16

91 11 0
                                    

"Stop it, Clyde!"

Since maaga akong nakauwi ay naglinis lang ako ng bahay at tapos ko na linisin ang 3rd at 2nd flooor. Kasalukuyan akong nasa living room naglilinis habang sina sir Clyde at sir Hail ay naglalaro ng games sa phone nila.

"I said stop! Matatalo na ako!" sigaw ni sir Hail kay sir Clyde.

"You're a pro. Hindi ka matatalo n'yan." sabi ni sir Clyde at tinatapik ang braso ni sir Hail.

"Pota. Isa pang kulit dyan! Pag ako natalo dito, mag-impake kana!" sigaw ni sir Hail.

"Go lang."

Kinukulit kasi ni sir Clyde si sir Hail habang naglalaro sa phone niya ng ML 'daw yun. Pagkatapos kong maglinis, nagpahinga muna ako bago mag-shower. Umakyat din ako sa 3rd floor dahil may iuutos daw sakin si sir Sync.

"Ano po yun sir?" tanong ko nang makapasok na ako sa kwarto niya.

"Planstahin mo uniform ko para bukas, love." utos niya.

Ay gago!

Hindi nalang ako umimik at sinunod agad ang inutos niya sa'kin. Nanunuod lang siya sakin habang ginagawa ko 'to. Nakasandal lang siya sa pader habang nakapamulsa. Ang cool niya dyan!

"Do you have a date this Valentine's?" tanong niya.

"Wala po sir. Wala din naman akong pakialam dyan." sagot ko.

"Why?"

"Kasi trip ko lang?" nakakunot noo kong tanong, di ako sure e.

"What if I ask you to date me?"

>/////////////////<

Natigilan ako sa ginagawa ko. Napatingin ako sa mata niya. Ano yung sinabi niya? Did I heard it right? Bakit ba siya ganyan?! Namumula na naman siguro pisngi ko nito. Kainis isya! Lagi nalang niya ako pinapakilig.

Ha?

Posible kayang gusto ko na din siya? No. It can't be.

"Many girls wanted me to date them but I refused. Gusto ko ikaw lang maka-date ko sa araw na yun." seryoso niyang sabi, naglakad siya palapit sa pwesto ko.

"Love?"

Lab dab lab dab >///////////<

Ang husky ng boses niya at ang lamig pa. Ang seryoso nang mukha niya. Parang kinikiliti bulate ko sa tyan at hindi ko alam kung bakit. Nakatitig lang ako sa kanya nang makalapit na siya sakin. Naging tahimik ang buong kwarto, walang nagsasalita samin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, nakatitig lang ako sa kanya nang seryoso.

"I... want you to be my Valentine." sabi niya.

Hinawakan niya ng dahan dahan bewang ko at hinila papalapit sa kanya. Agad ko naman naramdaman yung ano niya sa bandang tyan. Hindi ako makagalaw at hindi din ako makapagsalita. Nakalimutan ko nga atang huminga e. Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

"You're mine. Just mine."

------------

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock. Naligo at nagbihis na din ako bago ako nagkape. Huwebes na ngayon at kailangan kong maaga pumasok para simulan na namin ang pag decorate sa mga booths.

"Hanna!" tawag ko.

Binilisan ko ang paglakad ko para habulin si Hanna na naglalakad sa hallway. Narinig naman niya ako kaya napahinto siya at kumakaway pa sakin.

"Diretso na ba agad tayo doon?" tanong ko.

"Oo. Excuse na tayo sa mga klase natin ngayong araw." sagot niya at nagsimula ng maglakad.

Tumango nalang ako. Naglalakad na kami papuntang open space. Yung open space na sinasabi ko ay para siyang soccer field pero maliit lang ang space di tulad ng soccer field na sobrang lawak. Dito kasi ginaganap lahat ng mga programs at announcement ng school.

"Nikki, Hanna, Jana, Ashlar, at Ailey. Kayo ang magkakagrupo. Ang gagawin niyo ay Picture Booth." sabi ng Vice President namin.

Tumango nalang kami at nagsimula ng mag decorate. Wala namang hassle guys kasi hindi naman tamad mga kagrupo ko. At isa pa, sobrang excited sila! May mga jowa kasi.

Sana all!

"Hanna, put that ballon there." utos ni Ashlar kay Hanna, nakita ko naman na tinarayan siya ni Hanna.

Napailing nalang ako dahil sa kaibigan ko. Habang naglalagay ako ng mga ribbon na pula, di ko maiwasang mapangiti. Kasi naman 'tong tatay niyong si Sync kung ano ano nalang sinasabi sakin!

Kinikilig ako!

Hindi ko na maitanggi, nahuhulog na ako sa kanya. Ibig kong sabihin, gusto ko na din siya. Ganito pala yung feeling e no?

Buong araw, busy kami sa mga ginagawa namin. Natapos din namin ang pagdecorate bandang alas 3, pagod na pagod akong umupo sa plastic chair. Simple lang naman yung booth namin. Yung camera na gagamitin sa booth na 'to ay provided na ni Hanna at Nikki.

"Oh, sabi ni Ms. President pwede nang umuwi." sabi ni Jana samin.

Tumayo na ako at nagpaalam kay Hanna na uuwi na ako. Mamaya pa kasi siya uuwi, magbo-boy hunting muna daw siya ng mga Hunks. Naglalakad na ako sa hallway, napahinto ako ng makita ko agad si sir Sync sa malayo. Tatalikod na sana ako ng tawagin niya ako.

"Love!"

Shit.

Ang dami tuloy tumingin sa kanya habang naglalakad siya papalapit sa'kin. Napaatras pa ako ng isang hakbang ng nasa harapan ko na siya. Nakangiti siya habang nakapamulsa.

"Let's go."

Hinawakan niya kamay ko at walang pasabing hinila ako. Pansin ko sa kanilang dalawa ni sir Jiro, hilig nilang manghila no.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse. Wow, gentledog!

"Have you been eaten?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Hindi pa po sir. Sa bahay nalang ako kakain ng tanghalian." sagot ko at tumingin sa labas.

Tumango lang siya at nagfocus lang sa pagmamaneho. Napansin kong mali yung dinadaanan namin. Hindi ito yung daan papunta sa mansyon nila. Napalingon ako sa kanya at nakakunot ang noo ko. Napansin niya din ata ang aking pagtataka kaya lumingon din siya sakin at binigyan ako ng ngiti.

"We're here."

Nakakunot noo akong napalingon sa labas. Huminto kami sa isang sikat na Italian Restaurant?

"Anong gagawin natin dito sir?" tanong ko.

"Kakain?" taas kilay niyang sabi.

"Eh seryoso?" tanong ko.

"Oo, seryoso ako sayo." titig niyang sabi sakin, napaiwas naman ako.

Pagkalabas ko sa kotse niya, hawak hawak niya bewang ko. Kinilig ako deep inside, nararamdaman ko yung mga bulate na nagwawala naman sa tyan ko. Nang makapasok na kami, may waiter nag-assist samin sa isang table. Nag-order na din siya para sa'min. Eh hindi ko naman alam ang mga pagkain dito no. First time lang ako makakain dito.

"Yung lang po ba order niyo sir?" tanong nung waiter kay sir Sync.

"Yes." malamig niyang sagot.

Tahimik lang ako habang minamasdan ang buong lugar. Halatang mayayaman lang pwede sa lugar na 'to. Ang ganda ng mga chandelier at furniture, may mga paintings pa sa pader. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha.

"How's school?" tanong niya, napalingon ako sa kanya.

"Nagdecorate lang kami ng mga booth sir. Excuse ako sa mga klase ko." sagot ko at uminom ng tubig.

Tumango lang siya. Dumating na din yung pagkain na inorder niya at nagsimula na kaming kumain. Pahirapan pa akong hiwain ang beef steak, first time ko din kumain ng ganito e.

"Here, love." ibinigay niya sakin ang plato niya.

Kinuha niya yung plato ko, nakita niya ata na nahihirapan ako sa paghiwa ng beef steak. Napakagat-labi ako dahil sa hiya. Sorry naman, first time ko e.

"Kain kana." sabi niya.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon