09

122 11 0
                                    

"What the? What's that?" reklamo ni sir Clyde sa niluto ko.

"Pagkain?" pabara kong sagot.

Napataas nalang ang kilay ko dahil sa kaartehan nilang lima. Seryoso ngayon lang ba sila makakain ng ganyan lutuin? Mga mayayaman kasi kaya ganyan ugali. Aish. Parang sila yung langit dahil sila ay mayaman at mahirap abutin at ako naman 'tong nasa lupa dahil ako ay mahirap. Parang ganun!

"Kain na kayo. Walang lason yan." sabi ko, sabay silang napalingon sa'kin.

"At wala din yang gayuma." dagdag ko pa.

Tahimik lang silang lahat habang tinititigan ang mga nakahain sa lamesa. Hindi ba talaga nila kakainin niluto ko? May sakit ako pero nagluto parin ako at pinagsilbihan sila. Grabe naman!

"Hindi po kayo mabubusog n'yan kung mata ang gagamit niyo para kumain." pilosopo kong sabi.

"Are you sure that there's no poison in your dishes?" tanong ni sir Rain.

"Bakit ko po kayo lalasunin?" seryoso ang mukha ko.

"You're just new here, tho." sagot naman ni sir Hail.

"Aish. Ang arte niyo naman! Hindi naman ako masamang tao. If ayaw niyo kumain bahala kayo dyan." tinalikuran ko na sila at naglakad na paalis sa dining area.

Nagtago ako sa counter top at nakita kong nagsimula na silang kumain. Nakita ko pang napangiwi silang lahat nang tikman nila ang sinagang na niluto ko.

"It tasted so good." sabi ni sir Jiro.

"Not bad at all." tumango naman si sir Sync, ngumiti ako nang tuloy tuloy na sila sa pagkain.

"Yaya!" tawag sakin ni sir Rain.

Taas kilay akong lumapit sa kanila. Nagulat pa akong naubos nila yung inihanda ko. Seryoso?
Arte pa sa una pero chibog naman sa huli. Kunwari nandiri pero gusto pala sa huli. Napailing nalang ako nang iniangat nilang lima ang mga plato nila. Para silang mga bata, promise.

"Good job, babies!" pabirong sabi ko at pinapalakpakan sila.

"Babies?" sabay sabay nilang tanong at nagkatinginan pa.

"Kala ko kasi mga bata babantayan ko, nabudol ako." napairap pa ako sa hangin.

"Sync posted that information on the site." sabi ni sir Hail at tinuro pa si sir Sync.

"I didn't posted that. Ate Marites did." kabit-balikat niyang sabi.

Hinayaan ko nalang silang magbangayan at niligpit ko na lang mga pinagkainan nila. After kong maghugas, kumain na din kami ni Ate Ruth. Dahil okay naman na ang pakiramdam ko ay kumilos na ako para maglinis ng bahay.

"Are you okay now?" humarap ako sa nagsalita.

"Ah opo sir. Okay na okay na 'ko."nakangiting saad ko.

"You should rest. I can do it."inagaw niya sa'kin ang walis.

"Sir Sync okay na po talaga ako."pilit kong inagaw sa kanya ang walis.

Pero dahil matangkad siya ay nasubsob ako sa matitigas niyang dibdib. Super bango niya.  Naaamoy ko ang mamahalin niyang pabango. Dama ko din ang tigas nang dibdib niya.

"Chansing."ngumisi siya at inismiran ko lang siya.

Chansing daw? Kapal ng mukha e!

"In your dreams po."tuluyan ko nang naabot ang walis sa kamay niya.

"Last night I've dreamed of you." napakunot ang noo ko dahil baliw siya.

"Bakit niyo naman po ako napaginipan sir?"iniwasan ko yung titig niya sa'kin.

Nagwalis nalang ako at hindi siya pinapansin. Baliw e?! Lakas amats pre!

"I don't know why. Maybe because I'm always  thinking of you?" napalingon ako sa kanya nang nakanganga.

"Baliw kayo sir."sabi ko pero may tunog respeto.

"Am I?" aniya.

"Trip niyo ba ako asarin buong araw sir?"taas kilay kong tanong sa kanya.

"No."ikli niyang sagot.

"Ano ba? Bakit gusto mo akong asarin?" taas na tono kong sabi.

"Gusto kita."seryoso na malamig niyang sabi.

Napatakip ako ng bibig nang sabihin niya iyon. He must be crazy. He's insane. Why does he say such thing? Did he really mean what he's saying? Or he was just joking?

"........."

Gago. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa pinagsasabi niya ngayon o maaasar ako kasi parang trip niya akong kulitin buong araw. Type niya daw ako? Hala, paano? Naguguluhan ako, takte. Di ko alam kung anong sasabihin ko,  parang naparilisa ako.

"Hey."pinisil niya ang chubby cheeks ko.

Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. Gago siya e!  Napailing nalang ako at binuksan na ang pinto habang dala dala ko ang walis. Paluin ko siya nito e! 

"Yaya." napalingon naman ako kay sir Jiro na pababa na nang hagdan.

"Yes po sir?"tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

"Can I ask you?"napatango naman ako agad.

"Ano po iyon sir?" napahawak ako sa rehas na bakal ng hagdan.

"What's your name? A real name."nahihiyang tanong niya.

"Ahhh. Ailey Novien Santos po."nakangiting sagot ko.

"Okay."tumango tangong saad niya.

Nauna na siyang bumaba sakin at bumaba na din ako. Dumiretso agad ako sa bodega para ibalik yung walis na kinuha ko. Pagbalik ko nasa living room na silang lima,  naglalaro nang Mobile legends 'daw yun.  Naglalaro kasi si Hanna nang ganyan, 3 years na siyang grandmaster 1.

"Stop following me, Hail." sabi ni sir Clyde at sinipa si sir Hail sa tagiliran.

"You moron, I'm not following you. I'm going in the mid lane."saad ni sir Hail kay sir Clyde at sinipa ito pabalik.

"Just focus guys. We're going to defeat if you guys keep on arguing."awat naman ni sir Jiro sa kanila.

Ang cute nilang pagmasdan. Aakalain mo talaga na magkapatid silang lahat dahil pareho pareho silang matatangkad. Ang guwapo pa nila, may mga lahi ata sila e, ang kinis kinis pa nang mga kutis nila. Ang ganda ng mga mata nila at kapal na kilay na meron sila. Sana all makapal diba?  Ako kasi,  kapal ng mukha lang. At kapal ng bolbol. Char?

"Bobo mo, Rain."ani ni sir Clyde.

"You gago."pinakyuhan ni sir Clyde si sir Rain.

Tumawa ako dahil para silang mga bata kung titingnan mo. Si sir Sync, seryoso ang mukha. Si sir Rain, parang natatae na ewan? Si sir Hail, nagkasalubong ang dalawang kilay. Si sir Jiro, kalmado lang ang mukha samantalang si sir Clyde naman ay nagmumura na yung mukha. Basta ganun!

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon