"Excuse me, Miss. Kaharap mo lang naman ang girlfriend ni Sync. Kaya pwede ba wag kang mangarap dyan. Oo, maganda ka nga pero assumera ka naman." saad ni Hanna, napataas naman ang kilay nung babaeng nagpakilala na kabit ni Sync. I mean, fiancée ni Sync.
"Tone down your voice, Miss. I'm not assumera nor dreaming. I'm telling the truth here. If you guys wanna know, just ask Sync nalang kung ayaw niyo talagang maniwala. Bye!" sabi ni Jazzy, tinarayan niya pa kami bago siya tumalikod samin at naglakad paalis sa table namin.
"Woaaah! Who's that woman? She looks like a model but she doesn't act like one. Attitude girl." Hanna exclaimed, hinimas niya pa noo niya para pakalmahin ang sarili niya.
"What if she's telling the truth?" I asked, bigla nalang kumirot ang puso ko.
Paano nga kung totoo yun? Maganda siya, mukhang model, matangkad pa, maputi, perfect features ng mga artista ang mukha niya. Di ko maiwasang hindi manliit sa sarili ko, simple lang naman akong babae.
"She's joking lang, Ailey. Don't take it seriously, baka nang gogood time lang siya sayo. Ask Sync first to confirm na totoo ba ang sinasabi ng babaeng yun." ningitian niya pa ako ng pilit.
Bumuntong-hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
"She might be crazy." Hanna said, drinking her orange juice.
"Wag mong sabihin yan, Hanna. What if totoo nga?" napaiwas ako ng tingin dahil pinitik niya ako sa noo.
Napahawak tuloy ako sa noo ko. Mahina lang na pitik yun pero masakit.
"Be positive okay! Sync can't do that to you, he's inlove with you. Kung totoo man ang sinasabi ng babaeng yun edi sana siya mismo ang nagsabi sayo." ramdam ko ang pagkainis sa tono ng boses niya.
"Just ask him." dagdag niya pa.
Pagkatapos namin magbangayan ni Hanna, pumasok na din kami sa klase namin. Laws and ethics ang subject namin ngayon, habang naglelecture sa gitna si Mr. Onew, wala akong ganang makinig sa kanya. Iniisip ko kasi ang sinabi sakin ng babaeng yun. Kinakabahan ako na nasasaktan kahit hindi pa ako sure kung totoo ba yung sinasabi nung Jazzy na yun.
"Hoy."
Natauhan ako ng hampasin ako ni Hanna sa braso. Nakataas ang kilay ko nang mapatingin ako sa kanya. She rolled her eyes at me.
"What are you thinking? Yun parin ba?" tanong niya sakin na nakakibit ang mga balikat.
"Nothing." sagot ko.
"Stop thinking. Wala ka naman isip." sabi niya, nagpipigil tawa pa siya nyan baka kasi mahuli kami ni Mr. Onew na nagchichikahan.
"Hindi nakakatawa." taray kong tugon.
"Yeah. Whatever." balik kay Mr. Onew ang atensyon niya.
Pagkatapos ng klase, dumiretso agad ako sa library para manghiram ng Algebra book para kabisaduhin yun dahil iyon ang project namin this grading. Dagdag stress na naman pero kakayanin ko. Pagkatapos ko humiram, lumabas na ako ng library.
"Hey."
Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Medyo gulat pa ako dahil hindi ko inaasahan na andito siya. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa ang isa niyang kamay habang yung kaliwa naman ay may hawak na libro.
Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Habang palapit siya sakin ngayon, hindi ko maiwasang hindi maluha. Paano ko pala itatanong sa kanya?
"Sabay na tayo pauwi." hinawakan niya kamay ko, nakangiti pa siya ng mapalad sakin.
Napatingin ako sa mukha niya pababa sa magkahawak naming kamay.
Bakit ako nasasaktan ng ganito?
BINABASA MO ANG
𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]
Teen Fiction"We are all like moon. Maybe some doesn't appreciate us that much, but I know there are still people out there who knows how to appreciate our own beauty. Just keep on smiling, you are beautiful in someone's eyes."