33

42 10 0
                                    

"Good morning, Ma'am Selene." nakayukong bati ko sa kanya.

Mataray na sinulyapan ako ng Head namin sa Accounting Department. Bago siya umalis at nagpatuloy sa paglalakad binigyan niya ako ng isang matalim na tingin. Para saan naman iyon?

"Psst."

Napalingon ako sa katabi kong si Alfie at bigla niya akong siniko sa braso ko.

"Sa tingin ko parang naiinggit si Ma'am Selene sayo. Ikaw lang kasi 'tong pinakamagandang babae sa Accounting Dep. eh." nakangising sambit niya sakin, kinurot pa ang tagiliran ko.

"Manahimik ka nga, Alfie. Sa tingin mo lang naman iyon, malay mo hindi talaga ganoon ang pinupunto mo." napailing ako bago umupo sa pwesto ko.

"Ang humble mo talaga kahit kailan, Ailey." sabi niya habang may ginagawa sa computer niya.

Napailing ako at hindi na siya pinansin. Nagpatuloy na lamang ako sa aking nakasanayan na ginagawa for more than 2 years. It's been 5 years since Sync and I broke up. Sa limang taon na iyon nag-focus ako sa pag-aaral at naghanap ako ng maayos na trabaho para sa tuition fee at allowance ko. Also, Hanna help me to find a new and suitable job. Nahirapan pa ako noong una but in the end nakaya ko naman. In my 3rd and 4th year in College, I strive more. Halos hindi na ako natutulog sa gabi kasi nagtatrabaho ako sa Cafe Shop. And in the morning, nag-aaral ako.

*Hanna's calling*

"Good morning, Maam." bungad ko.

["Ay wow. Ang sosyal naman ng bungad mo sakin. Nakakatouch naman."] sabi niya sa kabilang linya, tumatawa pa siya.

"What do you want?" tanong ko habang may tinitipa sa computer.

"Nasa trabaho ako, Hanna. Tumawag ka nalang mamaya pagkatapos kong mag-out." dagdag ko pa.

["I have a good news for you, my beloved friend. But before I'll tell you that, congrats pala kay Yesha na nakapagtapos na ng Senior High with Highest Honor. Grabe ang talino niyo talaga e no? Sana all Cum Laude."] pagbibiro niya sa kabilang linya.

"Stop it, Hanna. Baka gusto mo isampal ko sayo mga medal mo noong elementarya palang tayo." sabi ko.

["HAHAHAHAHA mga galing sa contest lang naman ang mga medal na yun."] malakas na tawa niya sa kabilang linya.

"Oh, sorry." mahina akong tumawa dahil sa sinabi ni Hanna.

"Okay, what's the good news pala?" I asked, changing the topic.

["Oh well, mamaya na after ng trabaho mo. I'll see you in the restaurant near at your company. Bye!"] at binabaan nga ako ng tawag, napailing na lamang ako bago bumalik sa pagtatrabaho.

At 9:30 PM, nakapag-out nadin ako sa trabaho. Kasama ko si Alfie at isa pa naming accountant. Nasa labas na kami ng bangko, naghihintay kasi ng sundo si Rose at Alfie.

"Bye, girls! I'll see you tomorrow. Andyan na sundo ko." paalam sa amin ni Rose, hinalikan niya kami ni Alfie sa pisngi.

"Mag ingat kayo bakla!" sigaw naman ni Alfie kay Rose, natawa nalang ako habang naglalakad palayo si Rose samin.

"Ayan na sundo mo." sabi ko sa kanya habang nakanguso ang labi ko.

"Hi, Honey!" sigaw niya doon sa boyfriend niya, kumakaway pa ito.

Nilingunan niya ako at ngumuso din siya. Niyakap niya ako at hinalikan din ang pisngi ko katulad ng ginawa samin ni Rose.

"See you tomorrow, Ailey. Mag-ingat ka din." nakangiting sambit niya bago pumasok sa kotse ng boyfriend niya.

Kumakaway ako habang palayo ng palayo ang kotseng sinasakyan niya. Napabuntong-hininga ako bago maglakad sa restaurant na malapit lang sa bangkong pinagtatrabahuan ko. Pagkapasok ko nakita ko agad si Hanna na nakatayo habang nakangiting kumakaway ito sakin.

"Hey." she greeted.

"What's with that look, Ailey?" tanong niya, nakipagbeso-beso ako sa kanya.

"What's with my look? Do I look disgusting right now?" I asked, raising my brows at her.

"No. No. What I mean is, bakit ang lungkot ng mukha mo?" she asked, crossing her arms in her chest.

"Wala. I'm j-just tired?" I shrugged.

"Wee? Oh c'mon, Ailey. I know, you're affected parin. Just move on, okay?" she tapped my shoulders thrice and gave me a genuine smile.

"If you're tired, just take a snap or take a rest. But don't give up. I'm here. You got me whatever happens." she said, she even winked at me. Napangiwi pa ako dahil sa kacornyhan niya pero I appreciates her words.

"Hmm. I'm definitely not fine but it's okay." mapait kong tinugunan siya ng ngiti.

"Wag ka ngang ganyan. Ikain nalang natin yan, may sasabihin pa ako sa'yo later." she aggressively took the menu at namili na ng oorderin namin.

"T-Teka lang." sabi ko.

"What?" tanong niya, tinaasan pa ako ng kilay.

"Sino magbabayad? Wala pa akong sahod, yayain mo ako kung kailan wala pa akong pera." nakangusong sambit ko, tinawanan niya lang ako.

"Ano ka ba, Ailey. It's on me. Ako na bahala." natatawa niyang sabi.

"Eh."

"Just order."

Nagsimula na din akong mamili ng kakainin ko. Medyo nagugutom na din kasi ako. After namin mag-order, nagkwentuhan lang kami ni Hanna tungkol sa College days namin.

"Yeah right. Until now, hindi parin siya nagbabago. Siya parin yung Kim na kilala nating bilang Feeling Queen. But she's a successful supermodel now. I envy her." she said, smiling.

"So what's the good news pala?" I asked, confused.

"Oh, yun pala ang dahilan kaya tayo andito." mahinang tawa niya.

"Well, may reunion tayo Batch 2015-2016. We should go there and have some fun. Excited na akong makita mga mukha nila, ano na kaya ang mga profession nila ngayon? May billionaire kaya sa batch natin? Papaampon nalang ako ng kusa kung meron man." tumatawa siya habang nakahalumbaba.

"May Jiro ka namang millionaire ah." sabi ko habang umiinom ng tubig.

"Ikakasal na kayo, lumalandi ka parin." napailing na lamang ako.

"Hoy, grabe ka sakin ha!" sabi niya, sobrang defensive sis.

Natahimik kami ng dumating na ang pagkain namin. Another katahimikan ng kumain na kami. Nahihirapan pa akong hiwain ang beef steak na 'to, pero buti nalang may Hanna akong kasama kaya nag-instance taga hiwa siya ng beef ko.

After naming kumain, another kwentuhan na naman. We talked about kung kailan na ang reunion at sa susunod na Sabado na pala iyon at mangyayari sa Batangas, isa sa mga sikat na resort ang Hania Janis Resort. Wala pa akong maisip kung anong susuotin ko, tutulungan nalang daw ako ni Hanna.

"Bye, I'll see you in Friday then. Kailangan nating magshopping para sa mga dadalhin nating gamit." sabi niya, she kissed my cheeks before driving her car away from me.

Reunion? Andoon kaya siya?

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon