32

51 10 0
                                    

Hila-hila niya ako hanggang sa labas ng main gate ng University namin. Huminto siya kaya napahinto din ako. Nakakunot noo akong napatingin sa kanya ng humarap siya sakin. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya.

"A-Anong kailangan mo sakin?" tanong ko, binitiwan niya ako at binulsa ang kamay niya.

"Comeback to me, Ailey. That's all I want." seryosong sabi niya habang nagkatitigan kami.

Una akong umiwas ng tingin. Hindi ko kayang titigan siya, nasasaktan ako. Ang mga mapupungay niyang mata ay parang minamagnet ako para titigan ko siya ng matagal. Kahit aminin kong namimiss ko siya, wala parin akong laban dahil may nagmamay-ari na sa kanya.

"Ikakasal kana, Sync. Nag-usap na tayo tungkol doon, diba? Saan ba sa sinabi ko ang hindi mo man lang naintindihan?" tuminis na ang tono ng boses ko.

Pinipigilan ko lang ang emosyon ko ngayon. Ayokong magalit dahil lang sa nasasaktan ako. Aaminin kong gusto ko talaga siyang makasama, gusto ko siyang yakapin, gusto kong aminin sa kanya lahat ng nararamdaman ko ngayon pero kapag sinabi ko sa kanya yun, baka masaktan na naman ako.

"Comeback to me, Ailey please." seryosong sambit niya at hinawakan ang kamay ko.

Please stop this, Sync. Kapag di ka pa tumigil, baka mayakap na kita at ilayo sa kanila.

"Please. Bumalik kana sakin. I need you. I love you."

Hahawiin ko na sana ang kamay ko ng may biglang humila sakin palayo kay Sync. Naguguluhan akong napalingon sa lalaking humila sa akin.

"J-Jiro?" gulat kong tanong.

"Stay away from her, Sync." seryosong saad ni Jiro sa kanya.

"What are you doing here, Jiro? You're out of this conversation." Sync seriously said while his brows furrowed.

"Layuan mo na siya, Sync." pumagitna samin si Jiro.

Nararamdaman ko ang bigat ng atmosphere sa pagitan naming tatlo ngayon. Anytime from now baka magkabangayan pa silang dalawa, kailangan ko nang ilayo si Jiro sa kanya.

"Jiro, okay lang ako." sabi ko sabay hila sa kamay niya.

"Bakit ka ba nangingialam samin? You shouldn't care. Tss" inis na sabi ni Sync kay Jiro.

Nagkatitigan silang dalawa. Bakas sa mukha nilang dalawa ang galit. Bakit ba ganito sila ngayon? Ngayon ko lang din nakita silang dalawa na ang init-init ng mga ulo.

"Try to understand her situation, Sync. You should know what she feels now, wag kang magpakamanhid. Stay away from her." galit na sambit ni Jiro.

"Trying to be a hero ha?" sarkastikong sabi ni Sync sabay tiningnan ako.

Seryoso siyang nakatitig sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko ng makita ko ang malungkot niyang mga mata. Tumalikod na siya samin sabay lakad palayo sa amin ni Jiro. Nakatitig lang ako sa likod niyang maskulado.

"Hey. Are you okay?" napalingon ako kay Jiro ng tanungin niya ako.

"Hmm okay lang ako. Salamat." sagot ko, ngumiti ako ng mapait.

Hindi ako okay pero ayos lang.

"Hatid na kita sa inyo?" tumango nalang ako bilang tugon ko.

Napabuntong-hininga nalang ako bago sinundan siyang maglakad papuntang parking lot. Hindi ko na hinayaang pagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse, tahimik lang kami habang nasa byahe. Tinuon ko lamang ang atensyon ko sa kalsada. Napalingon ako sa kanya habang siya ay seryoso lang sa pagmamaneho.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang nakakunot ang noo, nakita kong gumalaw ang Adam's apple niya.

"Glad you asked." lumingon siya sakin pero saglit lang dahil binalik niya sa daan ang focus niya.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon