12

107 12 0
                                    

MATURE CONTENT: SPG

"Wow."

Napabitaw ako sa kamay ni sir Sync nang makita kami ni sir Hail. Shit, nakakahiya naman at nakita niya pa kaming magkahawak kamay. Bwiset kasi 'tong Sync na 'to ayaw bitawan kamay ko. Gusto niya daw hawakan kamay ko forever. Hindi ko alam pero tumibok na naman puso ko dahil doon.

"What's with you guys? Why are you both holding hands?" naguguluhang tanong ni sir Hail.

"None of your fucking business, Hail." malamig na saad ni sir Sync, gulat naman yung reaction ni sir Hail.

"Oh. Now I know why." sabi niya at naglakad na paakyat ng hagdan.

Naglakad na din ako papunta sa kwarto ko at hindi ko nalang pinansin yung sinabi sakin ni sir Sync. Sabi niya lang sakin na aakyat na siya at magbibihis. Bakit niya sinasabi sakin yun? Gusto niya bang samahan ko siya doon sa kwarto niya at panuorin siyang nagbibihis?!

Wait!

Bakit ko naiisip yun?!

Hala, bastos.

Napailing nalang ako nang makapasok na ako sa kwarto ko at inilapag sa study desk ang bag ko. Nagbihis nalang ako para tulungan si Manang Russell sa pagluluto. 6 PM nang maglapag na ako ng mga plato at si Manang naman ang naglagay ng mga ulam sa lamesa. Nilagyan ko na din ng mga tubig ang mga baso nila bago ako umakyat at tawagin sila.

"Sir Rain, dinner time." sabi ko sa labas ng pinto niya.

Bumukas naman iyon at tumango lang siya. Naglakad ako papunta sa kwarto ni sir Clyde.

"Sir Clyde, dinner time na po." sabi ko sa labas ng kwarto niya.

"Sir Hail, dinner time." sabi ko sa labas ng kwarto niya.

Umakyat ako sa 3rd floor dahil nandoon ang kwarto nila sir Jiro at sir Sync. Inuna ko ang kwarto ni sir Jiro dahil yun ang malapit sa may hagdanan. Kumatok muna ako bago nagsabi na kakain na. Tumango lang siya at ningitian ako bago lumabas ng kwarto niya at naglakad na pababa.

"Sir Sync, kain na po." sabi ko sabay katok ng dalawang beses sa pinto ng kwarto niya.

Bumukas iyon at bumungad sakin ang fresh from bath na Sync kaya napaatras ako ng konti dahil topless siya. Napaiwas pa ako nang tingin matapos kong tignan ang perpekto niyang katawan. Nagmumukhang pandesal ang kanyang anim na abs.

"Sinong kakainin ko?" naguluhan naman ako sa tanong niya.

"Sabi ko po, kainan na. Dinner time po." nanginit bigla ang mukha ko nang makita ko ulit ang pandesal niya.

"Ahh. I thought I'm going to eat you." napanganga ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, gulat na gulat ako sa sinabi niya. Hindi naman sa inosente ako pero alam ko ang mga sinasabi niya! Hindi din naman ako bobo para hindi makaintindi ng English, major subject ko ay English kaya naiintindihan ko sinasabi niya. Mahirap lang akong magsalita ng English at nahihiya ako baka ma-judge lang ako. Pero shits lang, bakit ganito?!!

"Hey. Tutulala ka lang ba dyan?" natauhan ako nang makalabas na siya sa kwarto niya na may damit at shorts na.

"You're crazy." sambit ko at inirapan siya.

"Yeah. Crazy of you." kindat niyang sabi.

Hala?

Kailan pa ba siya hihinto sa kakaganyan sakin? Mababaliw na din ako dahil lagi nalang tumatatak sa utak ko lahat ng mga sinasabi niya sakin! Nauna na siyang maglakad sakin pababa. Sumunod nalang din ako, pagdating namin sa dining area kumakain na sila. Umupo na si sir Sync at nagsimula na ding kumain. Pumunta ako kay Ate Ruth at sinabihan siyang lalabas lang ako saglit.

Nang makalabas ako ay huminga ako ng malalim bago ako umupo sa may bench. Namiss ko na sila Inay at Yesha. Sa linggo ko pa sila makikita dahil yun lamang ang araw na kalayaan ko.

"Hello, nay?"

["Ailey anak!"]

Ngumiti ako nang marinig ko ang boses ng aking Inay. Kahit kailan hindi ko tinanong kung bakit ganito naging buhay ko simula nung sinilang ako. Kasi kahit na iniwanan kami ng Itay namin, andyan parin ang Inay namin para punan ang pagkukulang sa'min ng Itay.

"Miss ko na kayo, Inay." sabi ko at pumiyok pa talaga ako.

Hindi ko kasi maiwasang hindi umiyak. Kahit ilang araw palang ako rito, talagang namimiss ko na sila e. Namiss ko na yung kulitin namin. Miss ko na ngiti nilang dalawa. Sila nalang pinanghahawakan ko ngayon. Sila nalang kaligayahan ko. Sila lang.

["Naku, Ailey anak miss kana din namin. Ilang araw ka palang wala, may mga naghahanap na sa'yo dito."]

Kumunot naman noo ko dahil sa sinabi ni Inay. Mga naghahanap? Si Hanna nga lang kilala kong kaibigan na maghahanap talaga sakin.

"Sino sila Inay? Wala naman po akong ka-close dyan sa lugar natin e. Hindi naman ako nagala e." sabi ko at nagpahid ng luha.

["Si Ray at yung kapit-bahay nating mukhang badjao, sino nga ba yun?"]

"Si Renaldo po?"

"Who's Renaldo?" napatayo ako sa pagkakaupo nang nasa harapan ko na siya.

"Ah, Inay. Tawagan ko nalang po kayo mamaya." sabi ko at pinatay na ang tawag.

"Who's Renaldo?" nakataas kilay niyang tanong.

Seryoso siyang nakatitig sa mukha ko. Nagtataka ako kung bakit siya nagtatanong kung sino si Renaldo? Eh kapit-bahay lang naman namin yun, mukhang badjao nga lang dahil sa buhok niya pero may itsura naman yun e. Pero hindi ko naman talaga close yun kasi lagi lang ako sa bahay at hindi ako lumalabas.

"Why are you not answering? Is that your boyfriend?" napataas naman kilay ko sa itinanong niya.

"I don't have boyfriend." tama naman English ko diba? Hindi ba wrong grammar? Check niyo nga!

"Then who's he?" malamig na tono niyang pagkakabigkas.

"Bakit ang dami niyong tanong sir Sync?" tanong ko sa kanya at nagkabit-balikat lang siya.

"It's free to ask, woman." sabi niya at inirapan ako.

"Kapit-bahay ko lang yun." sabi ko at umupo nalang ulit sa bench.

"Nagseselos ka ba?" pang-aasar ko sa kanya.

"You think what?" umupo na din siya sa tabi ko.

"I don't know." Oha! Nahawa na talaga ako sa Englisherong 'to.

"Well, I am." sabi niya.

"Wil I am? Diba singer na rapper yun? Hollywood artist? Kasama niya si Fregie at Apple De App." sabi ko sabay lingon sa kanya.

"Aray ko!" reklamo ko nang pinitik niya noo kong mabuna. Joke maganda mukha ko no!

"That's not what I really mean. Slow you." napanguso nalang ako sa sinabi niya at tumingin nalang sa magandang langit.

"CCC." napalingon ako sa kanya.

"Ano?" tanong ko.

"Do you like me too?"

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon