21

82 11 2
                                    

"Why can't I sleep here?"

Pagkatapos kong kumain, naghugas lang ako at agad din umakyat sa kwarto ko. Nadatnan ko pang nakaupo si Sync sa study desk ko. Ngayon, nakaupo ako sa kama ko habang siya nakaupo din nakaharap sakin.

"Antayin natin si Inay makatulog." sagot ko at nagkabit-balikat lang.

"I want to sleep here." malamig niya sabi.

"Hindi ka nga matutulog dito." tugon ko, inirapan lang siya.

"AHHHHHHHH!"

Nanlaki ang aking mata habang yung kamay niya nakatakip sa bibig ko. Nakapatong siya sa ibabaw ko, pinahiga niya kasi ako kaya bigla akong napatili. Gago! Baka narinig nila Inay yun! Baka akala nila may nangyari na sakin. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari, parang bumaliktad ang sikmura ko ngayon. Nakakainis siya lagi nalang niya ako pinapamula ng ganito.

"Shhhhh." bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang paa ko.

"Isa... Ay anoo ba... Hahaha.. Hoy itigil mo yann..hahahaha." nakikiliti ako sa ginagawa niya sakin.

"Love, wag kang maingay." shit, napakahusky naman ng boses niya.

"Itigil mo kasi... Hahaha yan.. Isa pang.. kiliti sa paa ko...Hahaha." ayaw niya talaga akong tigilan sa pagkikiliti sa paa ko.

"AHHHHHHHH!"

"AILEY ANAK?!" sigaw ni Inay sa labas ng kwarto ko.

Natigilan kami sa aming ginagawa. Nagkatitigan kami ng matagal,yung mga mata niya parang nanghahamon.

"Ailey anak?!" sigaw parin ni Inay.

"Magtago ka bilis." utos ko sa kanya, tinulak ko siya sa pagkakaibabaw sakin.

"Yeah. I know." sabi niya, ngumisi pa siya sakin.

Naglakad na ako papunta sa pintuan ng kwarto ko, pagbukas ko mukha agad ni Inay ang bumungad sakin. Nakakunot ang kanyang noo, nakapamewang at nagtataka.

"I-inay?" ngumiti ako kahit peke.

"Okay ka lang ba? Bakit tumili ka? Anong nangyari dyan?" tanong niya, sumilip pa siya sa loob ng kwarto ko.

"A-ahh kasi I-inay nakakatakot yung pinanuod kong video sa facebook, hihi." palusot ko, napakagat-labi ako sa sinabi ko.

Hoping na maniwala sakin si Inay. Grabe dami ko nang lies, di ko na kayang masundan pa 'to baka maghinala na si Inay at lagot ako nito. Sana lang talaga walang sinabi si Yesha kay Inay kasi ayoko pang sabihin sa kanya ito. Hindi pa ako ready?

"Akala ko naman kung may nangyari ng masama sayo. Sige, matulog kana dyan. Diba may pasok ka pa bukas?" tumango lang ako bilang tugon sa sinabi ni Inay.

Ngumiti ako bago siya pumasok sa kwarto nila Yesha, huminga ako ng malalim bago sinarado ang pinto. Nakita kong nakahiga na si Sync na nakaunan ang dalawa niyang kamay sa ulo niya. Sumenyas siya sakin na humiga daw ako. Ngumiti siya ng nakakaloko, nakaramdam tuloy ako ng kaba sa mga ngiting pinakita sakin. Napalunok pa ako ng di oras.

I hate my mind. Masyado ata akong open minded?

"Come here, love. Higa kana, usap lang tayo." sabi niya at ningitian ako.

Tumikhim ako bago tumango at naglakad papunta sa kama na hinigaan niya.

"Promise, usap lang tayo."kinilabutan ako sa sinabi niyang yun.

O mali lang talaga yung pag-interpret ko sa sinabi niya?

"Uuwi kana pag nakatulog na sila Inay."sabi ko at umupo sa gilid ng kama.

"Yeah, I know right."grabe, napakahusky ng boses niya.

Yung pangkama na boses? 0__0

Joke lang! Bat ba naiisip ko ang mga ganitong bagay? Nahawaan na ako ni Hanna sa kalibogan, kailangan ko na atang magsimba. Sa susunod na day off ko magsisimba kami nila Inay o ni Sync para naman makilala niya ang diyos no?

"What's with that face, love?" tanong niya, hinila niya ako pahiga at niyakap niya ako patagilid.

"B-bakit? Ano meron ba sa mukha ko?" tanong ko, nakakunot ang noo.

"Nothing. You're just...beautiful." hinalikan niya ako sa noo ko, kinilig naman nanay niyo.

Parang may nagsisiliparang paru-paro sa tyan ko dahil lamang sa sinabi niya. Kinilig ako kasi ito yung unang beses na sabihan niya akong ng ganun, kahit di ko alam kung totoo ba o hindi pero di ko maiwasang di mapangiti. Di naman kasi ako kagandahan, sabi nila charismatic lang daw ako e. Totoo naman yung mga sinasabi nila, ni hindi ko nga alam kung bagay ba sakin ang mga damit na sinusuot ko e. Para kasi sakin, ang baduy ko manamit. Pero sabi ni Hanna, maganda daw ako syempre kaibigan ko yun ayaw niyang makasakit ng damdamin.

"I love you." bulong niya sa tenga ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, nagkatitigan pa kami mata sa mata. Ang sexy nang mata niya, kahit minsan malamig ang mga matang 'to di ko idedeny na maganda parin 'to. Ang perpekto niyang mukha, ang maskulado niyang katawan, grabe di ako makapaniwala na naging akin siya.

Na naging kami.

"I love you too." sambit ko, hinalikan ko din siya sa noo niya.

I don't want to lose this guy besides me. I love him too. I couldn't ask for more but I want him to be my first and last love.

Char! Nag- English na 'ko, nahawaan din ako ng Englisherong 'to! Pero seryoso ako, ayaw ko siyang mawala sakin kahit bago palang ako sa ganitong relasyon. Masaya ako kasi ganito pala ang feeling na may minamahal.

Nanatili lang kaming magkayakap at magkalapit ang aming mga katawan. After nun, pinauwi ko na siya baka kasi makatulog talaga siya dito sa kwarto ko no? Ginigising pa naman ako ni Inay ng maaga baka madatnan kaming magkatabi. Lagot talaga ako!

-----

"Ailey!"

Naglakad ako palapit kay Hanna, nakatayo lang siya sa main gate ng school. May hinihintay ba siya? Ay, to tell you guys may ka-m.u na yang si Hanna. I don't know the name of that guy pero sabi niya na taga-HRM daw.

"Sino hinihintay mo?" tanong ko ng makalapit na ako sa kanya.

"Ikaw! Sino pa ba?" taray niyang sagot.

"Ay! Akala ko naman yung ka-m.u mo?" tugon ko, nagsimula na kaming maglakad.

"Duh, mamaya pa pasok nun!" sagot niya.

Nang makapasok na kami sa elevator paakyat sa first class namin ay nagkwentuhan lang kami ni Hanna not minding na may mga estudyante din kaming kasabay sa elevator.

"So kamusta na kayo ni Papable Sync?" kinikilig niyang tanong sakin.

"Okay lang kami." sagot ko.

"Mag-iisang buwan na din kayo, sis. Stay inlove! Stay strong!" masayang sigaw niya.

Napatingin samin ang mga kasabayan naming estyudante din, nakataas ang mga kilay nila. Pressure all over me. Madaldal kasi 'tong si Hanna e! Di na mapreno ang bibig.

"Taray niyo ah! Kala niyo di kayo na-inlove! Ibaba mo yang kilay mo bhe!" masungit na sabi ni Hanna doon sa babaeng tinaasan siya ng kilay.

Aba! Palaban ata yang si Hanna teh! Nagmana yan sa nanay niyang black belter sa teakwondo.

"S-sorry p-po." utal-utal na sabi nung babae kay Hanna, napayuko pa yung babae dahil siguro sa hiya?

"Ayusin mo life mo ah. Wag mo kong kalabanin. I can be your worst nightmare, bitch." mataray na sabi ni Hanna doon sa babae, nagkabit-balikat pa at nakataas ang kilay niya.

Hanep bhe! Believe talaga ako sa fighting spirit ni Hanna. Kalabanin ba naman ang mga estudyante dito, hindi lang 'to ang unang beses pero ito yung 76th time na may inaway siya. War freak yang si Hanna e, ewan ko ba dyan. Simula noong elementary palang kami ganyan na yan.

"S-sorry..po..." kinakabahang sabi nung babae.

"Whatever." inirapan siya ni Hanna hangga't makalabas na kami ng elevator.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon