07

130 14 0
                                    

May naramdaman akong kamay na humahaplos sa buhok ko, dahan dahan kong minulat ang aking mata para makita kung kaninong kamay yun at nagulat ako dahil sobrang lapit nang mukha ni sir Jiro sa mukha ko kaya automatic akong napatayo. Ngumiti lang siya sakin at umupo sa desk table. Nakatulog pala ako dito sa library pagkatapos kong maglinis.

"You fall a sleep? Are you tired?" tanong niya sakin habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.

"Ay hindi naman po sir." ngumiti ako at inayos yung mga librong binasa ko kanina bago ako nakatulog.

"You can go to your room and take some rest.  Wala na kaming iuutos sa'yo." sabi niya at tumayo.

"O-okay na po ako sir. Gising na po diwa ko ngayon." umiwas ako ng tingin nang inoobserbahan niya mukha ko.

"You look pale. Take a rest now." sabi niya at naglakad na papunta sa pinto.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang mawala na siya sa paningin ko. Inilagay ko na ulit sa book shelves yung librong binasa ko. Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagshower saglit, pampatanggal toxic sa katawan. Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa kwarto ni sir Rain para maglinis kasi madumi na 'daw kwarto niya.

"Ah sir? Baka gusto niyo munang umalis dito kasi maglilinis ako?" taas kilay kong sabi.

Paano ba naman, wala ata siyang balak umalis sa kinatatayuan niya e maglilinis nga ako. Bahala nga siya kung ayaw niya umalis, bobo naman!

"There! Ayusin mo nga paglinis." reklamo niya.

Aba! Kaya pala ayaw niyang umalis para lang obserbahan performance ko? Takte yan. Ako na nga naglilinis may paepal pang antipatiko dito!

"Alam ko po sir." mahinahong sabi ko.

"Oh ayan pa oh!" sigaw niya.

Minsan lang ako magmumura pero pisti talaga. Hindi ako makapagfocus dahil puro siya sermon at reklamo. Bwiset e.

"Nalagpasan mo na yung dumi, yaya!" tinuro niya pa yung sahig na may madumi 'daw. Arte!

"Ah sir? Kayo nalang po kaya maglinis since may microscopic eyes po kayo." kalmado parin ako kahit talagang pikon na 'ko deep inside.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagkabit-balikat na nakaharap sa'kin. Umirap lang ako at naglinis nalang. Siya ipasok ko sa vacuum cleaner e! Paepal masyado. Siya nalang kaya maging yaya, ako taga utos sa kanya. Keri niya kaya yun?

"Yaya! Ito pa oh!" napairap nalang ako ng wala sa oras.

Okay lang talaga sakin na maglinis ako nang walang paepal e pero sa kaso ko ngayon parang sasabog na ako. Sinasadya niya ba 'to? Pinipikon niya ba ako?
Naglakad ako palapit sa kanya para kunin ang walis, ipapalo ko lang 'to sa kanya. Char lang?

"Oh san ka pupunta?" taray niya tanong.

"Sasama ka?" mahinahong sabi ko at tinaasan niya agad ako ng kilay.

"Where?" tanong niya.

"Impyerno. Susunugin lang kita." pero syempre hindi ko yan sinabi. Baka ipatapon niya ako sa impyerno talaga. Mahirap na baka totohanin niya.

"Maglilinis po? Balita ko mala- microscope mata mo, baka gusto mong tignan yung bathroom mo kung may germs o bacteria ba?" pilosopong sabi ko.

Nagulat naman siya sa pagsagot ko. Naglakad na ako papuntang bathroom niya,  malinis naman cr niya e. Lumabas na ako at niligpit ang vacuum cleaner at tsaka lumabas sa kwarto niya. Bahala siyang tulala don, pinikon niya ang isang Ailey Novien Santos. Char?

Kinuha ko na yung mga nilabhan kong damit kanina at nilagay sa closet. Kasalukuyan akong nasa kusina kasama si Manang Russell na nagluluto para sa hapunan nila. Around 6 PM, kumakain na sila habang ako nilalagyan ng tubig mga baso nila, sana nga mabilaukan 'tong Cylde na 'to at si Rain, magpinsan talaga e.

"Yaya, water." sabi ni sir Hail sa'kin habang inangat baso niya.

Nilagyan ko ng tubig baso niya. Babalik na sana ako sa kinatatayuan ko kanina pero nakita kong tinititigan ako ni sir Rain kaya napairap ako sa kanya. Bwisetin mo pa ako hayup ka. Tumawa lang siya kaya napatingin yung apat sa kanya (include me) na nagtataka kung bakit siya tumatawa, lakas amats amp.

"What?" taray na tanong niya sa apat.

"Babo." sabi sa kanya ni Clyde.

Anong babo? Bobo? Baboy? Ano yun?

Pagkatapos nilang kumain ay niligpit na namin pinagkainan nila at sabay na kaming kumain ni Manang sa kusina. Ako na din ang naghugas since hindi naman ganon karami. Pagkatapos kong maghugas, tumambay muna ako sa may garden pero wala akong makitang stars kahit isa. Siguro uulan ngayong gabi. Sarap matulog sa gabi pag naulan e no?

"Oh bakit napatawag ka?" tanong ko kay Hanna sa kabilang linya.

["Wala. Mangangamusta lang."] masayang sabi niya.

"Kanino? Ako o yung mga amo ko?" taray kong tanong.

["Yung mga amo mo."]

Ay tarantado. Taksil na kaibigan. Ngayon na nga lang tumawag iba pa ang hinahanap at kinakamusta. Hanep din e no?

"Edi ikaw na walang kwentang kaibigan." pabirong sabi ko na agad naman siyang tumawa.

["Char lang. So may chika ka ba sakin? Mga happenings dyan sa mansyon?"]

"Wala naman. Puro mga utos lang. Wala namang magandang nangyari." walang ganang sagot ko.

["So, kamusta naman sila? Pinapakain mo naman sila 3 times a day diba?"]

"Ay taray teh! Kailan ka pa naging nanay sa kanila?"

["Hehehe ngayon lang siguro?"] tawang sabi niya sa kabilang linya.

"Langya ka. Usap nalang tayo pag nakalabas na ulit ako sa impyernong 'to." sabi ko.

["Sure. Send my regards to your amo's."]

Ganun? May pa-regards sa amo ko pero wala man lang sa'kin? Nakakapagtampo lang slight. Binaba ko na din yung tawag at tumingin sa langit. Tumayo na ako at naglakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Gagi."

Dali dali akong tumakbo papasok pero naabutan ako nang ulan kaya ngayon buong katawan ko ay basang basa na. Ni hindi man lang ako hinintay makapasok sa loob. Look like I'm a mess now. Yes, nagsasalita po ako ng English pero sa utak ko lang.

"Where have you been?" tanong sa'kin ni sir Sync at napatingin siya sa...sa...dibdib ko?

Napatingin din ako sa dibdib ko, shit halata yung bra ko. Nakalimutan ko na puting damit pala suot ko at itim na bra kaya napatakip ako sa dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay. Nakita kong ngumisi siya na ikinagulat ko.

"That's....hot."

Bago niya ako tinalikuran hinagisan niya ako ng towel. Buti kami lang dalawa andito, nahihiya tuloy ako. Unang una, nagkiss kami at ngayon nakita niya ano ko...basta!

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon