29

45 11 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga din ang pasok ko. Nadatnan ko pa sa kusina si Ate Ruth na naghahanda ng breakfast.

"Naku, Ailey. Ako na dyan, kumain ka nalang para makapasok kana sa school." sabi sakin ni Ate Ruth, imbes na makinig sa kanya nilapag ko nalang sa mesa ang mga plato.

"Papasok nadin ako, Ate Ruth." ngiting tugon ko sa kanya.

Pagkatapos kong gawin lahat, paalis na sana ako ng mapahinto ako sa may pathway ng garden nila. May papalapit sakin na matandang babae.

"Where's my son?" tanong niya sakin.

I think nasa mid 40's na siya. She looks like an actress. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sakin, napabalik naman ako sa realidad ng tanungin niya ulit ako.

"Nasa loob po, Ma'am?"

Dahil sa kawalan ng tamang pag-iisip, yung sagot ko ay naging tanong.

"Who are you?" tanong niya sakin, tiningnan niya ako mula ulo mukhang paa. Joke!

"K-Katulong p-po a-ako dito, M-Ma'am." utal kong sagot.

Nakakunot ang noo niya at mataray na tinitigan ako. Hindi ko alam pero nanliit ako sa ginagawa niya. Hindi ko naman alam kung sinong anak niya sa limang supladong yun.

Iginaya ko siya papasok ng bahay. Nag offer ako ng maiinom sa kanya pero binalewala niya lang ako. Agad siyang nagtungo sa kusina kung nasaan ang limang suplado. Nakasunod lang din ako sa kanya.

"Mom?!" gulat na tanong ni Sync, sabay sabay silang tumayong lima.

"Why didn't you answer my calls?" galit na tanong ng Ina ni Sync.

Anak niya si Sync?

"I'm busy this past few days, Mom. So, what are you doing here?" Sync answered, raising his brows.

"You ignore my calls. Your Dad asked me to came here just to check you." sagot ng Mama niya.

Nananatiling nakatayo lang ako habang pinapanuod sila. Habang yung apat na suplado naman ay nakatayo din, bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

"Nag-alala lang kami sayo." sabi ng Ina niya sa kanya.

"I'm fine, I guess?" Sync murmured.

"We have a family dinner with Atienza. Wear a formal suit, Sync. We'll talk about the wedding." sabi ng Ina sa kanya, napaiwas ako ng tingin kay Sync ng nilingunan niya ako.

Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko ngayon pero ayaw makipagcooperate ng katawan ko. Nanunubig na din ang mga mata ko. Napag-usapan na namin ni Sync 'to kahapon pero hanggang ngayon hindi ko parin talaga matanggap. Hindi parin pumapasok sa utak ko na ganito ang mangyayari sa amin.

"Whatever you say, Mom." walang ganang sambit ni Sync sa kanyang Ina.

*

"Love!"

Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi nililingunan si Sync. Nasa school na kami ngayon, naglalakad ako sa pathway papuntang Business and Accountancy Bldg.

"Love!"

Huminto ako pero hindi ko siya hinarap. Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. Hinihingal pa siya habang iniharap niya ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-alala.

"Why are you doing this to me, love?" tanong niya, biglang kumirot ang puso ko.

"Nag-usap na tayo about dito, Sync." sagot ko, iniiwasan ang titig niya sakin.

"Stop doing this to me." malamig niyang sabi, may namumuong tubig na din sa mga mata niya.

"Yeah. Let's stop this." bigkas ko.

Nasasaktan ako. Mahal ko siya pero tadhana na ang ayaw sa amin.

Gusto kong pigilan ang mga luha ko sa pagpatak pero napakatraydor nila, patuloy lang itong bumabagsak. Gusto kong ipakita sa kanya na matatag ako, na hindi ako apektado sa paghihiwalayan namin.

"No. I can't lose you. You already promised me to stay by my side, right?" he exclaimed, binitawan niya ang braso ko at hinawakan ang mukha ko.

Gusto kong manatili sa tabi mo, Sync.

"How can I stay by your side if you already tied up with another woman? Your parents doesn't want me, Sync." I exclaimed, hinawi ko ang kamay niya sa mukha ko.

Gusto kong makasama ka pa, Sync.

"I can disobey them. All I want is you, now and forever." sabi niya, nagkatitigan kami.

Gusto ko ding maging selfish for once, gusto ko lang makapiling ka. Gusto kong mag explore kasama ka. Pero sa tingin ko, hanggang dito nalang tayo.

"Magtanan na tayo." nabigla ako sa binitawan niyang salita, napaatras pa ako ng wala sa oras.

Hindi ito ang inaasahan ko. Magtatanan kami? Hindi ko pa nasusuklian ang pagod at hirap ni Inay, magpapatayo pa ako ng bahay at bibigyan ko pa nang maayos na hanapbuhay si Inay. Kailangan nila ako.

"No. Kailangan ako ng pamilya ko, Sync." biglang sabi ko sa kanya.

"How about me? I needed you too." malungkot na sabi niya, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Gusto ko siyang yakapin pabalik pero hindi ito tama. Maling mali ito, lalo na engaged na siya. Iisipin ng ibang tao na ako ang masama dito at alam na nang lahat tungkol sa kanila ni Sync at Jazzy, dahil kahapon inianunsyo ni Jazzy sa lahat na ikakasal na sila ni Sync.

Mahina kong itinulak si Sync. Marami ng mga estudyanteng nakatingin sa amin. Ang iba, masama ang tingin sakin.

"I need you." bulong niya sakin.

Kailangan din naman kita, Sync. Pero mali ito. Buo na din ang desisyon ko.

"Hindi mo na ako kailangan, Sync. Bukas na bukas, ibibigay ko sayo ang resignation letter ko." malamig na sabi ko, pinunasan ko ang mga luha ko bago tumayo ng matuwid.

Bago pa man siya magsalita, tinalikuran ko na siya at naglakad ako palayo sa kanya. Ayokong makita siyang nasasaktan ng dahil sakin, kasi pag nakikita ko siyang umiiyak nasasaktan din ako. Mas mabuti ng ganito. Di naman ako nagsisisi na nakilala ko siya, naranasan kong maging masaya kahit sa maikling panahon lang na nakasama ko siya.

Bandang hapon, pag uwi ko sa mansyon nagligpit na ako ng mga gamit ko. I can no longer stay here in this place. Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho.

"Talaga bang aalis kana, Ailey?" malungkot na tanong ni Manang.

Mapait lang akong tumango bilang tugon. Niyakap naman ako ni Ate Ruth at mahinang tinapik ang balikat ko. Nagpaalam ako sa kanila bago ako umalis. Kay Manang Russell ko nalang binigay ang resignation letter ko, alam ko naman na ibibigay niya kay Sync yun mamayang pag uwi nila galing sa school.

Nagulat ko pa sila Inay at Yesha ng makauwi na ako sa bahay. Tinulungan pa ako ni Inay iakyat ang mga gamit ko sa kwarto ko.

"Bakit hindi mo ako tinawagan anak? Nasundo sana kita sa mansyong pinagtatrabahuan mo." sabi ni Inay.

"Biglaan kasi din, Nay." saad ko.

"May naging problema ka ba doon?" tanong niya sakin, umupo ako sa dulo ng kama ko habang siya nakatayo naman malapit sa pintuan ng kwarto ko.

"Wala naman, Inay. Maghahanap nalang po ulit ako ng mapapasukang trabaho." nakangiting sabi ko.

Gusto ko man sabihin kay Inay ang dahilan kung bakit ako nag-resign, pinili ko nalang wag itong ipaalam sa kanya. Baka magalit lang siya sakin at madismaya.

"Nandito lang si Inay para pagsabihin mo ng problema. Makikinig ako, Ailey anak." lumapit sakin si Inay at niyakap ako.

Napahagulgol nalang ako ng maramdaman ko ang pag-alala ng aking Inay. Namiss ko din sila.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon