18

84 11 0
                                    

"Kuya san niyo po ako daldalhin ha?"

Hindi ako mapakali. Habang naglalakad kami kung saan man kami papunta hindi ko tinatantanan ng tanong yung dalawang SSG. Kinakabahan ako e. Baka naman kung anong gagawin nila sa'kin. Last year kasi, hindi ako pumasok sa school kasi nasa bahay lang ako nun. Hindi naman talaga kasi importante sa'kin ang Valentine's. Sapat na sakin sila Inay at Yesha.

"Oh, Rusty ikaw na magtanggal n'yan." sabi nung isang lalaki na katabi ko sa kanan.

"Luh, bat ako?" sabi naman nung lalaki na katabi ko sa kaliwa.

"Where's my bride?"

Palingon-lingon ako nang marinig ko ang pamilyadong boses. Kaso nakatakip parin ang aking mata kaya hindi ko matukoy kung sino yung nagsalita. Feel ko din na maraming mata ang nakatingin sakin. Bakit? Saan ba ako?

Napakurap ako ng tatlong beses ng tanggalin nung lalaki ang panyong nakatakip sa aking mata. Gulat akong napalingon sa paligid. Andaming babae ang nakikita ko, may mala-pare pang nakatayo sa altar na may hawak na libro? May lumapit sakin isang babae at binigay yung hawak niyang bulaklak.

"Love."

Ah shit!

Bakit ang pogi ng lalaking 'to?

"Are you ready?" tanong niya sakin ng mahawakan na niya kamay ko.

"A-anong r-ready sinasabi m-mo?" nauutal kong sabi.

Hindi niya ako sinagot. Nakita ko din sina sir Hail at sir Clyde sa kaliwang banda na nakatayo lang habang pinagmamasdan kami. Siniko ko si sir Sync ng ilagay niya kamay ko sa braso niya, nakangiti pa siya. Pilit akong naglakad sa may red na carpet. Ano tawag dito? Aisle ba yun?
Hindi ko alam pero kinikilig ako. Mabilis nagsisitakbuhan mga cells ko sa puso. Hindi ko ito inaasahang mangyayari.

Habang naglalagay kami ng kunwareng singsing, hindi ko mapigilang di ngumiti. Sobrang kinikilig ako. Ganito pala yung feeling e no? Kaya pala atat na atat na si Hanna na magkajowa. Kasi ganito pala yung feeling pag nagmamahal ka.

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Sync Harrison bilang iyong magiging asawa? Oo at Oo ka lang sis."

Hala, bakla pala 'tong pare na kakasal kuno samin. Wala naman akong choice e. Kasi same lang naman yung pagpipilian ko.

"Opo, Siste....Father." sagot ko.

"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si Ailey Santos bilang iyong magig..."

"Yes, Father."

Ni hindi man lang pinatapos ni sir Sync sa pagsasalita yung pare. Ambastos naman. Hindi naman siya gaano ka excited e no?

"Okay. You may kiss your bride." utos ba yun?

"Love." napalingon ako sa kanya, seryoso ang mukha niya.

Hinawi niya ang buhok sa gilid ng aking pisngi. Hinawakan niya ng dahan dahan ang aking pisngi habang yung mata niya ay nanatili lang nakatitig sa aking mga mata. Naramdaman ko na kinikiliti ang aking tyan, dahil ba 'to sa kilig?

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

"SANAAAAA ALLLLLLL!!!"

"AYIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEE!!!"

Puno nang sigawan at hiyawan ang buong tent ng wedding booth. Pero hindi ko parin inaalis ang titig ko sa maamo niyang mukha. Nakakalaglag panty. Hoy! Joke lang!

"Love... I love you." ang husky ng boses niya.

"I..." magsasalita na sana ako kaso...

Gulat na gulat ako nang halikan niya ako sa labi. Sobrang lambot ng labi niya. Kala ko saglit lang ang paghahalikan namin pero umabot ata ng 20 seconds bago niya ako pinakawalan.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon