23

74 12 0
                                    

"KYAAAAAAAAAH!"

Puno ng sigawan at hiyawan ang buong lugar. Namangha ako sa mga nakikita ko. Ngayon lang ako nakapunta dito, hindi naman kasi afford ng pamilya ko ang mga rides dito. Alam niyo naman estado namin sa buhay kaya nag-aaral talaga ako nang mabuti para makaahon kami sa kahirapan. Aish, tama na nga sa kakadrama at makapili na ng unang sasakyan namin. Habang hawak hawak ko ang kamay ni Love ay hinila ko na siya para pumila sa extreme rides na tinatawag nilang Vikings.

"Maraming rides dyan, love. Bakit yan pa ang unang sasakyan natin?" reklamo niya sakin, nakanguso pa siya.

"Wag mong sabihin na takot ka ha?" pang-aasar ko sa kanya.

"I'm not afraid at all. I'm scared for you." sabi niya, at hinawakan ako sa bewang.

Kumalabog naman ang puso ko dahil doon. Every time na may ginagawa siyang hindi ko inaasahan bigla nalang ako namumula o nagsisihiyawan bulate ko sa tyan. Nakakainis nga siya e! Napahawak nalang ako sa dibdib ko at pinipigilang ngumiti. Nakabili na din kami ng tickets at nakasakay na. Mabagal lang sa una hanggang bumilis ng bumilis yung pagduyan ng sasakyan. Napasigaw pa ako dahil parang masusuka na ako, grabe! Ganito pala 'to!

"What now? Kaya mo pa ba?"natatawang sambit niya, inirapan ko lang siya.

Sunod naming sinakyan ay Surf Frisbee, smooth lang sa una hanggang bumilis at di ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya napasigaw nalang ako ng malakas. Gago! Sino bang nagpauso nito para batukan ko ha?! Papatayin ba nila ako!! Nagpipigil lang akong wag magsuka kasi nasa himpapawid pa kami. Hanggang sa natapos na din at hingal hingal akong napasapo sa ulo kong nahihilo. Nagdalawa kasi ang paningin ko kay Sync e. Gaguhan ba 'to! Para tuloy akong nakadrugs nito!

"I told you not to ride that stupid rides. You look pale na." sermon niya sakin, minamasahe niya pa ulo ko.

"Okay lang ako. More extreme rides pa."nakangiting sambit ko, napabuntong-hininga pa siya.

"No to extreme rides, love. Ako yung natatakot para sayo e." malamig niyang sabi at hinawakan pa ulo ko.

"Aish. Sige na nga lang."pag-payag ko sa sinabi niya at hinila na ako papunta sa Bump Car Smash.

Nagmukha tuloy kaming bata ni Sync. Nang makasakay na kami sa kotse, red yung kulay na kotse ang akin habang kay Sync ay yellow. Sinadya kong banggain yung kotse niya at hinabol niya naman ako. Puro tawa lang ako kasi mukhang tanga lang kami dito, yung mga tao nga nanuod lang samin na para bang nasa teleserye kami. Pagkatapos nun, kumain muna kami sa may food court. Ang kinain lang namin ay isang slice ng pizza at buko juice. No to heavy food muna kami since may sasakyan pa kaming mga adult rides, mahirap na baka maisuka ko lang.

"What's next?" tanong niya, kinuha niya kamay ko at nilagay sa bulsa ng pants niya.

Kinilig ako sa ginawa niya kaya napangiti ako ng palihim. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, halos mga babae pa. Nagbubulungan sila tungkol ata samin? Lagkit pa titig nila kay Sync my loves. Hey, girlfriend's here!

"Wakcy worm? Then, sunod natin yung Jumping Star." excited kong sagot ko.

Tumango lang siya at pumila na. Hindi naman mahaba ang pila kaya nakasakay agad kami. Chill lang si Sync nung nagstart nang umandar yung rides. Ako naman nakakapit lang sa may railings sa harapan namin. Hindi naman nakakatakot ang rides na 'to kaya okay lang wala naman akong naramdaman na kahit ano. Hindi din naman ako nasusuka. Pagkatapos nun, pumila na kami para bumili lang tickets sa jumping star. Ito yung rides na nakakexcite sakyan. Shit, mawawala ba kaluluwa ko nito? Hihiwalay ba kaluluwa ko sa ride na 'to?

"Love, let's try another ride." seryosong sabi sakin ni Sync.

"Huh? Nakabili na tayo ng tickets, love."sagot ko, pinakita ko pa sa kanya ang tickets na binili pa namin.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon