25

75 10 0
                                    

Read at your own risk.

"Hey, why are you shouting at me ha?!"

Kakauwi lang namin ni Sync sa bahay at nadatnan naming nag-aaway na naman si sir Hail at sir Clyde. Nasa living room sila at nagbabatuhan ng unan, sampol kay sir Clyde ang unan na binato ni sir Hail. Tamang chill lang si sir Rain habang nanunuod sa pagbabangayan ng dalawa. Napabuntong-hininga nalang din si Sync saka umiling at naglakad na paakyat ng hagdan. Nasanay na din ako sa pagbabangayan ng dalawa,  araw araw ba naman lagi may exhibition sa bahay.

"Fuck you, Hail!" inis na sigaw ni sir Clyde.

"It's not my intention to cork your pants of tea." mahinahong sabi ni sir Hail.

"Aish. Get out of my sight." malamig na sambit ni sir Clyde kay sir Hail.

Napailing lang si sir Clyde habang minamasahe ang noo niya. Parang natapunan lang ng kape at grabi na yung galit. Magkano ba yung pantalon niya? Mamahalin ba para mag-inakto siya ng ganyan? Aish,  mayayaman nga naman. Tss.

"Calm down, Clyde. Di naman sinasadya ni Hail, dude." pagdedepensa ni sir Rain.

Yeah, tama. Di naman ata niya sinasadya yun.

"It's expensive. At kakabili ko lang kahapon nito at matatapon ko lang 'to dahil sa mantsa." maarteng sabi ni sir Clyde.

Matatanggal naman yung mansta n'yan. Ang arte naman! Ako nga kahit nga madumihan ang puti kong damit,  sabon at kuskos lang ang kailangan para matanggal ang mansta pero siya itatapon ba naman. Wow, ang yaman men!

"I'll pay for it. Stupid." mukhang nainis na din ata si sir Hail.

"Never mind." napairap pa siya bago naglakad paakyat ng hagdan.

Ako, umalis na ako sa sala at nagbihis nalang at tinulungan si Manang sa pagluluto. Habang niluluto ko ang paborito nilang sinigang ay nagdadaldal lang si Ate Ruth. Hindi naman ako relate sa pinagke-kwento niya samin. Tango lang ako ng tango kapag napapalingon siya sakin.

"Ikaw, Ailey? May boyfriend kana ba?" tanong sakin ni Ate Ruth.

Nanlaki mata ko at napaiwas ng tingin sa kanila. Nag-evaporate na din ang dugo ko papunta sa mukha ko. Hindi kasi nila alam na boyfriend ko si Sync, mas mabuti kasing hindi nila malaman baka kung ano pang masabi nila. Kung sasabihin ko naman hindi sila maniniwala kasi amo ko yun at yaya lang ako. Sinabi ko din kay Sync na gusto ko lowkey lang yung relationship namin.

"Ah. Meron po." napangiti pa ako ng peke.

"Talaga? Hala, sino?" excited siya e no?

At chismosa pa.

"Schoolmate ko po." tumango naman siya at buti nalang di na siya nagtanong.

Pagkatapos namin magluto ay naghain na din kami ng hapunan para makakain na yung mga amo namin. Tahimik lang sila habang kumakain, pansin ko pa yung galit na tingin ni sir Clyde kay sir Hail. Di parin ata nagbabati 'tong dalawang 'to.

"Kumain kana ba?" bulong sakin ni Sync, napalingon naman ako sa pogi niyang mukha.

"Hindi pa." bulong ko din, nasa gilid niya lang ako kaya ganito kami mag-usap.

"Kainin mo na ako." nakangisi niyang sabi, nanlaki naman mata ko dahil sa gulat.

Shit.

"Dude, what the fuck?!" sabay kaming napalingon kay sir Hail, nasamid ata siya e.

Tiningnan niya lang kaming nakakunot ang noo. Narinig niya kaya yung sinabi ni Sync? Omo!

"Too wild. Tss." bulong ni sir Hail at napailing pa, napataas naman kilay ni Sync dahil doon.

𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗞𝗦 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon