15

100 11 0
                                    

"Hoy! Tulala ka dyan? Nyare sayo sis?"

Natauhan ako nang sikuhin ako ni Hanna sa balikat. Napalingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Ano nga ba yung sinabi niya? Teka, may sinabi ba siya? Hindi ko narinig e! Bwiset kasi 'tong Sync na 'to! Hindi niya ako pinatulog kagabi, lutang tuloy ako pagpasok ko.

"Ailey!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Hinampas ko si Hanna sa braso para gantihan siya. Gago e! Manggugulat ba naman.

"Nyare sayo ba? Kanina pa ako daldal dito sayo tapos di ka naman nakikinig." sabi niya at inirapan ako.

"Sorry naman. Masama lang talaga gising ko." bumuntong-hininga ako bago naglakad ulit.

Papunta kami sa organization na sinalihan namin ni Hanna. May meeting daw para sa darating na Valentine's day. Kami kasi yung ina-assign sa pag-gawa ng mga booths.

"Masama naman lagi gising mo." pagbara niya at inirapan ako.

Napailing nalang ako. Pano ko ba 'to sasabihin sa kanya lahat lahat ng nangyayari sa mansyon? Hayaan ko na nga lang na hindi niya malaman, nakakahiya naman kasi e! May tiwala ako kay Hanna pero may mga sekreto talaga na hindi naman kailangan sabihin nang detalyado diba?

"This Friday na ang Valentine's day. Since tayo ang naka-assign, may mga ibibigay akong tasks sa inyo. Lahat tayo kikilos, walang tatamad-tamad ah. Rina and I, check your attendance this Friday. Walang aabsent ah! I'll get mad!" sabi ni President Iu.

"Sa isang group kailangan ng apat at limang members. Since marami tayo, magkakaroon tayo ng 12 groups. So, 12 booths din dapat ha!" sabi ng sekretarya namin.

"Bukas na tayo gagawa ng mga booths. February 14-15 ang mismong Valentine's day, Ms. Hara approved na 2 days ang Valentines." sabi ng Vice President namin.

"Yessss!"

"Ayooowwwwn!"

"This year must be fun for me. Dahil dalawang araw ang Valentines." bulong sakin ni Hanna na tuwang tuwa pa.

"Bukas ko na sasabihin kung sino-sino kagrupo niyo." sabi ng Presidente namin.

"Meeting adjourned." dagdag niya.

Lumabas na kami at naglakad na kami ni Hanna papuntang cafeteria. Lunch break na at sobrang nagugutom na ako. Kape lang ang agahan ko kaninang umaga. Maaga din akong umalis sa bahay para hindi ko makasabay yung manyakis na hot nayun! Hala?

"Dalawang burger po, dalawang serve ng menudo at kanin. Tubig din po, ate!" si Hanna na ang nag-order para samin.

Agad din naman kami nakahanap ng vacant table. Tahimik lang kaming kumakain lalo na pag gutom talaga kami. After naming kumain, tumambay muna kami at nagkwentuhan.

"Kayo na naman!" sabay kaming napalingon ni Hanna.

Tumaas ang kilay ko dahil mukhang masisira na naman mood ko dahil sa taeng 'to. Ano na naman ba gusto nila? Away? Eh mga pikon lang naman sa huli.

"Oh, come on. Valentines na nga mga panget parin kayo." sabi ni Kim at tumatawa kasama alipores niya.

"Oh, come on! Araw na nga nang mga puso, wala parin kayong mga suso." pag-gaya ni Hanna.

Napatakip naman ako ng bibig at pinigilan ang pagtawa. Nakita ko ang pagkagulat sa reaksyon ni Kim at mga alipores niya. Napahawak pa sila sa mga suso nila at inis na humarap samin.

"How dare you! It doesn't matter anymore. I'm pretty, not like the both of you na mga panget." sabi niya at nagkabit-balikat pang inirapan kami.

"Mas okay ng panget pero may malaking hinaharap kesa sa walang suso at walang ibang ginagawa kundi maghanap ng away. Eww! Disgusting right?" maarteng sabi ni Hanna, nag-apir pa kami.

"You bitch! Watch your words!" inis niyang sabi.

"How can I watch my words kung sinasabi ko lang naman? Duh! Aral ka nga ng mabuti, bitch." wag niyong galitin yang si Hanna, wild yan.

"Argggghh! You freaking my ass out! You weirdos!" sabi niya at binigyan kami ng matalim na tingin.

Ow! Hindi kami natatakot no! Wala naman magagawa yang matalim mong tingin kung sasabunutan ka namin ngayon.

"May pwet ka pala?" gulat na tanong ni Hanna, umaarte pang gulat talaga at napahawak sa bibig niya.

Tatawa na sana ako nang magsalita si Kim.

"Yes. Meron akong pwet. Wala ba kayo?" taas noong sambit ni Kim.

"Alangan naman wala. Duh, pano kami tatae. Inodoro nga namin mukha mo e." this time tumawa na talaga ako, solid talaga 'tong si Hanna mambara e.

Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan 'to e! Hilig niyang mambara pag nasa mood siya, wag lang talaga galitin. Mas masahol pa yan sa iro niyo, guys!

"Ang ganda pala ng inodoro niyo kung ganun." nakangiting sabi ni Kim, nagkapamewang pa.

"Hindi naman maganda. Full of germs, bacteria, fungi at virus kasi inodoro namin e." sabi ni Hanna at kunware pang malungkot.

"I hate you! How can you say those words to me?!" pikon niyang sabi.

"Nilalabas sa bibig, boba." napairap naman si Hanna doon.

Oo nga naman. Tama nga naman na lumalabas sa bibig ang mga salita. Diba? Aish. Ewan ko naboboba na ako sa gulong 'to.
Ang dami nang estudyanteng nanuod samin. Nakakahiya na baka ma-guidance pa kami nito.

"Umalis na nga kayo. Mapipikon lang kayo pag pinatulan ko pa kayo! Alis na, nandidilim na paningin ko sa mga mukha niyo. Alis!" utos ni Hanna, pinamasahe ang ulo niya.

"You weirdos!" sigaw ni Kim bago naglakad paalis kasama alipores niya.

Napahawak nalang ako sa ulo ko at huminga ng malalim bago kinuha ang bag ko at tumayo na. Sumunod naman sakin si Hanna at sabay kaming lumabas ng cafeteria.

"See you nalang maya, sissy! May klase na ako." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Naglakad na palayo sakin si Hanna, ako naman naglalakad papuntang park. Since mayang 1 pa ulit pasok ko. Tambay muna ako doon to freshin' my mind.

"Ay pota!" napatalon ako sa gulat.

Hawak hawak ko pa dibdib ko nang lingunin ko yung taong nang-gulat sakin. Takte! Araw araw nalang may surprises e. Baka magka-heart attack ako nito.

"Why are you alone?" inirapan ko lang siya.

Iniiwasan ko siya, remember? Nakakainis kasi siya e, siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos. Bwiset na katawan yan!

"Hey." tawag niya.

"Love?"

Hinawakan niya kamay ko at hinila palapit sa kanya. Kaya ang ending, napahawak ako sa nagtitigasan niyang dibdib. Napakagat-labi ako at pinipigilan ang sariling wag kiligin.

"Iniiwasan mo ba ako, love?" malamig niya tanong.

"Love love mo mukha mo." sabi ko sabay bawi ng kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ano ba gusto mong endearment natin?" tanong niya na nakataas ang kilay.

"Wala. Kasi wala namang tayo." sabi ko at pilit binabawi yung kamay ko.

"Hindi ko alam na naghihintay ka pala na maging tayo?" nakangisi niyang sabi, titig na titig pa siya sa mata ko.

"H-huh? A-ano ba yang pinagsasabi mo?" nauutal ako shit.

Yumuko siya ng konti para magkapantay mukha namin. Nakakainis yung ngiti niyang nang-aasar. Sobrang lapit ng mukha niya sakin. Shit, ang pogi niya sa malapitan!

"Oh, come on. I know you like me too." bulong niya sa tenga ko.

Nakaramdam ako ng lukso ng dugo. Ano 'to tatay and daughter tandem? Joke lang! Kinilig tuloy ako.

Am I liking him too?

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon