11

116 12 0
                                    

"Ano? Uuwi ka ba sa inyo?"

Naglalakad kami ni Hanna papuntang soccer field ngayon since wala na kaming klase at maaga pa para umuwi. May mga hawak kaming libro at napagtripan namin ni Hanna tumambay sa field para magbasa.

"Sa linggo na kasi day off ko." sagot ko.

"Alam mo ba nagtatanong sakin si Ray kung bakit hindi kana daw niya nakikita sa bahay niyo." kwento sakin ni Hanna nang makaupo na kami sa damo.

"Pa." ikli kong sagot.

"Anong pa?" kumunot naman noo niya.

"Paki ko." hinampas niya ako sa braso pero mahina lang naman.

"Bwiset ka." sambit niya saka ako inismiran.

"Bakit niya ako hinahanap?" tanong ko at nilapag ang mga libro sa legs ko.

"Ewan. May gusto ata sa'yo yun e." sabi niya at lumingon sakin.

"Ma."

"Huh? Anong ma?"

"Malay ko ba." hinampas niya ulit ako sa braso.

"Yan ba natutunan mo sa mga amo mo?" taas kilay niyang tanong at nagkabit-balikat pa.

"Hin."

"Hin?"nakataas parin kilay niya sakin.

"Hindi mo sure." sabi ko at nagsimula nang magbasa.

"Paepal. Teka nga! Bat ba ganyan ugali mo now? Niregla ka ghorl?" inis niyang saad.

"Wa."

"Oh ano na naman?" inirapan niya ako.

"Wala naman."

"Kakainis ka ah! Ipakain ko sayo 'tong libro na hawak ko e." sabi niya sabay angat nung mga librong hawak niya.

"Si."

"Si ano?"

"Sige lang. Go lang." napatayo siya nang sinabi ko yun.

Nagmamaktol na siya dahil sa inis kaya tumawa ako at umupo ulit sa tabi ko. Nakatingin siya sa malayo habang ako ay nagbabasa. Hindi ko alam kung bakit ganito ugali ko ngayon. Parang tanga lang e no?

"Shit, ang pogi talaga ni Rain." aniya kaya napatingin din ako sa lalaking tinutukoy niya.

"I think we're destined talaga. Akalain mo yun, nakikita ko lagi siya dito sa field." sabi niya at titig na titig lang kay sir Rain.

"Ma." napalingon siya sakin na nakataas ang kilay.

"Malay mo ba?" tanong niya.

"Mangarap ka lang, sis." sambit ko at sinipa niya ako sa paa.

"I hate you!" inirapan niya lang ako kaya tumawa ako nang malakas nang malakas nang malakas. Over lang teh? Syempre tumawa lang ako hindi naman over.

"Okay lang naman kasi mangarap teh." sabi ko at binuklas ang sunod na pahina sa libro na binabasa ko.

"MISSSSSSSSS WATCHHH OUTTT!" napalingon ako sa sumigaw at nakita kong may bolang papalapit sa pwesto namin.

Nagulat nalang ako dahil nakahiga na si Hanna. Wala na siyang malay kaya bigla akong lumapit sa kanya at niyuyugyog siya. Lumapit na din sa'min yung mga lalaking naglalaro kasama na doon si sir Rain. Gulat din siya nang makita niya ako.

"Is she okay?" tanong sa'kin ng isang lalaki.

"Bring her to the clinic now!" natataranta ako kaya sumigaw na talaga ako.

Agad naman silang nagsikilos at binuhat si Hanna nung lalaking sumigaw kanina. Niligpit ko ang mga libro at nilagay sa bag ko. Ako na din ang nagdala ng bag ni Hanna. Tahimik lang si sir Rain habang ako nag-alala na dahil nawalan ng malay si Hanna.

"I'm sorry about your friend. We didn't expected that to be happen." sambit sakin ni sir Rain.

Nasa labas kami nang clinic ngayon. Hindi kasi kami makapasok dahil chini-check pa siya ng Doctor. Sobrang bilis kasi nang pangyayari kaya nagulat nalang ako na tumba na pala si Hanna. Malay ko bang hindi tatama sa kanya o sakin yung bola?

"Okay lang po sir. Hindi niyo naman ginusto ang nangyari." nakasandal lang ako sa pader.

"I felt sorry for her, Miss Ailey." napalingon ako sa lalaking sumigaw kanina.

"Paano mo nalaman pangalan ko?" taray kong tanong.

"Your I.D." ikli niyang sagot at napatango naman ako.

"Kayo nalang mag-sorry sa kanya kapag nagising na siya." sabi ko at ningitian siya.

Tumango naman siya at tinanong niya kung anong pangalan ni Hanna at kung anong year na or anong kurso ang kinuha. Umalis na din sila nung nalaman namin na okay lang si Hanna. Wala namang nagalaw na ano sa utak niya. Kasi doon talaga siya natamaan ng bola. Gago e, sapol na sapol.

Tinawagan ko ang kuya ni Hanna para sabihin na sunduin nalang siya dito kasi nahihilo pa siya at di niya pa kayang maglakad. Nang makaalis na yung sasakyan nila ay nagsimula na din akong maglakad pauwi sa mansyon.

"AY GWAPO!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"I know." nakapamulsa niyang sabi, angas niya dyan.

"Bat bigla ka nalang nanggugulat ha?!" lumayo ako ng konti nang lumapit siya sakin.

"Busy ka kasi sa pag-iisip sakin." kumunot naman noo ko sa sinabi niya.

"May isip ka din pala." ngayon napataas na kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Alam mo para kang Ti." sabi ko at inirapan siya.

"What Ti?" nagtataka naman siya kung ano yung Ti?

"Timang ka." sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.

Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang sinabi niya kaninang umaga. Gago talaga siya e no?! Joke ba yun o trip niya lang talaga akong asarin?!

"Hey." tawag niya ba ako?

Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinapansin, bahala siya dyan. Mapudpod sana dila niya kakatawag sakin ng 'HEY'.

"Woman I liked." napahinto ako at inis na lumingon sa kanya.

"Hindi ikaw ang tinatawag ko." seryoso niyang sabi.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. So hindi pala ako yung tinawag niya? Assuming kasi ako kaya ako huminto. Malay ko ba na hindi ako yun? Bwiset siya! Inis akong umirap sa kanya at naglakad nalang ulit.

"Hey you with cute chubby cheeks. I like you!" sigaw niya.

This time hindi na ako huminto, baka kasi hindi na naman ako yun at sabihan niya pa akong assuming at feelers. Nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko. Seryoso akong napatitig sa mukha niya. Ang ganda ng mata niya, brown na brown. Sana all.

"You are my CCC." sabi niya at ngumiti sakin.

"CCC?" gulong tanong ko.

"Cute Chubby Cheeks." sabi niya at kinindatan ako.

Lab dab lab dab >//////////////<

Nagtatalbugan na naman mga bulate ko sa tyan. Bumilis na naman tibok nang puso ko. This time parang kapos na ako sa hangin, nakalimutan ko atang huminga. Totoo ba 'to?

"I make you blush. You're cute when your cheeks are red." napahawak naman ako sa pisngi ko.

Umiwas ako nang tingin kasi feel ko din talaga pulang pula na pisngi ko. Nakakainis siya! Bakit niya ba ako ginaganito? Totoo ba yung mga sinasabi niya? Ayokong magtanong about dyan baka sabihin niya na joke lang yun at nag-assume ako na totoo yun. Nakakainis siya!

"Let's go home na, CCC." hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon