13

116 10 0
                                    

I don't know what to reply. Nastuck up dila ko, biglang umurong dila ko kaya hindi ako makapagsalita. Nagulat din ako sa tanong niya, napaiwas ako nang tingin dahil doon. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Kumakabog ito ng malakas. Mga bulate ko sa tyan ay nagwawala na din sa mga sandaling ito.

"Hey." hinawakan niya pa kamay ko kaya nanginit nang tuluyan buong katawan ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdam ng aking puso. Kung bakit ba kasi ganito kabilis magsitakbuhan. Para itong nasa paligsahan at nag-uunahan silang makalampas sa finish line.

"Are you okay? You feel hot." hinawakan niya pisngi ko.

"Yeah. I was too hot." nakuha ko pang magbiro sa oras na ito.

Nakita kong ngumisi siya at napaiwas na naman ako ng tingin dahil ang lagkit na nang tinginan niya sakin. Para bang yelo ako na tinutunaw niya. Ano ba kinikilig na ako! Parang siya tanga talaga, bakit ba siya ganito?!

"Let's get inside na. Malamig na dito." binawi ko kamay ko sa pagkakahawak niya.

Baka makita pa kami nila at pag-isipan na ganito ganyan kami. Ma-judge na naman ako at ma-issue. Mahirap na baka maging sikat nalang ako pagkagising ko.

Kumain na din ako dahil sinabihan ako ni sir Sync na kumain 'daw ako. After kong maghugas ng plato na kinainan ko ay nag-half bath nalang ako at natulog na. Kinabukasan, maaga akong nagising at dahil 9 AM pa pasok ng klase ko ay naglinis nalang ako ng buong bahay. Napagtripan ko pang magbasa sa library at di ko namalayan na 7 na pala. Kaya agad agad akong naligo at nagbihis. Nagkape lang din ako dahil hindi naman talaga ako kumakain ng kanina sa umaga.

"Hey." napatalon pa ako nang binuksan ko ang gate at nakita ko si sir Sync na nakasandal sa kotse niya.

"Sir?"

Lumapit siya sakin at ningitian ako. Ngumiti din ako pabalik kahit medyo may pagkapeke.

"Call me love nga." nagulat naman ako sa sinabi niya.

Wew.

Love ampota.

Pero ang cute niya pag sinabi niya yun. Parang tanga.

"Akala ko po umalis na kayo?" tanong ko at iniwasan ang titig niya.

"I'm waiting for you. Sabay na tayo." sabi niya at tinuro ang kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse. Walang palag naman akong pumasok. Tahimik lang kami sa byahe, walang nagsasalita sa'min. Busy din siya sa pagmamaneho habang ako nakatingin lang sa labas.

"What's your ideal type of guy?" napalingon ako sa kanya ng magsalita siya.

"Para sakin ano... Mabait, magalang, may takot sa Diyos, hindi suplado at mapagkakatiwalaan." sagot ko at umiwas sa titig niya, tumango naman siya.

"Ikaw anong type mo ba sa babae?" ako naman ang nagtanong.

"Ikaw." napalingon ulit ako sa kanya pero ngayon ay gulat ako sa sinabi niya.

Lab dab lab dab >/////////////<

Talaga bang hindi siya hihinto sa pang-aasar sakin? Nagwawala na naman bulate ko sa tyan at nagtatakbuhan na naman lahat ng dugo ko papunta sa pisngi ko at sa mga oras na ito namumula na ako for sure. Bwiset siya!

"You're cute." sabi niya at pinisil pa ilong ko.

"Stop doing that." nagulat ako dahil sa salitang lumabas sa bibig ko.

Naki-English na din ako pota. Nahawa na talaga ako sa isang 'to. Sabi ko sa sarili ko na No to English speaking e! Tapos ngayon nakakagulat nalang. Inirapan ko nalang siya bago binuksan ko ang pinto at lumabas na. Nauna na din akong naglakad sa kanya kasi ipa-park niya pa kotse niya.

"Love." gulat akong napalingon sa mukha niya pababa sa kamay ko na hawak na niya ngayon.

"Mas makulit ka pa kesa sa bata." kalmadong sambit ko.

"Why? Do you love kids?" tanong niya.

"Oo at bakit mo tinatanong?" taas kilay kong tanong.

"Hi Mommy!" masigla niyang sabi at nagpuppy eyes pa.

Ay gago!

Napanganga naman ako dahil sa inakto niya. Hinila niya ako at sabay kaming naglakad papasok sa elevator. Sabi niya ihahatid niya daw ako sa first class ko kahit ayaw ko wala akong choice dahil hawak hawak niya kamay ko. Ang dami na ngang nakatingin sa'min e. Pinagbubulungan pa nila kami at para bang may nakakahawa kaming sakit kasi todo iwas sila samin pag dumadaan kami sa hallway.

"See you later, love."sabi niya at pinisil pisngi ko.

Kinilig naman ako dahil sa sinabi niya. Gago! Bakit ganito nararamdaman ko? Wala akong naging boyfriend simula nung sinilang ako. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.  Isa pa wala din ako naging crush noon hanggang ngayon. Focus sa pag-aaral lang talaga ang ginagawa ko sa buhay.

"Hoy, babae! Ikaw ha. Sino yun?"umupo ako sa tabi ni Hanna.

"Huh? Sinong sino yun?"pinangsisingkitan niya ako ng mata.

"Yung poging lalaki. Taga Engineering yun ah! Bakit siya na padpad dito?"nakangiting saad ni Hanna sakin.

"Amo ko yun, sis."sagot ko at inilabas ang mga libro sa bag ko.

"Wehh? Gagi, ang pogi sis! Jackpot kana!"masayang sabi niya at hinampas pa balikat ko.

"Aish. Hanna, alam mo hindi ko masasabing jackpot ako kasi unang una yaya lang nila ako at nagtatrabaho at pinagsisilbihan ko lang sila."napailing pa akong humarap sa kanya.

"Talaga? Bakit ka naman ihahatid ng poging lalaking yun dito ha?"pang-aasar niyang sabi.

"Malay ko ba dun."napairap pa ako.

"Ang pogi naman ng mga amo, sis. Sana payagan ako ni Mommy na magtrabaho, talagang mag-aaral na ako nang mabuti."hagikhik niyang sabi.

"Sana nga di ka payagan."sabi ko at siniko niya ako sa tagiliran.

Nagsimula na ang unang klase namin. Nakinig lang ako kasi may quiz kaya hindi ko hinayaan na kulitin ako ni Hanna habang nakikinig ako sa lesson. Lunch break na at andito kami ni Hanna sa cafeteria, nagkwentuhan lang kami about sa dadating na Valentine's day. Since wala naman akong pakialam dyan ay pwedeng sa library nalang ako buong araw. Si Hanna naman sure akong may mag-aaya sa kanya na makipag-date.

"Aish. Sana talaga may mag-aya sakin. Nakakalungkot na maging single!"reklamo niya, kunware umiiyak pa.

"Hindi mo naman ikakamatay yang pagiging single mo forever e."sabi ko at inirapan siya.

"I'm dying bitch. Sayang naman virginity ko pag walang makatikim diba?"napatakip ako sa tenga nang sinabi niya yun, tumawa lang siya.

"Kadiri ka talaga."sabi ko at uminom nang tubig.

"I'm just telling the truth here."inismiran niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Nahawa kana sa panunuod ng porn ah."sabi ko at binigyan siya nang matalim na tingin.

"Duh. Liberated na Pilipinas ngayon,  sis. It's worth dying if natikman ko ang heaven no."sabi niya at nagkabit-balikat pa.

"Ewan ko sayo."inirapan ko lang siya at hagikhik lang siya nang tawa dahil halatang pikon ako.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon