06

140 12 0
                                    

Habang nasa kotse kami, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa seryoso niyang mukha. Kay gandang lalaki, perpektong ilong, makapal na kilay, nag-iigting mga panga, labi na kay pula. Napailing nalang ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Tinuon ko na lamang sa labas ang atensyon ko.
Nauna na akong lumabas sa kanya kasi ipapark niya pa kotse niya sa garahe. Nagpasalamat ako sa kanya at naunang pumasok sa bahay. Nagbihis na ako bago tulungan si Manang Russell magluto.

"Manang, may mga day off po ba kayo?" tanong ko habang hinihiwa ang sibuyas.

"Linggo day off ko at si Ruth naman ay Sabado." sagot niya.

Tumango na lang ako at tinapos na ang paghihiwa ng sibuyas. Pagkatapos namin magluto, inihain na namin yung mga iniluto namin. Katulad kaninang umaga, tahimik lang din silang kumakain. Napapansin ko pang palihim lumilingon sakin si sir Jiro pero pinagsawalang bahala ko nalang yun.

Nang matapos na silang kumain, niligpit na agad namin yung mga platong pinagkainan nila. Habang naghuhugas ako, todo kwento naman 'tong si Ate Ruth niyo. Tungkol lang naman sa kabataan niya, may minahal daw siya pero hindi naging sila kasi mayaman daw yung lalaki. Basta ganun kwento niya, di ko na inintindi yung iba pa niyang kwento.

"Sir tawag niyo daw po ako?" tanong ko pagkapasok ko sa kwarto ni sir Sync.

"Yes, take a sit." medyo kinabahan naman ako sa boses niyang kalmado.

"May iuutos po ba kayo sir?" mahinahon kong tanong.

"No." sagot niya.

Ang gulo naman kausap nito.
Napakamot naman ako sa ulo. Ano pala gagawin ko dito? Tutunganga lang habang nagcocomputer siya? Papanuorin siya na naglalaro sa computer? Ice-cheer siya habang tinatalo mga kalaro niya?

"Bakit niyo po pala ako pinatawag?" kalmadong tanong ko.

"Arrange all my clothes and shoes in my walk-in-closet." malamig niyang sabi.

Tumango lang ako at nagtungo na sa walk in closet niya. Shit, ang daming sapatos na meron siya. Puro mga gucci, jordan's, fila, nike, converse at iba pa. Inuna kong ayusin mga damit niya at sinunod ko naman iarrange mga sapatos niya. Kinailangan ko pang gumamit ng upuan para maabot yung mga nasa mataas. Hindi naman kasi ako mala-model ang height, ako ay ordinaryong babae lamang.

Habang inaabot ko yung isang pares ng sapatos ay biglang na out of balanace ang upuan na pinatungan ko kaya napapikit nalang ako kasi alam kong mahuhulog ata ako nito sa sahig pero...

"Shit."

May naramdaman akong malambot sa labi ko kaya napadilat ako sa gulat nang makita ko mukha ni sir Sync, nasa ibabaw niya ako. Nagmadali akong umalis sa pagkakapatong sa kanya at umubo pa ako. Pero nakita kong ngumisi lang siya kaya napaiwas ako ng tingin.

Ang init.

Ang init ng mukha ko.

Yung first kiss ko wala na. Hindi na ba virgin lips ko nito? Shit.
Nahihiya ako sa ginawa ko, sana lamunin na ako ng lupa ngayon. Iniisip siguro nito na gusto ko siya. Iniisip niya siguro na ginusto ko mangyari yun. Ay putek naman oh!

Minadali ko nalang ayusin ang mga sapatos niya at nagmadaling lumabas ng kwarto niya. Huminga ako ng malalim nang makalabas na ako. Napahawak ako sa labi ko. Shit, that's hot. Pagkababa ko nang hagdan nakita kong nakaupo mag-isa si sir Jiro sa living room, napatingin pa siya sakin ng makababa na'ko. Tumayo siya at naglakad papunta sa'kin, hawak hawak niya yung libro nang History na pinag-agawan namin nung nakaraan sa library.

"Here. Tapos ko na basahin yan." sabi niya sabay abot nung libro at umakyat na nang hagdan.

Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang mawala na siya sa paningin ko. Napatingin ako sa hawak kong libro. So ako magsasauli nito sa library? Obligasyon ko pa tuloy magsauli nito.

Aish.

Naglakad nalang ako papunta sa garden. Ayoko pang matulog, kailangan ko muna ng hangin kasi nakalimutan kong huminga pagkatapos nung nakakahiyang pangyayari kanina. Kainis ka Sync! Ninakaw mo first kiss ko!

"Nigga?" napalingon ako kay sir Clyde.

Napataas naman kilay ko dahil sa tinawag niya sa'kin. Sarap niya itapon sa Pasig river, sis. Mukhang bibig niya sa'king nigga na yan! Nakakainis e.

"Anong meron sa inyo ni Jiro?" napakunot noo akong lumingon sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko na nakataas padin ang kilay niya. Anong sinasabi niyang anong meron sa'min ni Jiro? Wala naman ah? Bakit niya tinatanong yun? There's nothing between me and sir Jiro. Char?

"Wala naman. Bakit niyo po natanong?" nakakunot parin noo ko.

"There's something between you and him." napatingin ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa malayo.

"Wala po sir. Amo ko po siya katulad niyo." mahinahong sagot ko habang nakatingin sa langit.

"Well, you're not worthy to be with." inaasar niya ba ako o iniinsulto niya pagkatao ko?

Unang una, sinabihan niya ako nang nigga at ngayon kung makasabi siyang ganyan, kilala na niya 'ko? Judgemental masyado! Oo pogi siya pero pang impyerno ugali niya pagnamatay siya! Cursed him.

"Okay." sagot ko.

"Tapos kana ba insultuhin ako? Kung ganun alis na po ako." pekeng ngiti ang binigay ko sa kanya bago ako tumayo.

Bago pa man ako makaalis ay nagsalita ulit siya na agad ako napalingon sa kanya habang nakakuyom ang dalawang kong kamay. Bakit ba ganyan siya? Sino ba siya para takutin ako?

"Hindi ka din magtatagal dito." seryoso siyang nakatitig sa'kin.

Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod na din ako dahil lumalamig na yung hampas ng hangin sa balat ko. Kinabukasan maaga akong nagising dahil wala si Ate Ruth dahil day off niya, sana all diba?
Pàgkatapos kong diligan ang mga halaman sa garden ay pinakain ko na din ang mga isda sa pond. Naglaba din ako nang mga nasuot kong damit, nilinis ko din kwarto ko at kwarto nila Manang at Ate Ruth.

Since kakalinis ko lang ng buong bahay nung nakaraang araw ay hindi muna ako maglilinis ngayon. Minsan sa buhay mapapagod ka talaga, kadalasan naman tinatamad ka. Cycle of life ha?

"Get me a coffee please." utos sakin ni Sir Hail, tumango lang ako.

"Sa inyo po sir Jiro?" tanong ko kay sir Jiro.

"A tea for me." ngiting sabi niya.

Ngumiti din ako at tumango. Nagtimpla na ako ng kape at tea. Anong pinagkaiba nun? Parehas lang ba yun? Ang tsaa ay gawa sa dahon samantala ang kape ay gawa sa beans. Basta ganun, hindi kasi ako nakinig nung naglesson yung teacher namin nung grade 6 ako.

"Ito na po mga sir." sabi ko sabay lapag nung kape at tsaa sa coffee table.

"Thanks." buti ka pa sir Jiro nagpapasalamat hindi katulad ng iba dyan.

"Walang anuman po sir." sabi ko pero kay sir Hail ako nakatingin habang nakangiti.

Nakakunot naman noo niya. At tinaasan lang ako ng kilay. Hindi marunong magpasalamat ah! Umirap lang ako sa kanya at naglakad na pabalik sa kusina.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon