, Inay."

Umakyat ulit ako sa kwarto ko para maglinis at ayusin ang mga gamit ko. Bandang hapon na nang matapos ako, tinawag pa ako ni Yesha para tulungan siya sa assignment niya. Diba bawal magpa-home work ang mga teacher ngayon? May batas na tungkol doon e, I'm not sure ha if totoo yun, nabalitaan ko lang sa tv.

"Ate, ang hirap naman n'yan." reklamo niya, napakamot pa siya ng ulo.

"Madali lang yan kung intindihin mo ng mabuti." sabi ko at nagsulat ng example para sagutan niya.

"Hindi naman kasi ako magaling sa Mathematika, Ate e." nakanguso niyang sambit.

"Hindi din naman ako magaling sa Mathematika dati, Shasha. Nagsikap lang ako para matuto." nakangiting sabi ko.

Dati nung elementary grade pa ako, ayoko talaga ng Mathematics kasi nabubuang ako. Puro mga equations at solutions, sinabihan ko nga Math Teacher ko dati kung sino ba nagpauso ng ganyan kasi pinapahirap niya lang ang mga tao. Nagalit lang naman yung Math teacher ko sakin.

'Hindi mo maiintindihan ang Math kung hindi mo sisikaping matuto.' - (Mrs. Alvarez, 2009)

Ayun, tama naman siya. Nasa tao lang din talaga yan kung may sikap ba silang matuto. Pagkatapos akong sabihan ni Mrs. Alvarez nun, puno ng determinasyon akong nagpaturo at nakinig sa kanya. Nagustuhan ko din ang math after kong matuto.

"Paano 'to, Ate? Tama ba 'to?" pinakita niya sakin ang sinagutan niya.

"Nakukuha mo na pala e. Tama yan, hanapin mo lang ang x." sabi ko, tinuruan ko siya kung paano kunin ang x gamit ang given formula.

Agad din niyang nakuha ang sagot. After ng pagtuturo ko sa kanya, nagsaing na ako at nagluto ng ulam para sa hapunan namin. Wala si Inay dahil nasa palengke siya, binantayan yung tindahan ni Titay Anna. Uuwi na din yun mamayang 7.

"Ate!" sigaw ni Yesha sa sala.

"Bakit?!" sigaw ko din mula dito sa kusina.

"May bisita ka!" sigaw niya.

"Bakit mo ba ako sinisigawan ha?!" sigaw ko at naglakad papunta sa sala.

"May pogi kang bisita!" sigaw niya parin.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon