17

86 13 0
                                    

FEBRUARY 14,2018.

"AILEY!"

Huminto ako sa paglalakad ganun din si sir Jiro at sir Sync. Nilingunan ko ang babaeng tumawag sakin. Habang papalapit siya sa'min ay hindi mawala sa mukha niya ang pagtataka. Nagulat din siya ng makita kung sino ang kasama ko.

"Hi, I'm Hanna. I know you guys, amo kayo ni Ailey." sabi ni Hanna at todo ngiti pa sa kanila.

"I'm Jiro." formal na sabi ni sir Jiro, nag-shake hands naman sila.

Lumipat ang tingin namin kay sir Sync naghihintay sa sasabihin niya, nakatitig lang siya sakin. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin kaibigan ko. Sungit e!

"I'm taken." malamig niyang sabi, napakunot naman noo ko dahil sa sinabi niya.

Taken siya?! Kanino?! At bakit hindi ko alam ha?! May girlfriend na pala siya e! Bakit parang nasaktan ako?

Kalma lang, Ailey.

Gulat ang naging reaction ni sir Jiro at Hanna, ako din naman ay nagulat sa sinabi niya. Di ko naman kasi inaasahang taken na pala siya. Pero kanino? Bakit niya ako nilalandi kung may girlfriend na pala siya?

Wait....!

Nilalandi?! Luh, assumera naman ako masyado! Sabi ko na nga ba na trip niya lang ako e!

"So... Tara na?" aya ni Hanna, unang naglakad sa'min.

Umiwas ako ng tingin kay sir Sync. Sinadya ko talagang tumabi kay sir Jiro habang naglalakad. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig lang sa'kin si sir Sync. Pinagsawalang bahala ko nalang yun at seryosong kinausap si Hanna.

"Hoy. Bakit kasabay mo yang dalawang yan? Feel ko tuloy jowa ko si Jiro." bulong sakin ni Hanna.

"Feel mo lang." sabi ko, siniko naman niya ako.

"Ah, Jiro. Dito nalang kami. Salamat ah." sabi ko at ningitian si sir Jiro bago siya tumalikod.

"How about me? Hindi mo ba ako pasasalamatan?" nagkabit-balikat akong humarap sa kanya.

"Tara na, Hanna." inirapan ko siya bago hawakan braso ni Hanna.

Taken ka pala ah?! Ni hindi ko man lang alam yun. Sabi sabi pa siya sakin na 'You're mine. Just mine' tapos may girlfriend na pala! Ano gagawin niya akong rebound? Option?

"Love." tawag niya.

Napahinto kami ni Hanna sa paglalakad. Tiningnan ko reaction ni Hanna at tulad ng inaasahan ko, gulat siya at pinangsisingkitan ako ng mata. Nagulat ako dahil hinawakan ni sir Sync ang kamay ko. Napabitaw tuloy ako sa braso ni Hanna. Iniharap ako ni sir Sync sa kanya. Kahit naiinis ako sa kanya bigla nalang nawala yun ng makita ko sa malapitan ang mukha niyang malungkot.

"I'm taken by you." seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

Napakurap naman ako ng dalawang beses. Yumuko siya ng konti at hinalikan ako sa noo. Napaatras ako dahil sa kilig. He never fails to make me blush. Yun ang nakakainis sa kanya e.

"See you around, love." sabi niya at umalis na.

"Hoy. Ano yung nasaksihan ko ah? Anong love love sinasabi niya? Anong taken?" siniko ako ni Hanna kaya napalingon ako sa kanya.

Ngumiti lang ako at tinalikuran siya. Shit, kinikilig ako to the Nth power. Hinawakan ko pisngi ko dahil umiinit na naman. Yung poging hot na yun, pinapakilig niya talaga ako araw-araw!

"Oh! My! God! Ailey!" natatarantang sigaw ni Hanna, tinakpan ko naman agad bibig niya.

Guess what guys? Sinabi ko na sa kanya lahat lahat ng nangyari sa mansyon. Yung aksidente kaming nagkiss ni sir Sync hanggang sa ngayon. Mas kinikilig pa siya kesa sa akin. Habang nagke-kwento ako lagi niya akong hinahampas, bugbog na nga ako sa kanya e.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon