08

124 11 0
                                    

Sobrang bigat ng aking pakiramdam nang ako'y bumangon sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa noo ko nang maglakad ako papuntang cr. Naligo lang ako saglit at nagbihis na parang labag pa sa kalooban kong kumilos. Ang bigat ng pakiramdam ko, promise. Anytime babagsak nalang ako nito sa sahig pero sinubukan ko paring maglakad nang maayos at nagtungo sa kusina para magluto at nakita ko si Ate Ruth. So nakabalik na pala siya at si Manang naman ay may day off? Bakit ako wala?

"Bakit ganyan mukha mo, Ailey? May problema ka ba?" tanong sa'kin ni Ate Ruth.

"Wala naman po?" tinuon ko sa pagluluto ang atensyon ko.

"Bakit parang....ang tamlay mo ngayon?" lumapit siya sa'kin at nakatitig lang sa'kin.

"Wala 'to, Ate Ruth. Nga pala, kanina ka pa ba nakabalik dito?" pag-iiba ko nang topic.

"Kanina pa ako 5 andito." naglakad siya palayo sa'kin at naglapag ng mga plato sa malaking lamesa.

Minadali ko nalang ang pagluluto ko nang bacon, eggs, hotdog, fried rice at nilagay na din iyon sa lamesa. Napahawak naman ako sa noo kong mainit. Bakit mainit noo ko ngayon? Kaya ba mabigat pakiramdam ko dahil may lagnat ako? Marahil siguro dahil nagpaulan ako kagabi. Aish.

"Good morning." bati ni sir Hail sa apat nang makaupo na sila sa lamesa.

"Morning." - sir Jiro.

"What's good in morning?" mataray na sabi ni sir Clyde.

"You moron." - sir Rain.

"Shut up, please." mahinahong sambit ni sir Sync dahilan para tumahimik ang apat.

Nilagyan ko na nang tubig ang mga baso nila bago ako pumunta sa kusina. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa init. Natigilan pa ako nang magsalita si Ate Ruth at lumapit sakin.

"May lagnat ka ba?" hinawakan niya noo ko at nagulat siya.

"W-wala lang po 'to, Ate Ruth." napaiwas ako ng tingin nang may kinuha siya sa bulsa niya.

A paracetamol?

"Inumin mo na yan, Ailey. Magpahinga ka nalang ako na kikilos para sa'yo." sabi niya at binigay sakin ang paracetamol na hawak niya.

"Kaya ko pa naman, Ate Ruth e. Di ko naman ikakamatay 'to." katulad ng sinabi niya, ininom ko na yun.

"Magpahinga ka nalang para agad kang gumaling." sabi niya at umalis na palayo sa'kin.

Kahit labag sa loob ko sundin ang sinabi niya ay naglakad na din ako papunta sa kwarto ko at humiga. Nagkumot ako hanggang sa leeg. Ang lamig kasi e. Pag nilalagnat ako nun si Inay nag-aalaga sa'kin pero ngayon nalulungkot ako kasi ako nalang ang nag-aalaga sa sarili ko. Nakakamiss naman sila Inay at Yesha. Bibisitahin ko na talaga sila bukas, promise!

Nagising ako dahil sa ingay. May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang mukha ni sir Sync ang nakita ko. Anong ginagawa niya sa tapat ng kwarto ko?

"Yaya Ruth told me that you're sick. So here, I bought you medicine." napaiwas pa siya ng tingin at nakita ko ang pamumula ng dalawa niyang pisngi.

"Hindi na sana kayo nag-abalang bilhan pa ako nito." sabi ko at kinuha yung plastic sa kamay niya.

"Why? Are you expecting something?" napataas naman kilay ko at inismiran siya.

"You're cute." gulat akong napatingin sa kanya.

What? Me is cute daw? Totoo ba?

"Pardon po sir?" nagkunwari akong di siya narinig.

"No need to repeat it. I know you heard it, woman." ngumisi siya habang sinasabi niya yun.

"Ganun? S-salamat dito." inangat ko konti ang plastic na hawak ko.

"Have you been eaten?" tanong niya na hinahaplos pa batok niya.

"Nagkape lang po ako kanina." sagot ko.

"Why? You didn't eat rice?" andami naman atang tanong nito? Hindi naman siya mukhang nag-alala e no?

"Hindi po ako kumakain ng kanin sa umaga." napailing pa ako.

"You should eat now, woman." malamig na medyo may pag-alala ang tone ng boses niya.

Nagulat ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at walang pasabing hinila ako papuntang kusina. Hindi ako makapagsalita dahil gulat parin ako. Why is he acting like he care for me? I was just a yaya here and he is my amo!

"Cook for yourself now." inuutusan niya ba ako?

Akala ko pa naman ipagluluto niya ako, hinila pa ako dito para ipagluto sarili ko? Aish. Hindi naman sa assuming ako pero kasi ito yung napapanuod ko sa teleserye e! Yung ipaghahain ng lalaki yung minamahal niyang babae. Ang tanong! Yaya niya lang naman ako diba?

"No, not that. You must eat a healthy food like vegetables." reklamo niya.

"Ako po ang magluluto at ako din ang kakain." kalmadong sabi ko.

Inirapan ko lang siya at kinuha ang itlog sa fridge.

"Step back." utos niya, agad naman akong napaatras.

Kinuha niya sa kamay ko ang itlog, ibinalik niya iyon sa fridge at mukhang nag-iisip kung anong kukunin niya. Nag-iisip pa siya n'yan? Nagkabit-balikat lang ako habang hinihintay siyang makapili kung anong kukunin niya mula sa fridge. Matagal bago niya isinara ang fridge at hawak niya ang POTATO?

"Anong gagawin ko dyan?" taray kong tanong.

"Lulutuin?" pabarang sagot niya.

"Bakit yan pa?" nakakunot noo kong tanong.

"Lutuin mo like a potato fries." napasinghap ako dahil sa sinabi niya.

"It takes time para gawin yung sinasabi mo ano ka ba."

Kung itlog nalang kaya lutuin ko mas madali pa kesa sa sinasabi niya. Aayain niya akong magluto tapos siya pa 'tong mapili. Ano trip niya? Gulo niya din kausap e.

"Sync." sabay kaming napalingon kay sir Hail?

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang lingunin niya ako. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni sir Sync, naguguluhan at nagtataka ang kanyang expression sa mukha.

"What?" malamig na tanong ni sir Sync sa kanya.

"What are you guys doing? I thought Yaya is sick?" tanong niya at nakatitig sa mga mata ko.

"Yeah, but I asked her to cook for herself because she didn't eat breakfast." mahinahong sagot naman ni sir Sync.

"Oh, I see." tumango lang siya.

"What do you want?" tanong ni sir Sync sa kanya.

"Let's talk. About..." mukhang nakuha naman ni sir Sync ang ibig sabihin ni sir Hail kaya umalis na sila.

Nagluto nalang ako ng sunny side up, kumain na din ako at uminom ng gamot na binili pa ni sir Sync sa Mercury drugs. Seryoso?  Bumalik na din ako sa kwarto ko at natulog.

Nagising ako bandang 11 AM, hinawakan ko noo ko para i-check kung mainit pa ba ako. At masaya akong hindi na ganun kainit, di katulad nung pag-gising ko kaninang umaga. Ako na ang nagluto ng tanghalian namin dahil kasalukuyang naglalaba ng mga damit si Ate Ruth sa likod.

"Are you okay?" muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong plato dahil sa gulat.

"Nakakagulat naman kayo sir." sambit ko habang nakahawak sa dibdib ang kabila kong kamay.

"Oh... I'm sorry." ngumiti lang ako at nilapag na ang mga plato sa lamesa.

"What's that?" tanong ni sir Jiro habang tinuturo ang niluto kong sinigang at tinola.

"Sinigang at tinola po." proud kong sabi.

"The smell is gross." arte niyang sabi.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon